Pumunta si Senador Lito Lapid at PINUNO Partylist first nominee Howard Guintu sa groundbreaking ceremony ng Legislative Building sa Tumauini, Isabela nitong Huwebes, 21 Abril 2022. Pinangunahan ni Tumauini Mayor Arnold Bautista at Vice Mayor Cris Uy ang nasabing okasyon. Nagpasalamat si Lapid sa mga taga-Tamauini sa kanilang walang sawang suporta at umaasang maibigay din ang parehas na suporta sa …
Read More »Bunsong anak ni VP Leni, binastos sa Baguio
BINASTOS ng sinabing supporter ni presidential aspirant Ferdinand Marcos, Jr., ang bunsong anak ni Vice President Leni Robredo habang nakikipag-usap sa mga vendor at namamalengke sa Baguio City Market. Nag-iikot si Jillian Robredo kasama ang ilang mga tagasuporta ng kanyang ina at nakikipagkamay sa mga nagtitinda. Masaya siyang sinalubong ng ilang vendors na may dala pang poster ng kanyang ina …
Read More »Trillanes parte na ng ‘Gwapinks’
CERTIFIED “Gwapink” na si senatorial bet Antonio “Sonny” Trillanes matapos tanggapin ang karangalang maging miyembro ng “Mga Gwapo for Leni.” Kahit sa tingin niya’y hindi siya karapat-dapat maging miyembro ng grupong sumusuporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo bilang pangulo, sinabi ni Trillanes sa Twitter na tinatanggap niya ang karangalan dahil ito’y aprobado ng aktor na si Edu Manzano. …
Read More »Legarda nangunguna sa Pulso ng Pilipino survey
Wagi at namamayagpag sa tuktok si ang kandidata sa pagka-Senadora at kongresista ng Antique na si Loren Legarda sa pinakabagong Pulso ng Pilipino Senatorial Preference survey na sinagawa noong Abril 4 hanggang 15. Pinili si Legarda ng 65% ng mga taga-NCR, 57% ng mga taga-kalakhang Luzon, 62% ng mga taga-Visayas, at 55% ng mga taga-Mindanao. Siya rin ang piniling “number …
Read More »Senior citizens ng Navotas tinatakot diumano upang bumoto
Nakalap natin sa isang Facebook post ng isang concerned citizen na diumano isang kagawad ng Navotas ay namamahagi ng listahan ng mga dapat iboto kapalit ng pagbigay ng Social Pension Payout 2022 stub ng DSWD NCR sa mga senior citizens. Nakasaad sa post ang isang kakaibang kondisyon na dapat bumoto na naayon sa kagustuhan ng partido ng nasabing konsehal ang …
Read More »Maricel umatend ng rally para kay VP Leni
MA at PAni Rommel Placente NOONG Sabado, April 23, ay dumalo si Maricel Soriano sa campaign rally nina Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan sa Diokno Boulevard, Pasay City. Ito rin ang araw ng kaarawan ni VP Leni. Si Sharon Cuneta ang nagpakilala kay Maricel bago ito umakyat sa stage, at mahigpit ang yakap sa isa’t isa ng dating magkaribal sa popularity noong 80s nang magkita …
Read More »Nora iwasang lumabas nang ‘di nakaayos
HINDI nakalusot ang party list mismo ni Nora Aunor sa COMELEC, dahil sa kakulangan niyon ng requirement at hindi napatunayang iyon ay kumakatawan sa isang grupo ng mga mamamayan. Pero nangangampanya pa rin si Nora. Makikita mo siya sa TV commercial ng isang party list ng kanyang mga kababayan. Sa social media naman panay ang labas ng kanyang endorsement sa isang kandidato. Hindi …
Read More »Protocol ng politika ‘wag hanapin kay Maricel
IYANG si Maricel Soriano nagpunta iyan sa isang political rally dahil sa pakikisama, at kagaya nga ng sinabi ni Vice Ganda, “roon muna kami sa makapagbibigay sa amin ng prangkisa.” Tiyak iyan sinabihan din naman si Maricel kung anong endorsement ang gagawin niya. Tandaan din ninyo, pakiusap lamang iyon. Hindi naman siya binayaran para roon. Kaya kung in the course ay mayroon siyang kandidatong …
Read More »
Andrea umepal sa konsiyerto ng Calista
Ineendosong kandidato ikinampanya
MATABILni John Fontanilla AGAW-EKSENA si Andrea Brillantes sa matagumpay na Vax To Normal concert ng all female group na Calista sa Araneta Coliseum kagabi, April 26 nang biglang mangampanya bago kumanta. Ani Andrea, “Sino ang mga Gen Z diyan? Alam n’yo na ang kulay ng suot ko (naka-pink na maihahalintulad sa Sailormoon). “So alam n’yo na ang iboboto n’yo. Mga Gen Z maging matalino sa pagboto.” Marami ang …
