Saturday , December 13 2025

Front Page

DepEd may largest slice sa 2015 budget

ANG Department of Education (DepEd) ang tatanggap ng pinakamalaking bahagi, P364.9 bilyon, mula sa P2.606-trilyon proposed 2015 national budget, gagamitin sa pagkuha ng bagong mga guro, pagsaasayos at pagtatayo ng karagdagang mga silid-aralan, at pabili ng textbooks. Sinabi ni Budget Secretary Florencio Abad, sa pamamagitan ng budget ng DepEd, maaari nang tumanggap ng karagdagang 39,066 guro at makapagtatayo ng 31,728 …

Read More »

Judges sa PJA election scam suspendido (Sa Ma’am Arlene issue)

INILABAS na ng Korte Suprema ang inaprubahan nitong rekomendasyon ng Leonen committee na nag-imbestiga sa ‘Ma’am Arlene issue.’ Sa tatlong pahinang notice of resolution na pirmado ni Clerk Of Court Enriqueta Vidal, iniutos ng Korte Suprema ang pagsuspinde kina Quezon City RTC Judge Ralph Lee bilang presidente ng Philippine Judges Association, at Manila Regional Trial Court Judge Lyliha Aquino, bilang …

Read More »

Misis umayaw 8-anyos anak biniyak ni mister

“Aray Papa, masakit!” Ito ang narinig ng isang ginang nang maaktohan habang hinahalay ng kanyang mister ang 8-anyos nilang anak na babae kamakalawa ng madaling-araw sa Malabon City. Kulong ang suspek na kinilalang si Aldrin Tacay y Bayot, 34, construction worker, ng Pitong Gatang St., Brgy. Dampalit. Nahaharap sa kasong rape in relation to R.A. 7610 (Anti-Child Abuse), nakapiit sa …

Read More »

Kudeta kinompirma ni Trillanes

KINOMPIRMA ni Senador Antonio Trillanes IV na mayroon talagang planong kudeta laban sa administrasyon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ngunit palaging nabibigo at hindi nagtatagumpay dahil sa kawalan ng suporta ng mga aktibong miyembro at opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Ayon kay Trillanes hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nagtangka ang isang grupo ng mga …

Read More »

Pope Francis bibisita sa Yolanda survivors (Sa Enero 15, 19, 2015)

NAKATAKDANG bisitahin ni Pope Francis ang mga biktima ng super typhoon Yolanda sa Vizayas region. Una rito, inianunsiyo ni Papal Nuncio Archbishop Guiseppe Pinto na ang pagbisita ng Santo Papa ay isang “spiritual typhoon.” Habang ayon kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, nais nilang ipakita kung gaano katatag ang mga Filipino sa kabila ng mga problema sa bansa lalo …

Read More »

Enzo Pastor killers kinilala ng NBI

TUKOY na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagkakakilanlan ng mga suspek sa pagpatay sa international race car champion na si Ferdinand “Enzo” Pastor. Bagama’t tumangging magdetalye upang hindi maapektohan ang operasyon, sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima, malapit nang maresolba ang nasabing kaso. Ayon kay De Lima, nakatakda nang ilabas ng NBI ang resulta ng imbestigasyon. Si …

Read More »

Naunsiyaming DAP projects igigiit ng Palasyo

DESIDIDO ang Palasyo na ipursige pa rin ang naunsiyaming mga proyektong nakapaloob sa Disbursement Acceleration Program (DAP) kaya’t hihiling sa Kongreso ng supplemental budget para pondohan ito. Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi na isasama ng Malacañang sa binabalangkas na 2015 national budget, ang mga nasabing proyekto dahil hindi na makapaghihintay pa ang Malacañang na maipasa ang 2015 General …

Read More »

Bonifacio Global City drug joints — NBI

MASUSING imbestigasyon ang isinasagawa ng pamunuan ng Taguig City Police kaugnay sa alegasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na ”drug joints” ang Bonifacio Global City (BCG). Ang hakbang na ito ng Taguig City Police ay batay sa utos ni Taguig City Mayor Lani Cayetano makaraan umalma sa alegasyon ng NBI. Sinabi ni Cayetano, hindi nagpapabaya ang lokal na pamahalaan …

Read More »

Lolo tigok sa romansa ng bebot

CEBU CITY – Idineklarang dead on arrival ang isang 63-anyos lolo sa pagamutan makaraan nahirapang huminga habang nakikipagtalik sa isang babae sa loob ng isang hotel sa lungsod ng Lapu-Lapu, Cebu. Kinilala ang biktimang si Herculano Dico, may asawa, at residente ng Brgy. Babag-1, sa nasabing lungsod. Ayon sa staff ng BSM Hotel na si Anelyn Petalyar, biglang lumabas sa …

Read More »

Impeachment vs PNoy ‘di suportado ng NP

SINIGURO ni Senadora Cynthia Villar na hindi susuportahan ng kanilang Partido Nacionalista (NP) ang ano mang impeachment complaint laban kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Ayon kay Villar, hanggang sa kasalukuyan ay nananatili pa rin ang alyansa ng NP sa Liberal Party (LP) na partido politikal ni Pangulong Aquino at ng NP. Nagsimula ang alyansa ng dalawang partido noong 2013 …

Read More »

3 Senador sa BJMP tinutulan ng Oposisyon

NAGHAIN ng resolusyon ang oposisyon sa Senado para mapigilan ang paglilipat sa mga nakalulong na senador mula sa PNP Custodial Center sa Kampo Crame. Sa kanilang Senate Resolution 798, hiniling nina Sen. Tito Sotto at Sen. Gringo Honasan na huwag mailipat sina Sen. Juan Ponce Enrile, Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Ramon Revilla sa Camp Bagong Diwa sa Taguig habang …

