Friday , December 5 2025

Elections

AICS, medical assistance ipinamudmod
MAAN AT MARCY ‘DINAGUKAN’ NG COMELEC SA TALAMAK NA VOTE BUYING
May DQ na, may Show Cause Order pa

Marikina Comelec Maan Teodoro Marcy Teodoro

KASUNOD ng disqualification case, binulaga ang mag-asawang Teodoro ng Marikina City nitong Martes, 6 Mayo ng Show Cause Order mula sa Commission on Elections (COMELEC) – Committee on Kontra Bigay, dahil sa reklamong talamak na vote buying gamit ang ayuda at medical assistance sa Marikina. Sa dokumentong may petsang 05 Mayo 2025, inilahad ng COMELEC ang natanggap nilang reklamo hinggil …

Read More »

Agenda ni Abby Binay sa Senado: Korte nais resbakan sa 10 EMBO barangays

Abby Binay Supreme Court

 LANTARANG inamin ni Makati Mayor Abby Binay ang paghihiganti  laban sa desisyon ng Korte Suprema na ibigay sa Taguig City ang 10 EMBO barangays na tanging agenda kaya tumakbo sa Senado.  Sa kanyang speech sa ginanap na campaign rally ni Congresswoman Pammy Zamora sa CEMBO kamakailan, sinabi ni Abby Binay na matagal nitong pinag-isipan kung tatakbo bilang senador. Aniya, noong …

Read More »

Carlo Aguilar, mariing tinututulan Reclamation Projects sa Manila Bay

Carlo Aguilar

BUO ang paninindigan ni Las Piñas mayoral candidate at dating top city councilor Carlo Aguilar laban sa mga reclamation project sa Manila Bay. Ayon kay Aguilar, ang mga proyektong ito ay hindi magdudulot ng tunay na pag-unlad kundi ng malawakang pagkasira ng kalikasan, matinding pagbaha, at pagkawala ng kabuhayan para sa mga komunidad sa baybayin. “Ito ay hindi solusyon. Ang …

Read More »

Sa Santa Fe, Cebu
Disqualification case inihain sa Comelec vs re-electionist mayor

Santa Fe, Cebu

NAHAHARAP sa kasong disqualification case (DQ) si Santa Fe, Cebu re-electionist Mayor Ithamar Espinosa dahil sa paglabag sa Section 68 na may kaugnayan sa Section 261 (e) ng Omnibus election Code at Section 30 (b) at 34 (b) Article III ng Comelec Resolution No 11104. Mismong si Rey Dela Peña, Jr., isang botanteng residente sa Cabrera St., Brgy. Talisay, Santa …

Read More »

Kapag nanalo sa Kongreso
PAMILYA KO PARTYLIST TINIYAK BAYAN MUNA, WALANG UTANG KAHIT KANINONG POLITIKO

Pamilya Ko Partylist 1st Nominee Atty Anel Diaz

TINIYAK ni Pamilya Ko Partylist 1st Nominee Atty. Anel Diaz na wala silang babalikan ng utang na loob sa sandaling mabigyan sila ng pagkakataon ng taong bayan na makaupo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para maging kinatawan ng bawat pamilyang Filipino. Ayon kay Diaz walang sinomang mataas na kilalang tao, politiko at mga negosyante ang nasa likod nila sa pagtakbo …

Read More »

TRABAHO Partylist lalo pang umangat sa Pulse Asia Survey

TRABAHO Partylist lalo pang umangat sa Pulse Asia Survey

PITONG ARAW bago ang nakatakdang halalan, naglabas ang Pulse Asia Research, Inc. ng survey kung saan ipinakitang maluluklok sa kongreso ang TRABAHO Partylist (numero 106 sa balota). Malugod na tinanggap ni Atty. Mitchell Espiritu, tagapagsalita ng 106 TRABAHO Partylist, ang resulta ng survey. Ang lalo pang pag-angat ng 106 TRABAHO Partylist bilang rank 25 mula sa dating puwesto nito na …

Read More »

Taguig tricycle drivers inginuso si Lino Cayetano sa ‘vote buying’

Taguig tricycle drivers inginuso si Lino Cayetano sa ‘vote buying’

ISANG grupo ng tricycle drivers mula sa Taguig ang nagsumite ng ulat sa Commission on Elections (COMELEC) kaugnay ng sinabing pamimili ng boto na naganap sa isang pagtitipon sa Barangay Comembo noong 2 Mayo 2025. Sa gitna umano ng aktibidad ay lumitaw ang pangalan ni Lino Edgardo S. Cayetano, na tumatakbong kongresista. Sa kanilang mga salaysay, sinabi ng mga trike …

Read More »

Comelec “All systems go” sa eleksiyon sa Lunes

Comelec

“ALL SYSTEMS GO” na ang Commission on Elections (Comelec) para national and local elections (NLE) sa Lunes, 12 Mayo 2025. Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ilang araw bago ang halalan ay halos 100% na ang delivery ng automated counting machines (ACMs). Samantala, nagsimula kahapon ang delivery ng huling batch ng mga official ballots para sa National Capital Region (NCR), …