Read More »‘Doc Jill’ Jodi Sta. Maria inendoso si ‘Tay’ Chel Diokno para senador
NAGPAHAYAG ng suporta si Jodi Sta. Maria sa kandidatura ni human rights lawyer Chel Diokno bilang senador. Sa isang Instagram story, ibinahagi ni Jodi ang kanyang larawan habang gamit ang “CHELFan” at hawak ang flyer ni Atty. Chel. Sinamahan niya ito ng caption na, “Hello Tay @cheldiokno! Isa po ako sa mga Chel-dren niyo” at hashtag na #21cheldioknosasenado, na tumutukoy sa numero ni Diokno sa balota. Sa …
Read More »Google Trends swak sa prediksiyon sa resulta ng halalan sa France
MULI na namang pinatunayan ng Google Trends na mas akma itong sukatan kompara sa surveys nang mahulaan ang lamang ni Emmanuel Macron kay Marine Le Pen sa halalan sa pagkapangulo sa France. Nakita ng mga survey na malaki ang agwat ni Macron kay Le Pen ngunit sa pag-aaral ng data scientist na si Wilson Chua gamit ang Google Trends, lumabas …
Read More »Bisaya Gyud Partylist nagpadala ng pagbati sa mga bagong abogado
RATED Rni Rommel Gonzales BINATI ng mga nominee ng Bisaya Gyud (BG) Partylist 108 ang mga bagong Bisayang abogado sa bansa. Ibinahagi ni First Nominee Alelee Aguilar-Andanar ng Bisaya Gyud (BG) Partylist 108 ang mataas niyang papuri at paghanga sa mga bagong abogadong pumasa sa ginanap na Bar Exams kamakailan sa kanilang determinasyon, tiyaga at sipag, na ang mga bagong abogadong ito ay tiyak …
Read More »Kier sa totoo lang, suporta ibinigay kina Ping-Tito
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TEAM Ping Lacson-Tito Sotto pala ang sinusuportahan ni Kier Legaspi. Ibinando niya ito sa kanyang Instagram account nang ipost ang mga picture nang pagsama niya sa mga rally ng Ping-Tito tandem. Caption nga niya sa mga picture niya, “Suportado ko ang mga totoo!” na ang ibig sabihin niya’y sina Ping at Tito lamang ang totoong kandidato para sa pagka-presidente at bise presidente …
Read More »Pambansang gasolinahan isusulong ni Robin
Isusulong ni senatorial candidate Robin Padilla ang pagtatayo ng pambansang gasolinahan sa bansa para sa mga pampublikong sasakyan kung saan sila makakabili ng mas murang gasolina sa pamamagitan ng subsidiya ng pamahalaan. Ayon kay Padilla, tumatakbong senador sa ilalim ng partidong PDP-Laban, ang walang patid na pagtaas ng presyo ng gasolina ang ugat ng maraming problema ngayon sa bansa. Dagdag …
Read More »Kampanya ni Ping inayudahan ng dating kasamahan sa PNP, PMA
LANTARANG nagpakita ng suporta sa kandidatura ni independent presidential bet Panfilo “Ping” Lacson ang kanyang mga nakasama sa Philippine Military Academy (PMA) at mga nakatrabaho sa Philippine National Police (PNP) nang bisitahin ang lalawigan ng Tarlac, nitong Lunes, 25 Abril, para ilatag ang kanyang mga plataporma. Kasama ni Lacson ang kanyang running mate na si Senate President Vicente “Tito” Sotto …
Read More »
Ayon sa retiradong military general
‘KOALISYON’ NI VP LENI SA CPP-NPA, NAKATATAWA
(ni ROSE NOVENARIO) NAKATATAWA ang pag-uugnay kay Vice President at presidential bet Leni Robredo sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) dahil ginagawa ito para madiskaril ang abot-kamay nang tagumpay niya sa eleksiyon, ayon sa isang military general. “It’s a very funny thing,” ayon kay retired Armed Forces of the Philippines (AFP) general Domingo Tutaan, Jr., …
Read More »NCR incumbents liyamado sa survey — RPMD
KUNG gaganapin ang halalan ngayon, ayon sa poll na isinagawa noong 17-21 Abril 2022 ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) sa National Capital Region, mananalo ang mga kandidatong sina: Bongbong Marcos (President), Sara Duterte-Carpio (Vice-President), Joy Belmonte (Mayor-Quezon City), mag-utol na Toby Tiangco (Congressman) at John Rey Tiangco (Mayor) sa Navotas, mag-amang Oca Malapitan (Congressman) at Along Malapitan (Mayor) …
