Tuesday , July 23 2024
Daniel Fernando Alexis Castro Bulacan

Sa Bulacan
VULNERABLE SECTOR’, BINIGYAN NG ORYENTASYON HINGGIL SA KAHANDAAN SA SAKUNA, TUMANGGAP NG INSENTIBO

Nagsagawa ng oryentasyon ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pakikipagtulungan sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at Provincial Health Office – Public Health (PHO-PH) para sa mga taong may kapansanan at mga senior citizen na tinawag na ‘Basta Bulakenyo, Kahit may “K” OK!’ bilang bahagi ng mga aktibidad para sa linggo ng National Disability Prevention and Rehabilitation na ginanap sa The Pavilion sa Hiyas ng Bulacan Convention Center sa Lungsod ng Malolos, Bulacan nitong Miyerkules.

Kaugnay ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month, pinangunahan ng PDRRMO ang oryentasyon sa layuning mapataas ang kamalayan at kaalaman ng mga nasa vulnerable sector sa paghahanda sa sakuna sa pamamagitan ng pagbibigay kaalaman sa kanila kung paano rumesponde at paano hihingi ng tulong sa panahon ng kalamidad gaya ng matinding pagbaha dulot ng bagyo, lindol, mga insidente ng sunog at iba pang mapanganib na emergencies.

Dinaluhan ang nasabing aktibidad ng may 408 na mga opisyal at miyembro ng City at Municipal PWD Officers, Federation of Senior Citizens Associations of the Philippines (FSCAR) at Office for the Senior Citizens’ Affairs (OSCA) na siyang mga katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagbababa ng mga serbisyo ng pamahalaan sa mga komunidad. 

Sa kanyang mensahe, isinulong ni Gob. Daniel R. Fernando ang pagiging kabahagi ng lahat, lalo na ng mga taong may kapansanan at nakatatandang populasyon dahil sila ang pinaka nangangailangan ng tulong sa panahon ng krisis.

“Sa pagkilala sa kanilang mga hamon at aktibong pagtugon sa kanilang mga pangangailangan ay hindi lamang magpapalakas sa kanilang kakayahan na harapin ang mga pagsubok sa panahon ng krisis kundi magtataguyod din ng mas makatao at inklusibong lipunan. Sa pagtutulungan, maaari nating maitayo ang isang mas ligtas at mas matatag na komunidad kung saan walang maiiwan, anuman ang edad o kakayahan,” anang gobernador.

Samantala, bilang handog sa mga PWD at senior citizen, namahagi si Fernando kasama si Bise Gob. Alexis C. Castro ng mga papremyo na nagkakahalaga ng P500, P1,000, P2,000 at karagdagang dalawang bisikleta sa idinaos na raffle habang pinangunahan naman ni PSWDO Head Rowena J. Tiongson ang pamamahagi ng cash incentive na P1,000 at box of goods sa lahat ng mga dumalo. (Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

Sonny Angara DepEd

Panawagan kay Angara
SUWELDO NG MGA GURO ITAAS, ‘KORUPSIYON’ SA DepEd DAPAT TUGUNAN — TINIO

NANAWAGAN si dating ACT Teachers Rep. Antonio “Tonchi” Luansing Tinio kay bagong-upong Department of Education …

FEHI, DHSUD sanib-puwersa para sa programang pabahay

FEHI, DHSUD sanib-puwersa para sa programang pabahay

NAGSANIB-PUWERSA ang kompanyang Far East Holdings Inc. (FEHI) at ang Department of Human Settlement and …

First Lady Liza Araneta-Marcos, namahagi ng mobile clinics

First Lady Liza Araneta-Marcos, namahagi ng mobile clinics

NAMAHAGI si First Lady Louise “Liza” Marcos, sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH) ng …

Isko Moreno

Isko Moreno llamado sa muling pagtakbo sa Maynila

HATAWANni Ed de Leon ANO tatakbo na naman si Isko Moreno bilang mayor ng Maynila sa 2025? …

prison

300 PDLs mula Bilibid inilipat sa Iwahig Prison sa Palawan

INILIPAT ang may 300 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison (NBP) …