Thursday , June 4 2026
Toti Ople Daniel Fernando Alexis Castro Bulacan

Buhay at legasiya ni Ople pinarangalan sa Bulacan

Inalala ng mga dati at nakaluklok na lokal na opisyal ng Bulacan sa pangunguna ni Gob. Daniel R. Fernando ang simple at payak na buhay at pinarangalan ang legasiya ng dating Punong Bayan ng Hagonoy at Bokal Felix Magdiwang “Toti” V. Ople sa isang luksang parangal sa Bulacan Capitol Gymnasium sa Lungsod ng Malolos, Bulacan kahapon.

“Sa kabila ng kanyang mataas na pinagmulan sa buhay, si Bokal Toti po ay namuhay ng payak, may kababaang loob. Isinilang at lumaki sa kaginhawahan, ngunit mas pinili niyang sundan ang tagubilin ng ama na huwag iwanan, bagkus ay paglingkuran ang Lalawigan ng Bulacan, lalo na ang Bayan ng Hagonoy na labis niyang minahal,” anang gobernador.

Parehong binalikan nina Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro ang masasayang alaala kasama ang beteranong politiko na nagsilbi bilang lehislador sa lalawigan nang siyam na taon.

“Mahirap maghanap ng tunay na kaibigan sa politika pero nakita ko po kay Kuya Toti ang isang tunay na kaibigan, parang kapatid,” ani Castro matapos maghandog ng awitin na may titulong “You Raise Me Up” kay Ople.

Matapos ito, iniabot ni Castro kasama ang buong Ika-11 Sangguniang Panlalawigan sa naiwang pamilya ang kopya ng Kapasiyahan Blg. 555-T’2023 na naglalaman ng mataas na pagkilala at natatanging parangal para kay Toti Ople.

Gayundin, nagbigay pugay sina dating Bokal at Bureau of Customs Director Michael Fermin, Punong Bayan ng Hagonoy Flordeliza Manlapaz, dating Gobernador Roberto Pagdanganan, at Kinatawan ng Unang Distrito Danilo Domingo sa namayapang politikong Hagonoeño.

Samantala, pinasalamatan ni Luis V. Ople, pinakamatanda sa magkakapatid na Ople, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna nina Fernando at Castro sa buong pusong pagpaparangal sa kanilang kapatid. Idinagdag pa niya na katulad ng ikalawang pangalan ng kanilang kapatid na “Magdiwang”, ang pagpupugay ay isang pagdiriwang ng magandang buhay ni Toti bilang lingkod bayan.

Nagmula ang labi ni Ople sa Christ the King Chapel sa Greenmeadows, Quezon City kung saan ito ibinurol simula nang namayapa ito noong Hulyo 13.

Matapos ang luksang parangal, inilipat ang labi ni Ople sa Cherubim of Heaven sa San Pedro, Hagonoy hanggang sa Hulyo 21 kung kailan siya ihahatid sa kanyang huling hantungan sa Hagonoy Catholic Cemetery. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …