ni ROSE NOVENARIO SIMULA sa 1 Disyembre 2021, ipatutupad na ang “no vaccine, no work” policy at papayagan lamang ang mga empleyadong hindi bakunado kontra CoVid-19 pero sariling gastos nila ang regular RT-PCR o swab test. Nakasaad ito sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) Resolutions No. 148 at No. 149, may petsang 12 Nobyembre …
Read More »Simula sa Disyembre
Binomba ng water cannon ng Chinese Navy
PH NAVY MAGHAHATID MULI NG PAGKAIN SA AYUNGIN SHOAL
MAGTATANGKANG muli ang Philippine Navy na magpadala ng supply ng pagkain sa mga sundalo sa Ayungin Shoal ngayong linggo. Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, nangako ang embahada ng China na hindi gagalawin ang resupply boat kung wala itong Coast Guard o Navy escort. “Yes there are such instructions, no Coast Guard or Navy escort. The Chinese will not interfere …
Read More »
‘Atin ito!’
PH FLAG ITINAAS NI PING SA PAG-ASA
HATAW News Team PUERTO PRINCESA CITY, Palawan — Pinangunahan ni Reporma chairman at standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson ang pagtataas ng watawat ng Filipinas sa Pag-asa Island, bahagi ng Spratlys archipelago na inaangkin ng China, ngayong Sabado, 20 Nobyembre, upang ipakita ang soberanya ng bansa sa ating teritoryo. “Nagkaroon tayo ng flag-raising dahil mayroon tayong dalang bagong flag. ‘Yun pong flag …
Read More »‘Ill-gotten wealth’ ni Quiboloy ‘yari’ sa US gov’t
ni ROSE NOVENARIO NAIS ng mga awtoridad sa Amerika na kompiskahin ang mga ari-arian ng spiritual adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy dahil ito’y ‘ill-gotten.’ Napaulat na itinuturing ng Federal Bureau of Investigation (FBI) na ‘ill-gotten’ ang properties ni Quiboloy sa US dahil resulta ito ng mga krimeng ginawa. “We seek …
Read More »Face shield pinatanggal ng Palasyo
INAPROBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Emerging Infectious Diseases na luwagan ang patakaran sa paggamit ng face shield. Mandatory na lamang ang pagsusuot ng face shield sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level at granular lockdowns. Habang sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3, 2, at 1 …
Read More »Walang nagdidikta at nagkokontrol sa pangulo — Bong Go
SINAGOT ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang paratang ni retired military general, pamosong red-tagger at presidential aspirant Antonio Parlade, Jr., na walang nagdidikta at nagkokontrol kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Go, ang desisyon ng Pangulo ay sarili niyang pasya at kanyang pinag-isipan nang ilang beses. Ngunit aminado si Go, nagbibigay siya ng mga suhestiyon o payo sa Pangulo …
Read More »
Kontrolado desisyon ni Duterte
BONG GO, PROBLEMA NG BAYAN – PARLADE
ni ROSE NOVENARIO ITINUTURING ni retired military general, pamosong red-tagger at presidential aspirant Antonio Parlade, Jr., na isa sa mga problema ng bayan ang isa pang presidential candidate na si Sen. Christopher “Bong” Go. Sa panayam kay Parlade matapos maghain ng certificate of candidacy (COC) bilang presidential bet ng Katipunan ng Demokratikong Pilipino kapalit ni Antonio Valdez na iniatras ang …
Read More »Social media pages, ilang personalidad, sinampahan ng kaso ni Rose Lin sa NBI
DUMULOG sa National Bureau of Investigation (NBI) ang negosyanteng si Rose Nono-Lin nitong Lunes ng umaga para paimbestigahan at sampahan ng kaso ang mga nagpapakalat ng ‘malisyosong’ social media post na nag-aakusang drug lord umano ang kaniyang asawa at nagdadawit sa kanilang mga anak na pawang mga menor de edad sa naturang isyu. Tinukoy ni Lin ang ilang social media …
Read More »Prankisa ng Meralco puwedeng kanselahin kahit sa 2028 pa mapapaso — solon