Read More »

Kaugnay ng sinabing vote buying sa campaign rally  
Binay, Zamora, inireklamo sa COMELEC

Abby Binay Pammy Zamora

ISANG reklamo ang inihain sa Commission on Elections (COMELEC) laban kina Makati Mayor at tumatakbong senador Mar-Len Abigail “Abby” Binay at Taguig 2nd District Representative Amparo Maria “Pammy” Zamora dahil sa sinabing sabwatan sa pamimili ng boto sa isang campaign rally na ginanap sa Barangay Cembo noong 10 Abril 2025. Ayon sa reklamo, nilabag umano nina Binay at Zamora ang …

Read More »

MC taxis pinayagan nang mag-operate ng DOTR

George Royeca Vince Dizon DoTr Angkasangga Partylist

PINAGBIGYAN ng Department of Transportation (DOTr) ang kahilingan ni Angkasangga Partylist first nominee at transport advocate na si George Royeca na payagang magpatuloy ang operasyon ng motorcycle (MC) taxis habang hinihintay ang pagpasa ng isang permanenteng batas. Ginawa ni Royeca, tumatayong CEO ng Angkas, ang panukala sa isang high-level meeting kasama ang mga opisyal ng DOTr, sa pangunguna ni Secretary …

Read More »

Kiko isinusulong murang pagkain para sa mga Pinoy

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

RATED Rni Rommel Gonzales MADAMDAMIN ang naging pahayag ni Sharon Cuneta sa sinabi niyang, “Now, sa dami ng nakasama ko, sa lahat ng nakilala ko, isa lang ang nagsabing she was going to have a presscon with our showbiz friends for Kiko and that’s Mother Lily’s daughter, Roselle.” Isang mediacon kasama ang entertainment media ang ipinatawag nina Roselle at anak niyang si Keith Monteverde ng Regal Entertainment para …

Read More »

Sharon ipinagtanggol si Kiko — Maayos siyang tao at may hanapbuhay bago kami ikinasal

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

I-FLEXni Jun Nardo IPINAGPATULOY ng  mag-inang Roselle at  Atty. Keith Monteverde ang pagtulong sa tumatakbong kandidato na sinimulan ng ina nilang si Mother Lily at  suportado rin  nila. Kaya naman matinding pasasalamat ang ibinigay ng mag-asawang Senator Kiko at Sharon Cuneta Pangilinan nang iharap sila sa entertainement media bilang tulong sa kandidatura ng senador. Food security at agrikultura ang nais ni Kiko sa bansa lalo na sa magsasaka na …

Read More »

Aktres sa gabi lang pwede ikampanya si dyowang tumatakbo 

Blind Item, man woman silhouette

I-FLEXni Jun Nardo SA gabi lang pala kung tumulong ang isang female sa asawa niyang kumakampanya rin ngayong eleksiyon. Ayaw kasing mainitan ng female personality na sumikat ‘di kasi sikat ang kanyang asawa. Eh wala namang magawa ang asawa kung ayaw sumama ng asawa sa umaga sa kampanya niya. Kaya aswang ang tawag ng tao sa asawa ni male personality dahil sa …

Read More »

Erwin Tulfo, hataw sa bagong survey, nagpamalas ng matatag na voter base

Erwin Tulfo

ANIM na araw bago ang eleksiyon, patuloy na humahataw si Alyansa para sa Bagong Pilipinas senatorial candidate Erwin Tulfo na nananatiling numero uno sa pinakabagong senate survey. Sa kalalabas na survey ng WR Numero, ginawa mula 23 Abril hanggang 30 Abril at nilahukan ng 2,400 respondents, nagtamo si Tulfo ng 48.7 percent voting preference, tumaas ng 5.3 percent mula sa …

Read More »

Sa P240-M confidential funds ni Mayor Abby Binay vs criminality  
‘SHARP INCREASE’ SA KIDNAPPING, ROBBERY NAITALA SA MAKATI CITY

Makati City

NAGKAROON ng ‘sharp increase’ o matalim na pagtaas sa insidente ng kidnapping, robbery at iba pang uri ng krimen sa ilang bahagi ng Makati City sa kabila nang pagkakaroon ng P240 milyon confidential funds ni Mayor Abby Binay. Nitong 2022 at 2023, nakapaglaan ang Makati City Council ng halagang P240 milyon kada taon para sa confidential funds na maaaring gamitin …

Read More »

Comelec reso ipasa pabor sa lehitimong ABP officials, katarungan sa pagpaslang kay Leninsky Bacud hiniling

Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Partylist

SA PAGDIRIWANG ng International Firefighters Day, muling iginiit ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Partylist ang kanilang pakiusap sa Commission on Election (Comelec) na agarang ipasa ang resolusyon na nagbibigay sa kanila ng status bilang tunay at legal na kinatawan ng sektoral na grupo ng first responders sa darating na halalan sa 12 Mayo, kasabay ng ganap na paghimlay ng …

Read More »