Read More »

DFA elevator bumigay 1 tepok, 2 sugatan

BUMIGAY ang kinukumpuning elevator sa ikaanim palapag ng gusali ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ikinamatay ng isang maintenance habang sugatan ang dalawang kasamahan sa Pasay City kamakalawa. Nalagutan nang hininga bago idating sa San Juan De Dios Hospital si Regalado Gutierrez, 32, repairman ng Hyatt Elevator and Escalator Corporation, ng #78 Unit-5 Wespoint St., Cubao Quezon City, bunga …

Read More »

PNoy pumuntos sa emotional SONA (Kahit ‘di masustansiya)

UMANI ng suporta sa publiko ang pagiging emosyonal ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa State of the Nation Address (SONA) kamakalawa lalo nang banggitin ang mga katagang nabanggit na rin ng kanyang ama. Ayon kay Prospero “Popoy” De Vera, UP Vice-President for Public Affairs at isang political analyst, hindi sinasadya at hindi scripted ang binitawang salita ni Aquino kaya …

Read More »

P14-M lotto prize kinobra na ng Yolanda survivor

IPINAGKALOOB na ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Jose Ferdinand Rojas II ang mahigit P14 million lotto prize na napanalunan ng isang Yolanda survivor. Ayon kay Rojas, nagwagi ang hindi na pinangalanang lotto bettor sa nakaraang 6/45 Mega Lotto noong Hulyo 14, 2014. Nabatid na isang magsasaka ang naturang mananaya at ticket holder ng kombinasyon na 7-9-19-24-35-43. Plano …

Read More »

Kidlat umutas ng 2 magsasaka 2 pa kritikal

TIGOK ang dalawang magsasaka at dalawa pa ang sugatan nang tamaan ng kidlat habang nagtatanim ng palay sa Brgy. Naglicuan, Pasuquin, Ilocos Norte. Kinilala ang mga biktimang namatay na sina Joven Ratuita Sr., 44; at Arnel Galiza, 30, habang sugatan sina Eddie Villanueva at Nick Cornelio, pawang mga magsasaka. Magkakatabing nagtatanim ang apat nang biglang kumulog at kumidlat, at tinamaan …

Read More »

Pangasinan hospital aapela vs 100 millionth baby

DAGUPAN CITY – Posibleng iapela ng pamunuan ng Pangasinan Provincial Hospital sa lunsod ng San Carlos ang paniniwala nilang sa kanilang pagamutan isinilang ang tinaguriang 100 millionth baby na inabangan noong madaling araw ng Linggo. Ayon kay Dr. Policarpio Manuel, Chief of Hospital ng PPH, eksaktong 12:20 a.m. ipinangana k ni Pamela Pedronio ang sanggol na lalaking si John Paul, …

Read More »

Inday ganap nang bagyo

NABUO na bilang bagong bagyo ang sama ng panahon na namataan sa silangang bahagi ng bansa. Ayon kay Pagasa forecaster Connie Rose Dadivas, binigyan nila ito ng local name na Inday nang pumalo sa 55 kph ang taglay na hangin. Ngunit hindi ito inaasahang tatama nang direkta sa alinmang bahagi ng lupa. Gayonman, palalakasin nito ang hanging amihan na maaaring …

Read More »

Buntis, 2 paslit tostado sa sunog

TATLONG kasapi ng isang pamilya ang patay nang makulong sa nasusunog na bahay sa Brgy. Coronon, Sta. Cruz, Davao del Sur nitong Lunes ng tanghali. Kabilang sa mga namatay ay si Noriza Hilay, walong buwan buntis; anak na si Paulo, 2; at pamangkin na si Hinata, 3-anyos. Ayon sa kasambahay na si Susana Montecerin, natutulog ang tatlo sa ikalawang palapag …

Read More »

PNoy, Kris naiyak sa SONA

NANGILID ang luha at gumaralgal ang tinig ni Pangulong Benigno Aquino III maging ang mga kapatid sa pangunguna ni Kris nang banggitin sa kanyang “speech” ang mga magulang at ang sinabing kanyang mga ipinaglalaban. Gaya ng dapat asahan inulan ng puna at komento sa social media ang pag-iyak ni Kris at ang pagluha at garalgal na tinig ng Pangulo. Pero …

Read More »

State workers sumugod nagprotesta vs SONA (7 anti-SONA protesters arestado)

NAGSAGAWA nang malawakang walkout bago sumugod kahapon sa State Of The Nation Address(SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga empleyado ng iba’t ibang sangay ng gobyerno para sumama sa kilos protesta. Pinangunahan ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE), ang naturang rally kasama ang court employees; mga empleyado ng National Housing Authority; Department of Agrarian …

Read More »

Militanteng mambabatas nag-walkout

SABAY-SABAY na tumayo at umalis sa plenaryo ang Makabayan bloc o grupo ng mga militanteng mambabatas habang nagtatalumpati si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kahapon. Ayon kay Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, hindi na nila maatim ang mga sinasabi ng Pangulo ukol sa pag-unlad na para sa kanila ay hindi maramdaman ng mga karaniwang mamamayan. Para sa kanila, malayo sa …

Read More »

Red carpet agaw-eksena sa SONA

PATALBUGAN sa Filipiniana gowns sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino kahapon. Sa bawat SONA, agaw-pansin ang red carpet fashion ng mga mambabatas at misis ng mga kongresista. Nagsisilbi rin itong showdown ng mga kilalang designer para sa kanilang mga obra. Isa na sa suki tuwing SONA ay ang designer na si Randy Ortiz. Ngayong taon, …

Read More »