Sunday , November 17 2024

Masonry Layout

Netizens desmayado kay Shamcey: pagkaradikal, progresibo, at makabayan nawala

Shamcey Supsup

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of Miss Universe organization, balitang tinanggal at pinalitan na rin ang National Director ng Miss Universe-Mexico na si Lupita Jones. Bukod kasi sa sinasabing pagkabigo nitong makapasok man lang sa top 20 ang 2023 representative nila, very vocal si Lupita sa pagbibigay pahayag tungkol sa dapat pag-ingatan ng mga ma-i-involve sa organization come 2024. Sa Mexico kasi gagawin …

Read More »

Michelle kinampihan maging ng mga de kalibre at kilalang personalidad

Michelle Dee

BIBILIB ka naman talaga kay Michelle Dee dahil kahit hindi na siya magsalita pa sa kung anumang sinapit niya sa katatapos lang na MIss Universe, maraming mga tao na ang gumagawa niyon para sa kanya. Tanggalin na natin ang hukbong Pinoy dahil siyempre super bias na tayo for her, pero para sa iba’t ibang nationalities at mga kilalang celebrities ang magbigay ng kanilang pahayag …

Read More »

Sharon-Gabby reunion concert makatulong kaya sa Sharon-Alden movie?

Alden Richards Sharon Cuneta Gabby Concepcion

IYON bang naging tagumpay ng Sharon Cuneta-Gabby Concepcion reunion concert ay matangay nga ni Mega hanggang sa pelikula nila ni Alden Richards? Sana nga pakinabangan niya iyon, dahil kung silang dalawa lang ni Alden, hindi malayong magaya rin iyan sa resulta ng mga pelikulang kasama niya sina Richard Gomez at Robin Padilla, or worst gaya lang ng pelikula nila ni Marco Gumabao, na tinalo pa ni Angeli Khang. Kailangan …

Read More »

Ate Vi ikinakampanya pilahan 10 entries sa MMFF

Vilma Santos

HATAWANni Ed de Leon MAKUMBINSE nga kaya ni Ate VI (Ms Vilma Santos) ang mga tao na panooring lahat ang mga pelikula sa Metro Manila Film Festival? Iyon na kasi ang ikinakampanya niya eh, hindi lang naman ang pelikula niyang When I Met you in Tokyo. Ang sinasabi niya ang gusto niyang makita ay ang mahabang pila ng mga taong nanonood sa mga sinehan. …

Read More »

MTRCB pinarangalan ng PCO-FOI

MTRCB PCO-FOI

GINAWARAN ng Presidential Communications Office – Freedom of Information Program (PCO-FOI) ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng natatanging karangalan noong Martes, ika-21 ng Nobyembre 2023, bilang pagkilala sa Board sa pagtalima nito sa aktibong pagsulong ng transparensi at pananagutan sa pamahalaan. Ito ang ikatlong beses na tumanggap ng parangal ang MTRCB mula sa PCO-FOI. Naging 1st runner-up ang MTRCB noong …

Read More »

Jeffrey nagpaka-daring sa Sugar Baby; Azi mapusok, mapang-akit

Jeffrey Hidalgo Azi Acosta Robb Guinto

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MARAMI nang nagawang pelikula si Jeffrey Hidalgo sa Vivamax pero ang Sugar Baby na mapapanood na sa November 24 kasama sina Azi Acosta at Robb Guinto ang itinuturing niyang pinaka-daring. Bukod sa pagiging aktor, direktor din ni Jeffrey ng ilang sexy at erotic film sa Vivamax.  At inamin naman ng singer/aktor na itong Sugar Baby ang pinakagrabe sa mga ginawa niya.  Aniya may mga maiinit silang lovescene ni …

Read More »

CEO ng Kavougera by Mary Letim madalas mapagkamalang si Jelai Andres

Kavougera Mary Letim

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INAMIN ng CEO ng Kavougera by Mary Letim na si Mary Letim Ponce na madalas talaga siyang mapagkamalang si Jelai Andres saan mang lugar o event siyang mapunta. Sa launching ng kanyang mga produktong Kavougera Tinted Cica Sunscreen Primer Gel Serum, Kavougera Whitening Hand & Body Serum Lotion, Kavougera Premium Kojic Soap naibahagi ni Ms Mary na lagi siyang pinagkakaguluhan dahil …

Read More »

Hanggang Disyembre 2023
P490-M TULONG-MEDIKAL PARA SA COCO FARMERS ‘NAKATENGGA’ SA PCA

112323 Hataw Frontpage

ni NIÑO ACLAN KINASTIGO ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Martes ang Philippine Coconut Authority (PCA) dahil sa pagkaantala ng pamamahagi ng medical assistance sa mga coconut farmer matapos abutin ng isang buong taon ang pagsusumite ng plano para sa programa. Ang kasalukuyang financial year ay magtatapos sa Disyembre. Ibig sabihin, mayroon na lamang isang buwan ang PCA para maipamahagi …

Read More »

