Thursday , June 4 2026
Isko Moreno Chi Atienza

Isko Moreno nagbabalik sa Maynila, Chi Atienza, bise-alkalde ni Yorme para sa 2025 midterm elections

PERSONAL na tinugunan ni dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang minimithi at sigaw ng mga Manileño na muling bumalik upang pamunuan ang pamahalaang lungsod ng Maynila nang maghain ng kandidatura para sa pagka-alkalde ng lungsod kasama ang ang kanyang tandem sa pagka-bise alkalde na si Chi Atienza, sa huling araw ng paghahain ng certificate of candidcay COC) sa COMELEC Satellite Office sa SM Manila, sa Ermita district.

Ang paghahain nina Moreno at Atienza ay dinagsa ng daan-daang tagasuporta  na lubos ang pasasalamat at kapwa iisa ang sigaw na “May nanalo na, ang Pagbabalik!”

Sa paghahain ng pormal na kandidatura ni Moreno ay kanyang makakatunggali ang incumbent Manila Mayor na si Dra. Honey Lacuna na kapwa magkapatid ang turingan noong kanilang panahon sa partido ng Asenso Manileño.

Makakatunggali naman ni Chi Atienza sa pagka-bise ang incumbent vice mayor ng lungsod na si VM Yul Servo Nieto na katiket ni Lacuna.

Sa panayam kay Moreno, tututukan niya ang social services ukol sa mga kabataan, estudyante at mga senior citizens at muling ibabalik ang kinang, kaayusan at katiwasayan sa lungsod.

Kasama ni Moreno ang mga tagasuporta mula sa iba’t ibang opisina at ahensiya ng lungsod na nagpakita ng buong suporta sa kanilang kandidatura.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …