Thursday , March 20 2025
Taguig

Kandidatura ni Direk Lino Cayetano, nabulilyaso

SA DESISYONG ipinalabas ng Taguig Regional Trial Court (RTC) Branch 153 nitong 5 Marso 2025, ipinag-utos na huwag isama ang pangalan nina dating Mayor Lino Cayetano at kanyang asawang Fille Cayetano sa opisyal na listahan ng kalipikadong botante ng Precinct No. 0926A, Barangay Ususan, Taguig City.

Sa 14-pahinang desisyon, natiyak ng RTC Taguig na kulang sa anim na buwan ang paninirahan ng mag-asawang Cayetano sa Barangay Ususan na binibilang mula sa petsa ng eleksiyon ngayong 12 Mayo 2025.

Sa pagtimbang ng korte sa ebidensiya ng mag-asawa at ebidensiya ng mga tumututol sa kanilang tangkang pagrehistro sa Barangay Ususan, sinabi ng korte na hindi napatunayan ng mag-asawa na residente sila ng nasabing barangay nang may anim na buwan bago ang nalalapit na eleksiyon.

Tanggapin man ng korte ang alegasyon na nanirahan sila sa Pacific Residences sa Brgy. Ususan noong 2022, malinaw din sa mga dokumento na lumipat sila noong 2023 sa Essensa Condominium sa BGC at bomoto sa Brgy. Fort Bonifacio noong nakaraang Barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE). Ang pag-upa nila ng unit sa Essensa Condominium sa BGC at pagboto sa Brgy. Fort Bonifacio ay patunay na hindi na nila itinuturing ang sarili nila bilang residente ng Brgy. Ususan.

Hindi pinaniwalaan ng korte ang alegasyon ng mag-asawang Cayetano na sa kabila ng paninirahan nila sa Essensa Condominium ay residente pa rin sila ng Brgy. Ususan. Ang kanilang alegasyon umano ay walang matibay na ebidensiya.

Ang isinumite nilang Contract of Sub- Lease sa Pacific Residences ay may petsang 10 Disyembre 2024 lamang o hindi aabot ng anim na buwan bago ang eleksiyon sa 12 Mayo 2025.

Bukod dito, tumestigo mismo sa korte ang kanilang driver/security aide na umaming naninirahan ang mag-asawa sa Essensa Condominium noong Nobyembre 2024.

Binigyang bigat din ng korte ang testimonya ng punong barangay ng Ususan na hindi residente ng kanilang barangay ang mag-asawang Cayetano. Kung susundin man ang argumento ng mag-asawa na ang kalihim ng barangay ang nagtatala ng listahan ng mga residente ng barangay at hindi ang punong barangay, marapat sanang kinuha nila ang deklarasyon bilang pagsalungat sa deklarasyon ng punong opisyal.

Dahil hindi napatunayan ng mag-asawa ang kanilang alegasyon na residente sila ng Brgy. Ususan sa loob ng anim na buwan bago ang parating na halalan, sinang-ayunan ng Election Registration Board (ERB) sa resolusyon nito na tanggihan ang hiling ng mag-asawa na ilipat ang kanilang rehistrasyon bilang botante ng Brgy. Fort Bonifacio patungo sa Barangay Ususan.

Inatasan ang ERB ng Taguig na huwag isama sa opisyal na listahan ng mga botante ng Precinct No. 0926A, Barangay Ususan, Lungsod Taguig sina Lino Cayetano at Fille Saint Merced Cayetano.

Dahil sa desisyong ito ng RTC Taguig, nadiskaril ang kandidatura ni Lino Cayetano na nagnanais maging Kongresista ng First District ng Taguig at Pateros. Bagaman maaari siyang bomoto sa Second District ng Taguig (sapagkat residente siya ng Brgy. Fort Bonifacio), magiging hadlang ang desisyon ng RTC ng Taguig sa kanyang kandidatura bilang Kongresista sa First District ng Taguig at Pateros na kinabibilangan ng Brgy. Ususan.

Ang desisyon ng RTC Taguig ay pinál na at agarang ipatutupad.

About hataw tabloid

Check Also

Ara Mina Sarah Discaya 3

Ara kay Sarah — masarap makasama taong may mabuting puso

PUSH NA’YANni Ambet Nabus IPINAKILALA ni Ara Mina sa kanyang mga kaibigan sa entertainment media ang tinatawag …

Ara Mina Sarah Discaya 2

Ate Sarah aminadong pader ang makakalaban 

RATED Rni Rommel Gonzales MATAGUMPAY sa larangan ng construction business ang St. Gerrard Construction, pero …

Ara Mina Sarah Discaya

Ara kaisa ni Ate Sarah gawing Smart City ang Pasig

I-FLEXni Jun Nardo MAKIKILAHOK sa bakbakan ng politika ng Pasig City ang target ng aktres …

Arrest Posas Handcuff

Dalagitang anak dinonselya; ama timbog sa Marilao, Bulacan

NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos ireklamo ng malalaswang gawain at panggagahasa sa …

arrest, posas, fingerprints

4 puganteng Koreano arestado ng NBI

NAARESTO ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na puganteng Korean …