MATABIL
ni John Fontanilla
EXCITED na si Marlo Mortel sa coronation night ng Miss Universe Philippines na gaganapin sa May 2 sa MOA Arena dahil isa siya sa magiging performer.
Tsika ni Marlo, “Bale on May 2 isa ako sa main performer sa Miss Universe PH.
“Bale kakantahin ko ‘yung original composition (Bed Weather) para sa evening gown segment.”
Dagdag pa nito, “Super excited po ako kasi this is my biggest performance yet as a singer/songwriter.”
Sa ngayon nga ay naka-focus muna si Marlo sa music at lie low muna sa acting.
“Lie low muna ako sa acting. Focusing on who I really am as an artist, singer/songwriter.
“Then continuous din labas ko ng songs. I will also release an album this year under Star Music.”
Ibinahagi rin nito na may bago na siyang management na magha-handle ng kanyang showbiz career.
“Bale kakalipat ko lang din ng management. I am under Empire PH na.”
Sa ngayon ay wala pang plano na mag-concert muli si Marlo, baka sa mga susunod pa na mga taon.