WALANG babayarang pasahe ang mga sasakay sa
sa MRT-3, LRT-1 at 2 sa Unang Araw ng Mayo o sa Pandaigdigang Araw ng mga Manggagawa.
Ito ay bilang parangal sa mga manggagawa at bilang pagdiriwang na rin ng Labor Day sa 1 Mayo, ayon sa Palasyo.
“Nais kong sabihin sa lahat ng ating commuters, iniutos ko para magbigay ng ating kaunting parangal sa ating mga manggagawa… kasama sa Labor Day Celebration ay maging libre ang sakay sa MRT-3, LRT-1 and 2,” pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Aniya, mula ngayong 30 Abril hanggang 1 Mayo ay libre ang sakay sa MRT-3 at LRT-1 & 2.
Ang hakbang ay bilang kaunting pagkilala aniya sa sakripisyo at sa kontribusyon ng mga manggagawa hindi lamang sa ekonomiya kundi sa ating lipunan.