P200-B sobrang singil ng Meralco sa 7.7-M customers i-refund

112323 Hataw Frontpage

HINILING ni Lone District Sta. Rosa, Laguna Representatives Dan Fernandez sa Manila Electric Company (Meralco) na i-refund ang sobrang singil na P200 bilyon mula sa 7.7 milyong subscribers nito. Ayon kay Fernandez, nagsimula ang sobra-sobrang singil ng Meralco noon pang 2012. Magugunitang naunang hiniling ni Fernandez sa Kongreso na hatiin sa tatlo ang mega franchise ng Meralco na ipinagkaloob dito …

Read More »

FEU-ABMC Batch 91 magbibigay saya sa kids at adults ng Caritas Manila 

FEU-ABMC Batch 1991 Caritas Manila CHRISTmas With You

ANG Pasko ay araw ng pagmamahalan at pagbibigayan kaya naman ngayong nalalapit na Kapaskuhan nagbuo ng isang charity ang FEU-ABMC Batch 1991. Ito ay may temang CHRISTmas With You na pangungunahan nina Wendy Villacorta, Rommel Luna, Grace Millena Gloria, Irma Ramores, Arnold Santiago, at Kester Salvador. Ito ay para sa mga bata (special kids at  PWD ) at matatanda ng  Caritas Manila, Pandacan na gagawin sa November 25 ( Saturday), 3:00 p.m.. …

Read More »

Michelle Dee nanakawan ng titulo

Michelle Dee Miss Universe

HATAWANni Ed de Leon NATALO, pero maraming kakampi si Michelle Dee sa katatapos na Miss Universe. Napuna ng naging Miss Universe ding si Pia Wurztbach na sa unang post ng Miss Universe El Salvador sa top five sa social media ay kasali si Michelle, pero ewan kung bakit inalis iyon at nang lumabas na muli, napalitan siya ng Miss Thailand. Sabi nga ng nagdududang si Pia, “mukhang …

Read More »

Breakthrough Health & Beauty Coffee ng Frontrow, nagkaroon ng launching sa MOA Arena

Breakthrough Health & Beauty Coffee ng Frontrow

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SINASABING coffee is life! Siyempre, ang buhay ay mas maganda kapag ang iyong kape ay ginagawa kang mas healthy, more beautiful, at umaayon sa fit lifestyle sa araw-araw. Isang answered prayer sa lahat ng coffee lovers, pati na rin sa mga health at beauty buffs, ang Luxxe White Coffee ay opisyal nang na-launch noong Nov. …

Read More »

2 patay, 35,000 inilikas, 11 bayan sinalanta
N. SAMAR LUMUBOG SA BAHA
Shearline sinisi ng Pagasa

112223 Hataw Frontpage

HATAW News Team DALAWA katao ang iniulat na namatay sa pagguhong naganap sa Bgy. Ynaguingayan, Pambujan, Northern Samar kasunod ng malawakang pagbaha dulot ng walang tigil na pag-ulan resulta ng shearline, sa 11 bayan ng lalawigan kahapon ng umaga.          Batay sa social media page ng Northern Samar News & Information, ang isang biktima, kinilala sa tawag na ‘Mana Clara’ …

Read More »

Interpelasyon ipinatitigil
PRA chief kinastigo sa ‘bad manners’ at ‘pagdikta’ sa mga senador

PINUNA ng ilang senador si Philippine Retirement Authority (PRA) chief Cyntia Lagdameo Carrion dahil sa walang tigil na pagte-text sa mga senador para hilingin na gawing prayoridad ang deliberasyon sa panukalang 2024 budget ng Department of Tourism (DOT). Ayon kay Senador Jinggoy Estrada, walang kahit sino ang may karapatang sabihan sila para tumigil sa pagsasalita dahil tungkulin at trabaho nila …

Read More »

151 Mangingisdang Bulakenyo, tumanggap ng fuel subsidy cards mula sa DA-BFAR 3

151 Mangingisdang Bulakenyo, tumanggap ng fuel subsidy cards mula sa DA-BFAR 3

ISANDAAN at limampu’t isa na Bulakenyong mangingisda ang tumanggap ng fuel subsidy cards mula sa Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources 3 sa pamamagitan ng Provincial Agriculture Office sa ginanap na “Distribution of Fuel Subsidy Card to Fisherfolks in the Province of Bulacan” sa Eco Commercial Complex, Capitol Compound sa Lungsod ng Malolos, Bulacan kahapon. Apat …

Read More »

600 bagong recruits na pulis sa PRO3 nanumpa sa tungkulin

600 bagong recruits na pulis sa PRO3 nanumpa sa tungkulin

PINANGASIWAAN ni Police Regional Office 3 Regional Director PBGeneral Jose S. Hidalgo Jr ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong recruit na pulis kasunod ng kanilang presentasyon ni PColonel Rudecindo L. Reales, Deputy RD for Operations kamakalawa, Nobyembre 20 sa PRO3 Parade Ground, Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga. Ang 600 matagumpay na mga aplikante ay binigyan ng ranggong …