Read More »
Ayuda para sa pamilya, maliliit na negosyo, at walang trabaho
PAGBANGON NG EKONOMIYA PRAYORIDAD NI VP LENI — TRILLANES
“PAGPAPANUMBALIK ng sigla ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagbibigay tulong sa pamilyang Filipino, sa maliliit na negosyo, at sa mga nawalan ng trabaho ang prayoridad ni VP Leni Robredo.” Binigyang diin ito ni dating Sen. Antonio “Sonny” Trillanes batay sa plano ni VP Leni “post-COVID recovery” na tutulong sa pagbangon ng maliliit na negosyo o MSMEs, at palalakasin ang “purchasing …
Read More »Dating PBA superstars ‘manok’ si Robredo bilang pangulo
PINILI ng apat na dating Philippine Basketball Association (PBA) superstars si Vice President Leni Robredo bilang manok nila sa pagkapangulo ng bansa sa darating na halalan sa Mayo. Sa isang video kasama ang beteranong PBA coach na si Yeng Guiao, nagdeklara ng buong suporta kay Robredo sina Jojo Lastimosa, Olsen Racela, at Johnny Abarrientos. Una nang nagdeklara ng suporta kay …
Read More »Pag-eendoso ng mga artista sa mga politiko nakatutulong ba?
HATAWANni Ed de Leon MAAARING sa karaniwang tao ay hindi iyon mapansin. Pero siguro dahil sa aming circle of friends at sa mundong ginagalawan namin, wala na kaming nakita sa araw-araw kundi ang ginagawang pag-eendoso ng mga artista sa mga kandidato. Sinasabi nila, sila kasi ay volunteer. Siguro nga may ibang volunteer pero hindi lahat iyon paniniwalaan naming volunteer. May …
Read More »NUJP nanawagan huwag iboto solons na nagpasara ng ABS-CBN (Defensor, Crisologo, Hipolito-Castelo sa QC)
NANAWAGAN muli ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa mga botante na “huwag iboto” ang mga mambabatas na nagpasara sa ABS-CBN. “This elections, never forget those who voted against the renewal of ABS-CBN franchise,” ang pahayag ng NUJP na ibinahagi ng grupo sa kanilang social media account. “Three of them are running for government posts in Quezon …
Read More »
Momentum ng kampanya nakuha ng oposisyon
PANANAKOT, RED-TAGGING ‘DI UMUBRA
NAPATUNAYAN na hindi umuubra ang pananakot at red-tagging na ginagawa ng mga puwersa ng administrasyon dahil nasa oposisyon na ang momentum ng kampanya, ayon sa Bagong Alyansang Makabayan (Bayan). Sinabi ni Bayan secretary-general Renato Reyes, Jr., matapos ang higanteng rally kamakalawa ng gabi sa Pasay City para sa Leni-Kiko tandem, walang duda na ang momentum ng kampanya ay nasa oposisyon …
Read More »Bangsamoro leaders, inendoso si VP Leni bilang next President
“NAPAKALAKING birthday gift po ito para sa akin,” ani Robredo. Si Vice President Leni Robredo ang piniling kandidato pagka-Pangulo ng mga pinakarespetadong lider ng Bangsamoro, isang napakahalagang endorsement para masungkit ang Mindanao votes sa huling dalawang linggo ng kampanya bago ang May 9 presidential elections. Inianunsiyo ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Chief Minister at MILF chairman, Al-Hadj …
Read More »Malaking tagumpay ng Uniteam sa SJDM tiniyak ni Robes
TINIYAK ni San Jose Del Monte City Rep. Rida Robes ang malaking tagumpay na makakamit nina dating Senador Ferdinand Marcos, Jr., at Davao City Mayor Sara Duterte sa kanilang lungsod sa darating na halalan sa 9 Mayo. Malugod na tinanggap ni Robes, kasama ang asawang si SJDM Mayor Arthur Robes si Duterte sa pagbisita nito lamang Sabado para sa kanyang …
Read More »Stampede sa Vote Buying, lola pilay, mga tao sugatan
ISANG stampede ang naganap sa isang political activity ng kampo ni congressional candidate Rose Lin na pinapalitan ang mga inisyu nilang ID sa mga tao noon ng P500 kada ID. Nangyari ang nasabing kaguluhan sa Capasco Warehouse sa P. Dela Cruz St., Brgy. San Bartolome, Novaliches, Quezon City. Ayon sa mga nakapila, nagpatawag ang mga leader ni Rose Lin ng …
Read More »