Thursday , December 26 2024

Local

Nabuking sa palusot na shabu
2 TULAK TIKLO SA BULACAN

shabu drug arrest

BIGO ang dalawang pinaniniwalaang notoryus na tulak na mailusot ang ibibiyahe sana nilang shabu nang maaresto ng mga nakaalertong pulis sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 15 Agosto. Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Ferdinand Germino, acting chief of police ng Malolos CPS, kinilala ang dalawang nadakip na suspek na sina Zaldy Feliciano, ng Angeles, Pampanga; at …

Read More »

 “Ituro at ikuwento sa ating mga anak ang mayamang kasaysayan ng Bulacan.” – Sen. Villanueva

Joel Villanueva Bulacan

HINIKAYAT ni Senate Majority Floor Leader Senator Joel Villanueva ang mga Bulakenyo na ipasa sa susunod na henerasyon ang mayamang kasaysayan ng lalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng pagtalakay sa paksa tungkol dito sa mga hapag-kainan sa ginanap na Ika-444 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Bulacan sa Bulacan Capitol Gymnasium, sa lungsod ng Malolos, nitong Lunes, 15 Agosto. Sa kanyang talumpati …

Read More »

P/BGen. Pasiwen itinalaga na bilang Central Luzon Top Cop

Matthew Baccay Cesar Pasiwen Bulacan PNP PRO3

IPINAUBAYA na ni P/BGen. Matthew Baccay ang kanyang puwesto kay P/BGen. Cesar Pasiwen nitong Martes, 16 Agosto. Idinaos ang seremonya ng Change of Command sa PRO3 Patrol Hall, Camp Olivas, lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga, kasama si Area Police Command-North Luzon Commander P/MGen. Felipe Natividad bilang presiding officer. Sinalubong ng Arrival Honors ang bagong Regional Director na dati …

Read More »

Sa ika-444 anibersaryo ng pagkatatag ng Bulacan
VILLANUEVA, FERNANDO, CASTRO NANGUNA SA SELEBRASYON AT PAGBIBIGAY-PUGAY 

Joel Villanueva Daniel Fernando Alexis Castro Bulacan

PINANGUNAHAN ng Bulakenyong Senador at Senate Majority Leader Emmanuel “Joel” Villanueva, kasama sina Gobernador Daniel Fernando at Bise Gob. Alexis Castro, ang pagdiriwang ng ika-444 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Bulacan sa Bulacan Capitol Gymnasium, sa lungsod ng Malolos, nitong Lunes, 15 Agosto. Sa temang “Katatagan ng mga Bulakenyo, Hiyas ng Nagkakaisang Pilipino,” nagsimula ang programa sa pag-aalay ng bulaklak sa …

Read More »

P.340-M droga kompiskado sa 5 miyembro ng criminal group

shabu

ARESTADO ang limang hinihinalang miyembro ng Randy Domingo Crime Group sa ikinasang buy bust operation ng Provincial Intelligence Unit sa bayan ng San Mateo, lalawigan ng Rizal, nitong Linggo, 14 Agosto 2022. Sa ulat ni P/Maj. Joel Custodio, hepe ng Provincial Intelligence Unit (PIU), kinilala ang mga suspek na sina Reden delas Armas, alyas Den-Den, Catherine Niegas, alyas Cathy, Benjie …

Read More »

5.5 magnitude na lindol yumanig sa Davao del Sur

earthquake lindol

NIYANIG ng magnitude 5.5 lindol ang lalawigan ng Davao del Sur nitong Lunes ng hapon, 15 Agosto. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang epicenter ng tectonic na lindol, 12 kilometro timog kanluran ng Magsaysay, Davao del Sur na tumama dakong 4:23 pm, kahapon. Dagdag ng ahensiya, naramdaman ang lindol sa mga sumusunod na lugar: Intensity …

Read More »

Babala ni Tulfo, BROWNOUT/BLACKOUTS PUWEDENG SAMANTALAHIN NG TERORISTA

Electricity Brownout

NAGBABALA si Senator Raffy Tulfo, ang laganap na brownout sa iba’t ibang probinsiya ay nagdudulot ng malaking banta sa pambansang seguridad. Sa kanyang programang “Wanted sa Radyo” na ipinalabas noong Biyernes, 12 Agosto, sinabi ni Tulfo, ang kapalpakan ng mga ahensiya ng gobyerno na matugunan ang paulit-ulit na problema sa brownout ay maaaring makaapekto sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan …

Read More »