IPINAREREPASO ni House Deputy Speaker Rodante Marcoleta ang prankisa ng Manila Electric Company (Meralco) sa gitna ng patuloy na pagtaas sa singil sa koryente. Sa isang privilege speech kamakailan, sinabi ni Rep. Marcoleta na dapat nang suriin at repasohin ng Kongreso ang prankisa ng Meralco kahit sa 2028 pa ito mapapaso. “Ngayon pa lang, Mr. Speaker, ay dapat na nating …
Read More »
Sa dalawang address na ibinigay
LAO HINDI NAHAGILAP NG OSAA
BIGO ang team ng Office of the Sargent at Arms (OSAA) ng Senado na maaresto si dating Procurement Service – Department of Budget and Management (PS-DBM) Undersecretary Christopher Lao sa mga address na kanyang itinala. Batay sa inilabas na impormasyon at larawan at video ng Senate PRIB, lumalabas na walang Christopher Lao na nanunuluyan sa mga address na kanyang ibinigay. Sa kanyang …
Read More »Mag-utol na Pharmally execs, arestado sa Davao City
DINAKIP ng Senate security personnel ang magkapatid na Mohit at Twinkle Dargani, mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation kahapon sa Davao City International. Ayon kay Senate Sergeant-At-Arms Rene Samonte, nakatakdang sumakay sa chartered flight patungong Kuala Lumpur, Malaysia ang magkapatid na Dargani nang harangin ng Senate security team sa naturang paliparan. Nakadetine sa kasalukuyan ang magkapatid na Dargani sa gusali …
Read More »
Naalarma sa maliit na budget
P50-B PONDO PARA SA KAKULANGAN SA PABAHAY ISINULONG
MATAPOS maalarma sa mababang budget na inilaan sa pabahay, isinulong ni San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” P. Robes ang pagpasa ng panukalang paglalaan ng P50 bilyong makalulutas sa lumalalang kakulangan sa proyektong pabahay sa buong bansa. Sa kanyang pagsasalita sa Habitat for Humanity Philippines Housing Summit kamakailan, sinabi ni Robes na isusulong niya ang agarang pag-aproba sa …
Read More »
EXCLUSIVE/REMAT:
DQ ni BBM pinaghahandaan
SARA DUTERTE FOR PRESIDENT, ‘KASADO’ SA BALESIN TALKS
ni ROSE NOVENARIO IKINAKAMADA sa Balesin Island Resort ng mga Ongpin sa Polillo, Quezon ang pinal na plano ng opisyal na pagsabak ni Davao City Mayor Sara Duterte sa 2022 presidential race. Ayon sa source, ilalahad anomang oras ng kampo ng alkalde ang resulta ng negosasyon niya sa grupo ng partido Lakas-NUCD na pinangungunahan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at …
Read More »
Duterte pabor
DI-BAKUNADO ETSAPUWERA SA TRABAHO
PINABORAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pasya ng mga kompanya na tanggihan ang mga aplikanteng hindi bakunado kontra CoVid-19. Ayon sa Pangulo, karapatan ito ng mga employer , pinoprotektahan lang ang kanilang negosyo at interes ng mga empleyado. “Kung hindi ka bakunado, hindi ka tanggapin sa trabaho. I think that is legal. You have the right to refuse, to accept …
Read More »DILG chief kumampi kay Isko sa ‘no face shield’ policy
NAKAHANAP ng kakampi si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” sa inilabas na kautusan nitong Lunes na nagsasaad na hindi na mandatory ang pagsusuot ng face shield sa Maynila maliban kung ito’y sa ospital, o klinika. Sa isang seremonya sa pagdating ng may 2.8 milyong doses ng Sputnik V CoVis-19 vaccine sa Villamor Airbase nitong Lunes ng gabi, sinabi ni Department …
Read More »Duterte hirap pumili ng next PNP chief — DILG
NAHIHIRAPAN pumili si Pangulong Rodrigo Duterte para sa magiging susunod na pinuno ng Philippine National Police (PNP) kapalit ni outgoing PNP chief, PGen. Guillermo Eleazar, dahil pawang malalapit sa kaniya ang mga kandidatong nasa listahan na isinumite ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Si Eleazar ay nakatakda nang magretiro sa serbisyo sa Sabado, Nobyembre 13, pagsapit niya sa kanyang …
Read More »Dito ni Dennis Uy P8.4-B lugi mula 2020
UMABOT na sa P8.4 bilyon ang lugi ng Dito, ang third telco player ng bansa na kontrolado ni Davao-based business tycoon Dennis Uy, magmula noong 2020. Ito ay ayon sa pro forma statement ng Dito na inihanda ng P&A Grant Thornton. Nakasaad sa statement na ang telco firm ay may net loss P4.656 bilyon noong 2020 at P3.769 bilyon sa …
