Thursday , June 4 2026
Judy Ann Santos

Judy Ann kampante makipagtrabaho sa mga beterano — makikita mo kung gaano ka-professional, walang kaarte-arte

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAS lalo raw nakilala at naka-bonding ni Judy Ann Santos si Lorna Tolentino.

Magkatrabaho sila ngayon sa horror film na Espantaho at mag-ina ang papel nila.

Pangalawang beses nang nagkatrabaho sina Judy Ann at Lorna sa isang pelikula.

Lahad ni Juday, “First namin was ‘Mano Po 2’ pero hindi ganoon karami ‘yung scenes namin together at saka hindi kami ‘yung mag-ina roon.

“Ngayon pa lang talaga ‘yung almost every scene magkasama kami.

“Nakikilala ko siya nang husto… ‘Mano Po’ pa lang naman may mga moment naman na magkakasama ‘yung malaking cast.

“Kasi ang dami namin roon, parang mahigit 20 kami eh,” kuwento pa ni Juday.

Ang Mano Po 2: My Home ay pelikulang entry sa Metro Manila Film Festival noong 2003 na tampok sina Judy Ann, Lorna gayundin sina Susan Roces, Christopher de Leon, Zsa Zsa Padilla, Kris Aquino, Angel Locsin, Carmina Villarroel, Alessandra de Rossi, Richard Gutierrez, Jay Manalo, Karylle at marami pang iba.

Kuwento pa rin ni Judy Ann tungkol sa muli nilang pagsasama sa pelikula ni Lorna, “I really appreciate working with veterans kasi talagang makikita mo kung gaano sila ka-professional, ready silang dumarating sa set, walang kaarte-arte.

“Lumaki ako sa ganoon, lumaki ako sa ganoong environment.

“So ito ‘yung environment ko,” pagtukoy ni Judy Ann sa set ng Espantaho.

“Nandito ako ngayon sa isang lugar na kinalakihan ko, ‘Eto ‘yun, o… ah okay!’

“Wala kaming masyadong issues… actually wala, walang issues na kung anupaman… dayalog, blocking, wala.

“Kumbaga kampante ang lahat dahil we trust each other.”

At dahil pareho sila ni Lorna na mahuhusay na aktres, tiyak na to the highest level ang aktingang mapapanood sa dalawa kapag ipinalabas na ang pelikulang ito na idinirehe ni Chito Roño.

Sa pangkalahatan,” sinabi pa ni juday, “kasi may Janice de Belen ka, may Mon Confiado ka, may Chanda Romero ka.”

Nasa movie rin si Eugene Domingo na kahit komedyana ay kilala ring mahusay na drama actress.

Kaya walang duda na bardagulan ang aktingang mapapanood sa Espantaho.

In fairness sa script ni Chris Martinez, binigyan niya ng moment bawat artista sa pelikulang ‘to.

“Iyon yung talagang nakakagulat na parang he was able to make it a point na bawat artista, may moment,” pahayag pa ni Judy Ann.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …