Monday , October 2 2023
Bulacan Police PNP

Mga tulak, kriminal, kawatan inihoyo

Sa masigasig na pagsisikap ng Bulacan police ay humantong sa pagdakip ng mga indibiduwal na sangkot sa iba’t-ibang krimen sa lalawigan kamakalawa.

Ang matagumpay na operasyon ng pulisya ay nagresulta sa pagkaaresto ng mga tulak, wanted na kriminal at kawatan.

Ayon sa ulat na ipinadala kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, nakasaad na sa ikinasang drug sting operations na isinagawa ng  Station Drug Enforcement Unit ng Malolos, SJDM, at Obando C/MPS ay nagresulta sa matagumpay na pag-aresto sa 11 tulak.

Kabilang sa mga suspek sina Rozano Panganiban at apat mula sa  Dakila, Malolos City; Nathaniel Ryan Rubia at tatlo mula sa Mulawin, SJDM City; at sina  Rommel Yepes at Mario Cabatingan mula sa Paco, Obando.

Ang mga nasabing indibiduwal ay arestado matapos masangkot sa drug transactions sa mga police officers kung saan nakumpiska sa kanila ang 35 pakete ng pinaghihinalaang  shabu, drug-related items, at perang ginamit sa drug deals.

Samantalang ang tracker teams ng SJDM CPS at Marilao MPS ay arestado ang tatlong wanted na may kasong kriminal, kinilalang sina  Ernesto Carpio aka Nestor Carpio Jr., para sa robbery; at John Paul Vicencio para sa Acts of Lasciviousness kaugnay sa  R.A. 7610 at paglabag sa  Sec. 10(a) Art. IV ng R.A. 7610; at JP Hernan para sa  Slight Physical Injuries (2 counts).

Sa inilatag namang follow-up operation, ang Marilao Municipal Police Station (MPS) ay mabilis na umaksiyon at nadakip ang suspek na sangkot sa insidente ng robbery sa Nagbalon, Marilao, na naganap dakong alas-6:00 ng umaga kamakalawa.

Ang suspek na si Christian Rodeño, 21, ay puwershang pumasok sa bahay ng biktima sa pamamagitan ng pagsira ng pinto sa likuran.

Kargado ng matalas na bagay, ang suspek ay kinulimbat ang valuable bag na halagang Php115,000.00, gayundin ang pitaka na naglalaman ng P1,000.00.

Matapos madakip, matagumpay na narekober ng mga awtoridad ang mga ninakaw na items, kabilang ang patalim. ang pitaka na may  lamang P1,000.00, at ID ng biktima. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

arrest posas

2 kilabot na holdaper arestado gamit na gun replica kompiskado

NABAHAG ang buntot ng dalawang kilabot na holdaper nang pagsalikupan sila ng mga nagrespondeng pulis …

Bulacan solar-powered irrigation system DA NIA

Magsasakang Bulakenyo makikinabang sa 3 solar-powered irrigation system ng DA-NIA

MALOLOS CITY – Tinatayang 1,434 magsasakang Bulakenyo ang makikinabang sa katatapos na tatlong solar pump …

lovers syota posas arrest

Magdyowang tulak, dinamba sa drug bust

SWAK sa selda ang live-in partners na sinabing tulak ng ilegal na droga matapos makuhaan …

Arrest Posas Handcuff

 ‘Exhibitionist’ dinampot ng parak

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang lalaking ‘exhibitionist’ matapos makunan ng video habang nagpapakita …

Gun Fire

Ex-CSU ng Malabon namaril ng sekyu

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang security guard matapos barilin ng dating kawani ng Malabon City …