Read More »

Mall terminal inararo ng bus, estudyante patay, isa sugatan

Mall terminal inararo ng bus, estudyante patay, isa sugatan

PATAY ang isang estudyante habang sugatan ang isang pasahero  makaraang araruhin ng isang pampasaherong bus ang loob ng terminal ng isang mall sa Barangay Ibayo, Balanga, Bataan kamakalawa ng gabi. Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Balanga City Police Station {CPS, nakaparada ang bus sa terminal nang biglang matapakan ng drayber ang accelerator pedal dahilan para ito ay umandar at …

Read More »

LA sa pagiging mama’s boy — proud ako at ‘di ko ikinahihiya dahil ibinigay niya buhay niya sa akin

LA Santos Maricel Soriano Roderick Paulate Mommy Flor Santos

RATED Rni Rommel Gonzales NAKATUTUWA ang rebelasyon ni LA Santos na ang make-up artist niya simula pumasok siya sa showbiz ay walang iba kundi ang ina niyang si Mommy Flor Santos. “Ganoon po kasi si mommy every time,” nakangiting kuwento ni LA sa mediacon ng In His Mother’s Eyes na first film ni LA. “Tulad kanina bago ako pumunta sa presscon, siya ang nagme-make-up talaga sa …

Read More »

Nambulabog sa community, arestado

arrest prison

BINITBIT sa selda, ng mga awtoridad, ang dalawang tambay na nambulabog sa mga natutulog pang residente, nang dakmain kaagad ng mga barangay tanod, kahapon ng madaling araw sa Malabon City. Sa ulat na tinanggap ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, itinawag ng isang residente sa barangay ang ginagawang pambubulabog ng mga suspek na sina alyas Ruel, 23 anyos, ng …

Read More »

Hawak na droga pinaghambing
2 ADIK SA MARYJANE HULI

BAGSAK sa kulungan ang dalawang lalaki nang maaktohan ng mga pulis na pinaghahambing ang hawak nilang ilegal na droga sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina alyas Arturo, 49 anyos, construction worker, at alyas Kevin, 19 anyos, JNT Express sorter, kapwa residente sa Lot 4, 4th St., …

Read More »

Gasoline station isinara sa gas leak

PANSAMANTALANG isinara ang gasolinahan sa Quezon City nitong Lunes, dahil sa sinabing ‘gas leak.’ Agad kinordonan ng QC Bureau of Fire Protection (BFP) ang Power Fill gasoline station sa Visayas Avenue matapos umalingasaw ang amoy ng gas na nagmumula sa gasolinahan. Sinabi ng mga residente, nagsimula silang makaamoy ng gas nitong Linggo ng gabi, at lumakas pa nitong Lunes. Nagtungo …

Read More »

Welga ng PISTON ‘umarangkada’

PIStoN Jeepney phaseout rally protest

MULING naglunsad ng welga sa kalsadaang mga jeepney drivers sa ilalim ngPagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) kahapon Lunes, 20 Nobyembre, upang tutulan ang ‘deadline’ ng pamahalaan hanggang 31 Disyembre 2023, na pag-isahin o ikonsolida sila sa pamamagitan ng kooperatiba sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP). Ang tatlong-araw na welga ng PISTON ay …

Read More »

Sa Davao Occidental
9 PATAY SA LINDOL

112123 Hataw Frontpage

(ni Almar Danguilan) UMAKYAT na sa 9 katao ang namatay sa tumamang 6.8 magnitude na lindol sa Mindanao. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang dito ang isang ina at 7-anyos niyang anak sa Glan, Sarangani. Isa ang namatay nang mahulugan ng bakal ganoon din ang isang babaeng tinamaan ng debris sa isang mall, at isang …

Read More »

Supplier ng koryente kahit patuloy sa pagkamal ng kita  
CONSUMERS WALANG NAPAPALANG BENEPISYO SA MERALCO

112123 Hataw Frontpage

WALANG napapalang benepisyo ang mga consumer ng Manila Electric Company (Meralco) sa kabila ng patuloy na paglobo ng kita nito mula sa mega franchise na ipinagkaloob ng pamahalaan lalo sa usaping ibababa ang singil sa koryente. “Usually in economies of scale, as we understand it, the larger you grow, the lower is your cost, so how come, the gargantuan franchise …

Read More »

Roderick nanghinayang sa ‘di pagkakapasok ng In His Mother’s Eyes sa MMFF 2023 

Roderick Paulate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAKI ang panghihinayang ni Roderick Paulate na hindi sila nakapasok sa Metro Manila Film Festival 2023 ang pelikula nila nina Maricel Soriano at LA Santos, ang In His Mother’s Eyes mula 7K Entertainment. Ginawa kasi ang pelikula para talaga sa festival. “Nalungkot ako because naka-aim kasi talaga ‘yung movie para sa MMFF. Kaya lang, ganoon talaga ang buhay. May natatanggap, mayroong hindi. May nananalo, may natatalo. “So, …

Read More »