Friday , January 21 2022

Presidentiables taob kay ping sa WPS issue

112921 Hataw Frontpage

HATAW News Team

NAPUKAW ang atensiyon ng higit na nakararaming Pinoy sa problemang bumabalot sa mga pag-aari ng Filipinas na bahagi ng West Philippine Sea (WPS) matapos personal na dalawin ni Partido Reporma standard bearer Panfilo Lacson ang Pag-asa Island.

Batay sa isang survey na idinaos matapos ang pagtuntong ni Lacson sa nabanggit na islang pinapaligiran ng mga barko ng China sa kabila ng katotohanang ito ay sakop pa ng Filipinas bilang bahagi ng bayan ng Kalayaan na nasa lalawigan ng Palawan.

Sa survey ng The Power of Truth, na isinagawa isang linggo matapos ang pagdalaw ni Lacson sa isla, nadagdagan ang puntos at nanguna ang tambalan nilang dalawa ni vice presidentiable Vicente Sotto III kompara sa ibang mga tumatakbo sa parehong mga posisyon.

Nakuha ni Lacson ang 71 porsiyentong boto habang si Sotto naman ay nakakuha ng 70 porsiyento mula sa 2,000 lumahok sa online independent survey. 

Sinagot ng mga lumahok sa presidential at vice presidential survey ang tanong na “Sino ang iyong presidential bet para sa 2022 Philippine national election?”

Ibinase ang mga kandidato mula sa listahan ng mga naghain ng certificate of candidacy sa Commission on Elections (Comelec).

Batay sa resulta ng survey, naungusan ni Lacson sina Vice President Leni Robredo (12%) at anak ng dating pangulo na si Ferdinand Marcos, Jr., (8%) habang nakakuha ng halos magkakapantay na dalawang porsiyento ng boto ang iba pang mga kandidato sa pagkapangulo.

Samantala, nananatiling malakas na kandidato bilang bise presidente si Sotto ng Nationalist People’s Coalition (NPC), sa kabila ng pinal nang pagtakbo ng anak ng kasalukuyang presidente na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, may 14 porsiyento sa survey.

Bukod kay Duterte, nahigitan din ni Senate President Sotto sina Senador Kiko Pangilinan, Dr. Willie Ong, Walden Bello, at si House Deputy Speaker Lito Atienza.

Sa kabila nito, nauna nang sinabi ni Lacson, hindi lang siya magpopokus sa resulta ng survey dahil mas mahalagang maipaabot nila ng kanyang kapartido ang mga plataporma para sa pagpapaunlad ng bansa sa pamamagitan ng mga Online Kumustahan.

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Leni Robredo Nadine Lustre

Netizens kumbinsidong ‘kakampinks’ sina Heart, Nadine

WALANG dudang Kakampinks sina Heart Evangelista at Nadine Lustre. Ito ang nagkakaisang paniwala ng mga netizen matapos mag-post …

Comelec

Desisyon ng Comelec, irespeto — Lacson

NANAWAGAN si presidential aspirant senator Panfilo “Ping” Lacson sa lahat na irespeto ang nagging desisyon …

DOH Kalinga Kit

CoVid-19 home care kit suportado ni Bong Go

SUPORTADO ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, Chairman ng Senate Committee on Health ang hakbangin …

P2.26-B NGP fund gamitin sa trabaho ng mga sinalanta ng bagyong Odette

“ANG bultong pondong P2.26 bilyon para sa reforestation ay dapat mapunta sa mga lugar na …

Presyo ng swab tests pahirap sa mahirap

“ANG presyo ng CoVid-19 swab test ay hindi nakaukit sa bato, at ang mga panuntunan …