Ayon sa mga survey  
JAYE LACSON-NOEL NEXT MAYOR NG MALABON

Jaye Lacson-Noel

KUNG ang lahat ng ginawang surveys sa Malabon City ang magiging batayan ng paparating na eleksiyon sa Lunes, runaway winner na si Congresswoman Jaye Lacson-Noel dahil siya na ang panalo sa puso ng masa sa buong lungsod. Sa numerong  67% resulta ng pinakahuling survey, consistent si Lacson-Noel na paborito ng mga botante na posibleng magselyo ng kanyang panalo kasabay din …

Read More »

FPJ Panday Bayanihan, pasok sa top 2 ng Luzon

050625 Hataw Frontpage

HATAW News Team SA PINAKABAGONG WR Numero survey ngayong Abril 2025, pumangalawa ang FPJ Panday Bayanihan Partylist sa buong Luzon — isang patunay ng pagtutok nito sa mga lokal na komunidad. Pinangungunahan ito ng unang nominado na si Brian Poe, na aktibong nakikibahagi sa mga proyekto para sa serbisyo publiko sa buong Pangasinan. Ang kaniyang pagtutok sa pagbibigay ng mas …

Read More »

SV positibong kakampi ang Manilenyo

Sam Verzosa

RATED Rni Rommel Gonzales TUMATAKBONG independent candidate si Sam “SV” Verzosa bilang alkalde ng Maynila. Pero hindi bothered si SV kahit masasabing solo flight siya sa kanyang laban. “Sobra-sobra ‘yung mga naninira, grabe! “Eh wala na nga akong partido, independent na nga ako pero todo pa rin ‘yung paninira nila.  “Sobrang threatened na kasi sila kasi kakampi ko na ‘yung buong Manilenyo,” ang …

Read More »

Sharon naiyak sa suporta ni Roselle Monteverde 

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez WALANG patid sa pagluha si Sharon Cuneta nang humarap sa entertainment press kasama ang asawa at tumatakbong senador, Atty. Francis “Kiko” Pangilinan. Sobrangna-touch si Sharon sa ibinigay na suporta ni Roselle kasama ang anak na si Atty Keith Monteverde. Humarap ang mag-asawang Sharon at Kiko sa ipinatawag na media conference ng Regal Entertainment producer kahapon sa Valencia Events Place bilang suporta sa kandidatura …

Read More »

Malasakit at puso ng Pamilya Ko Partylist ibinahagi

Pamilya ko Partylist

BAGAMA’T bumuhos ang malakas na ulan sa isang  subdivision sa Woodbridge sa Pandi, Bulacan hindi napigil ang pakikipagniig ng Pamilya ko Partylist sa kanilang huling kampanya sa lalawigan ng Bulacan. Nasa higit 1000 residente ang dumalo at nakiisa sa programa ng grupo na nag-aalok ng serbisyong may malasakit sa pamilyang Filipino sa pamamagitan ng Pamilya Ko Partylist. Ayon kay 1st …

Read More »

Walang demolisyon sa Las Piñas  
CARLO AGUILAR, NANGAKO NG ABOT-KAYANG PABAHAY PARA SA INFORMAL SETTLERS

Carlo Aguilar

IPAGTATANGGOL ni Carlo Aguilar, kandidato sa pagka-alkalde ng Las Piñas, ang karapatan ng tinatayang 10,000 informal settler sa lungsod, at tiniyak sa kanila na “walang magaganap na demolisyon” sa ilalim ng kanyang panunungkulan. Imbes malawakang relokasyon o pagpapalayas, isinusulong ni Aguilar ang pagpapalakas ng Community Mortgage Program (CMP) — isang iskemang pinopondohan ng pamahalaan na nagbibigay-daan sa mga organisadong pamilyang …

Read More »

Mga pinuno ng Caloocan, nagbuhos ng suporta sa 106 TRABAHO Partylist

Mga pinuno ng Caloocan, nagbuhos ng suporta sa 106 TRABAHO Partylist

MULING inendoso ni Cong. Oscar “Oca” Malapitan ang 106 TRABAHO Partylist sa unang Distrito ng Kalookan sa ginanap na Team Aksyon at Malasakit Grand Rally sa Malolos Street, North Diversion Road, Bagong Barrio noong 2 Mayo. Ayon sa congressman, ang 106 TRABAHO Partylist ay parte na ng kanilang partido. Sa mga salita ni Cong. Oca sa kanyang mga nasasakupan: “Meron …

Read More »

Coco Martin, buong-pusong suporta sa FPJ Panday Bayanihan sa Pangasinan

Coco Martin FPJ Panday Bayanihan

BUONG PUSONG inendoso ng aktor na si Coco Martin ang FPJ Panday Bayanihan Partylist. Sa isang makasaysayang grand rally na ginanap sa Pangasinan, aktibong lumahok si Coco sa motorcade kasama ang first nominee na si Brian Poe at second nominee na si Mark Patron, bilang patunay ng kanyang suporta sa adbokasiya ng partylist. Sa nasabing pagtitipon, sinabi ni Coco Martin, …

Read More »