Saturday , January 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pep Goitia Ang Bumbero ng Pilipinas ABP partylist

Pagpapakalat ng maling impormasyon ng Tsina, sinita ng ABP Party List

“Importante sa bawat Pilipino ang katapatan sa ating bandila at sa ating bansa” ito ang ipinahayag ni Dr. Jose Antonio “Ka Pep”  Goitia,  Chairman Emeritus ng  People’s  Alliance  for Democracy and Reform (PADER), Alyansa ng Bayan  para sa  KAPAYAPAAN at DEMOKRASYA (ABKD) at Liga ng Independencia sa Pilipinas (LIPI)   matapos niyang kondenahin ang patuloy pangangamkam ng  bansang Tsina sa Palawan na itinuturing na bahagi ng Pilipinas  batay  sa pandaigdigang batas na pinapairal sa ilalim ng International  Maritime Law o ang Law of the Sea.

Nanindigan si Goitia na tumatakbo din  bilang first nominee ng “Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) partylist  kasama ang libo-libong   kasapi ng kanilang organisasyon na  maituturing na paglapastangan  sa soberanya ng Pilipinas  ang ginagawa ng Tsina.

Ang ” Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) party list Numero 134 sa balota  na kumakatawan sa mga bumbero, fire volunteers  kasama ang mga kasapi  ng Peoples Alliance for Reform and Democracy (PADER), Alyansa ng Bayan para sa KAPAYAPAAN at DEMOKRASYA (ABKD) at Liga ng Indepencia sa Pilipinas( LIPI) ay tahasang  kinokondena  ang pagyurak sa dangal ng mga Pilipino .

“Isang malaking insulto sa ating mga Pilipino ang ginagawa ng Tsina dahil sa kanilang hindi makatuwirang pagsalungat sa mga pinaiiral na batas sa ilalim ng  International  Maritime Law (Law of the Sea) katulad paglalagay ng  hindi wastong siyam na dash line assertion” ayon pa kay Goitia.

Binatikos din ni Goitia ang  pagpapakalat ng Tsina ng maling impormasyon na maaring magdulot ng hindi pagkakaumawaan na maaaring pagsimulan ng kaguluhan sa aspetong  soberanya, kalayaan sa nabigasyon at maging sa maayos na  pangangalakal ng ibat-ibang bansa.

Sinang -ayunan din ni Goitia ang  naging desisyon sa ilalim ng United Nations  Convention on the Laws of the Sea (UNCLOS) na  ang Palawan ay  bahagi ng Pilipinas base na rin sa geographical na location nito ay sapat

na ebidensya na nagpapatunay na ang  Palawan ay isang hindi maihihiwalay  na  bahagi ng arkipelago ng Pilipinas. Maging ang mga tubig na nakapaligid  dito kasama  ang kanlurang dagat  ng Pilipinas  ay  nasa loob ng Exclusive  Economic Zone at continental shelf ng Pilipinas. idagdag pa ang  pagpapatunay ng mga historikal at legal na kasunduang pandaigdigan katulad ng Kasunduan ng Paris 1898, Kasunduan ng. Washinton  noong 1900, Kongbensyon ng Estados Unidos at Britanya noong 1930 at ang  Kalayaan ng Pilipinas noong 1946 kung saan nakuha ng Pilipinas  ang soberanya sa Palawan sa pagkuha ng kalayaan.

“Napakaganda  ng Palawan dahil  sa taglay nitong likas na yamang dagat, mga  reserbang langis at gas  na gustong pakinabangan ng Tsina kaya gusto nila itong angkinin” ayon kay Goitia.

“Ipaglaban natin bilang Pilipino  hindi lamang ang Palawan maging ang  karapatan nating mga Plipino para sa ating bansa .para sa mga susunod pang salinlahi. Huwag  nating hayaang  kamkamin at kunin ng mga dayuhan kung ano ang talagang para sa atin” dagdag pa ni Goitia.

Ang Palawan ay isang archipelago na binubuo ng  1,780 na malalaki at maliliit na isla, bahagi ito ng MIMAROPA na kinabibilangan ng probinsya  Occidental Mindoro, Oriental Mindoro Oriental at, Marinduque at Romblon.

(MARISA SON)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Bong Son

Check Also

Curlee Discaya

Hinanakit ni Curlee
Discaya, nagsisi sa kontrobersiyal na ‘name-names’
Sangkot na politicians nananatiling untouchables

MALAKI ang pagsisisi ng kontraktor na si Pacifico “Curlee” Discaya sa ginawang pagpapangalan sa mga …

arrest, posas, fingerprints

Natunton sa Quezon City
7 notoryus na kawatan sa Central Luzon timbog

Sa pamamagitan ng mabilis na koordinasyon, patuloy na pagsubaybay, at determinadong gawain ng pulisya, naaresto …

Bustos Bulacan

Sa pagbubukas ng ika-16 Minasa Festival
Bustos pinaningning ang ipinagmamalaking kultura

Opisyal nang binuksan ng Pamahalaang Bayan ng Bustos ang ika-16 na pagdiriwang ng Minasa Festival …

PSC Pato Gregorio PHILTA John Rey Tiangco WTA

Lokal organizers handa na sa Philippine Women’s Open

“WTA 125 Manila. Handa na kami!” ITO ang tiniyak kahapon ng mga organizer kaugnay ng …

Bustos Bulacan

Bustos town ignites cultural pride with the kick-off of the 16th Minasa Festival

CITY OF MALOLOS – The Municipality of Bustos officially commenced the 16th iteration of the …