Natagpuang bangkay ng teenage lady biker kinilala ng 62-anyos ama

Princess Marie Dumantay

KINILALA ng kanyang sariling ama ang lady biker na unang iniulat na nawawala at natagpuan ang katawan sa madamong bahagi ng  Bypass Road, sa Brgy. Bonga Menor, bayan ng Bustos, sa lalawigan ng Bulacan nitong Biyernes, 12 Agosto. Kinilala ng kanyang amang si Rolando Dumantay, 62 anyos, residente sa Brgy. Graceville, San Jose del Monte, ang biktimang si Princess Marie …

Read More »

ex-vice mayor ng Lobo, Batangas binoga sa debut

TODAS sa bala ng boga ang dating bise alkalde matapos barilin habang nagbibigay ng kanyang pagbati sa isang debut party nitong Huwebes, 11 Agosto sa Sitio Cupang, Brgy. Tayuman, sa bayan ng Lobo, lalawigan ng Batangas. Kinilala ni P/Capt. Roy Cuevas, hepe ng Lobo MPS, ang biktimang si Romeo Sulit, 61 anyos, bise alkalde ng bayan ng Lobo mula 1998 …

Read More »

Sa Bukidnon
BUS NAHULOG SA BANGIN 31 PASAHERO NAKALIGTAS

road accident

NAHULOG sa isang bangin sa Sayre Highway, sa bayan ng Manolo Fortich, lalawigan ng Bukidnon ang isang bus na may sakay na 31 pasahero nitong Sabado ng gabi, 13 Agosto. Ayon kay P/SMSgt. Larie Eco, imbestigador ng Manolo Fortich MPS, bagaman walang naiulat na namatay sa aksidente, lima sa 31 pasahero ang naiulat na bahagyang nasugatan. Sa ulat ng Manolo …

Read More »

Asunto vs Angono ex-mayor absuwelto sa Ombudsman

ombudsman

IBINASURA ng Ombudsman ang kasong graft, grave misconduct, at abuse of authority sa dating alkalde ng Angono, Rizal dahil sa paggamit ng lupang nasa pampang ng Laguna de Bay. Sa siyam na pahinang resolusyon, ipinawalang-sala ng Ombudsman ang inihaing kaso laban kay dating Angono Mayor Gerardo Calderon kaugnay sa pagpapatayo ng isang pasyalan sa lupang inaangkin ng isang Cecilia Del …

Read More »

Bulacan, kaisa sa paghubog ng mga lider para sa susunod henerasyon

DANIEL FERNANDO Bulacan

BILANG PAKIKIBAHAGI sa bansa sa obserbasyon ng Linggo ng Kabataan 2022, nagsagawa ang pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office ng isang linggong aktibidad para sa mga kabataang lider, edad 13 hanggang 17 anyos na kabilang sa Boy/Girl Officials 2022 upang sila ay magkaroon ng karanasang nauugnay sa mabuting pamamahala at pamumuno. …

Read More »

Kumagat sa pain
TULAK TUWING MADALING ARAW TIMBOG SA PARAK

arrest posas

NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang pinaniniwalaang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy bust operation sa bayan ng Bocaue, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo ng madaling araw, 14 Agosto. Inaresto ng magkasanib na mga operatiba ng Bocaue MPS, SOU3 at PNP DEG sa isinagawang buy bust operation ang suspek na kinilalang si George Orquiola, Jr., residente sa Brgy. …

Read More »

Dalagita nasagip sa cybersex den 3 suspek arestado

Sextortion cyber

NAILIGTAS ng mga awtoridad ang isang babaeng menor de edad mula sa isang cybersex den kung saan nadakip ang tatlo katao sa Brgy. Sta. Cruz V, sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado ng hapon, 13 Agosto. Ayon kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting Provincial Director ng Bulacan PPO, nagsagawa ang mga tauhan ng San Jose …

Read More »

Para sa mas mabilis na biyahe
CAVITEX C5 LINK FLYOVER EXTENSION BINUKSAN NA 

Road Expressway

INIANUNSYO ng Toll Regulatory Board (TRB) ang grantor ng Manila-Cavite Toll Expressway Project (MCTEP) kasama ang CAVITEX infrastructure Corporation (CIC) na lalong bibilis ang biyahe mula Merville, Parañaque patungong C5 Road sa Taguig at vice versa at ang joint venture partner nito na Philippine Reclamation Authority (PRA) na bukas na bukas na simula kahapon, 14 Agosto, sa mga motorista — …

Read More »

Bombay patay sa riding in tandem!