Read More »LGU order vs mandatory face shield policy, ‘null and void’ – Palasyo
NULL and void o walang bisa kaya’t hindi puwedeng ipatupad ang kautusan ng pamahalaan ng mga lungsod ng Maynila at Davao na hindi na mandatory ang pagsusuot ng face shield dahil labag ito sa ipinaiiral na patakaran ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases. Inihayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kahapon kasunod ng executive …
Read More »SMART-PLDT inulan ng reklamo mula sa netizens
NAGING trending topic sa social media ang Telecommunications company SMART-PLDT makaraang ulanin ng mga reklamo mula sa netizens dahil sa malawakang fiber outage noong Lunes ng gabi. Ang mga apektadong lugar ay ang San Luis, Aurora; Batangas City; Calamba, Laguna: Taytay, Rizal: Maynila; Mandaluyong; Gamay, Northern Samar; Talisay City, Cebu; Iloilo City; Cebu City; Pilar, Bohol; Cagayan De Oro; Misamis …
Read More »
Sa illegal drug trade
‘KONEK’ NI YANG IKAKANTA SA SENADO
KINOMPIRMA ni Sen. Richard Gordon na nakahanda si dating police Col. Eduardo Acierto na humarap sa pagdinig sa Senado upang patunayan na may kaugnayan sa illegal drug trade si dating presidential economic adviser Michael Yang. “We nonetheless confirm that Acierto, through an emissary in the Senate, is now ‘more than willing’ to testify on Yang’s alleged drug involvement in …
Read More »Ratipikasyon ng P5-T budget at suspensiyon ng buwis sa gas prayoridad ng Kamara
SA PAGBUKAS ng sesyon ng Kamara ngayong araw, Lunes, nakaambang iratipika ng mga mambabatas ang pambansang budget na umabot sa higit P5-trilyon. Sinabi ni Speaker Lord Allan Velasco na isang prayoridad ang pagtalakay sa panukalang suspendehin ang pagpataw ng excise taxes sa produktong petrolyo. “Our commitment is to ensure that the budget bill, which is focused on getting the Philippines …
Read More »‘No vax, no subsidy’ vs 4Ps beneficiaries inalmahan ni Leni
KINUWESTIYON ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang panukalang “no CoVid-19 vaccination, no subsidy” para sa mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Iminungkahi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kamakalawa ang naturang patakaran dahil marami umano sa apat na milyong benepisaryo ng 4Ps ay hindi pa nagpapabakuna o ayaw magpabakuna kontra CoVid-19. Nanindigan si …
Read More »
Sa libreria ng mga unibersidad
‘LIBRONG SUBERSIBO’ TINUTULANG IPAGBAWAL
ni ROSE NOVENARIO KINONDENA ng Book Development Association of the Philippines (BDAP) ang pagbabawal sa aklatan ng ilang unibersidad ng mga librong subersibo ang paksa. Sinabi ng BDAP, labag ito sa constitutional right na “freedom in publishing, and freedom in thought” at hindi rito nakatutulong na maging critical thinkers ang mga mag-aaral. “The removal of books containing sensitive or challenging …
Read More »
Sa Malampaya consortium
BINTANG NG DOE KINASAHAN NI GATCHALIAN
BINATIKOS ni Senador Win Gatchalian ang paratang ng Department of Energy (DOE) na inaantala ng Senado ang timeline ng work program ng Malampaya consortium sa pagbusisi sa mga bentahan ng shares sa Malampaya gas field. “Hindi tamang akusahan ang Senado na nagiging dahilan ng pagkaantala ng anomang timeline o work program ng consortium sa Malampaya. Kabilang sa mga tungkulin namin …
Read More »
Kredibilidad ng 2022 elections nakasalalay
P536-M COMELEC CONTRACT SA ‘CRONY’ SELYADO NA
NAGTAINGANG-KAWALI ang Commission on Elections (Comelec) sa matinding kristisismo ng publiko sa pagsungkit ng P536-M contract ng Duterte crony firm para sa distribusyon ng election materials at supplies para sa 2022 polls. Inihayag ni James Jimenez, tagapagsalita ng Comelec, walang nakikitang balidong dahilan ang poll body para kanselahin ang kontrata ng F2 Logistics Philippines Inc., kahit konektado kay Davao City-based …
Read More »