riding in tandem dead

PATAY ang isang indian national habang nangongolekta ng 5-6 ng tambangan ito at pagbabarilin ng ‘riding in tandem’ sa Kasiglahan Village, Montalban Rizal. Sa ulat ni P/Lt. Col. Marcelino Pipo Jr., hepe ng pulisya kinilala ang nasawi na si Gursewak Singh, nasa hustong gulang, habang tumakas naman ang suspek gamit ang motorsiklo bilang gateway . Dakong 8:30 ng umaga August …

Read More »

6 talamak na tulak nalambat
P.5-M SHABU NASABAT

shabu drug arrest

NAGWAKAS ang pamamayagpag ng walong hinihinalang mga talamak tulak ng ilegal na droga matapos sunod-sunod na maaresto sa pinaigting pang operasyon ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 10 Agosto. Sa ulat mula kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, nagkasa ng anti-illegal drugs operation ang magkasanib na mga elemento ng PIU-PDEU Bulacan PPO at mga …

Read More »

Sa Gapan, Nueva Ecija
3 BAGETS NA CARNAPPER TIMBOG

Nueva Ecija PPO, PNP PRO3, Prison

NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlong hinihinalang mga carnapper sa loob lamang ng isang oras sa kanilang ikinasang follow-up operation na inilunsad ng kapulisan sa lungsod ng Gapan, lalawigan ng Nueva Ecija nitong Miyerkoles ng umaga, 10 Agosto. Sa ulat mula kay P/Col. Jess Mendez, acting provincial director ng Nueva Ecija PPO, dakong 3:30 ng madaling araw kamakalawa nang maganap …

Read More »

P46.28-M puslit na yosi nasamsam sa Subic

P46.28-M puslit na yosi nasamsam sa Subic

MULING nakakumpiska ang mga tauhan ng Bureau of Customs-Port of Subic ng mga ipinuslit na mga sigarilyo mula sa Singapore na nagkakahalagang P46.28 milyon. Ayon sa ulat, nakatanggap ang Port of Subic ng derogatory information ng nasabing shipment na naging dahilan ng pag-isyu ng Pre-Lodgement Control Order. Nadiskubre sa isinagawang physical examination ang kabuuang 1,122 master cases ng Marvels Filter …

Read More »

Sa Balanga, Bataan…
5 TULAK NAKALAWIT SA ENTRAPMENT

Sa Balanga, Bataan 5 TULAK NAKALAWIT SA ENTRAPMENT

NAKUMPISKA ang higit P80,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa limang suspek sa droga kasunod ang ikinasang entrapment operation sa Brgy. Sibacan, sa lungsod ng Balanga, lalawigan ng Bataan, nitong Miyerkoles ng gabi, 10 Agosto. Kinilala ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga arestadong suspek na sina Arman Manuel, 41 anyos; Mark Darwin Santos alyas Dawong, …

Read More »

Pinara dahil walang helmet
RIDER NAHULIHAN NG ‘DAMO,’ ARESTADO

marijuana

HINDI nakalusot sa mga awtoridad ang isang lalaking sakay ng motorsiklo matapos mahulihan ng hinihinalang marijuana sa nakalatag na checkpoint sa bayan ng San Ildefonso, lalawigan gn Bulacan, nitong Miyerkoles, 10 Agosto. Sa ulat mula kay P/Maj. Russel Dennis Reburiano, acting chief of police ng San Ildefonso MPS, kinilala ang suspek na si John Kirby Roque ng Brgy. Tiaong Labas, …

Read More »

Fernando, kaisa ni PBBM sa pagtiyak ng suplay ng pagkain sa bansa

Daniel Fernando Bongbong Marcos

KAISA si Bulacan Gov. Daniel R. Fernando sa layunin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na matiyak na sapat ang suplay ng pagkain sa bansa. Bilang hudyat para sa hinahangad na mas masaganang ani at kita ng mga Bulakenyong magsasaka, ang unang pagpapalipad ng isang agricultural drone na binili ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ay pinangunahan ni Fernando noong Martes, 9 …

Read More »

P.734-M shabu nasabat
24 TULAK SWAK SA REHAS

Bulacan Police PNP

SA patuloy na pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad ng Bulacan PPO, nadakip ang 24 mga pinaniniwalaang tulak at nasamsam ang higit P743-K halaga ng hinihinalang ilegal na droga hanggang nitong Miyerkoles ng umaga, 10 Agosto. Sa ulat mula kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, naarersto ang walong hinihinalang drug dealers sa drugbust operation na ikinasa …

Read More »