MATABIL
ni John Fontanilla
MASAYA ang tinaguriang Supremo ng Dance Floor na si Klinton Start dahil makakasama siya sa pelikulang Aking Mga Anak ng Dreamgo Production na ididirehe ni Jun Miguel.
“Sobrang bless po ako kasi ito po ‘yung first movie ko, nagpapasalamat ako kay direk Jun (Miguel) at isinama niya ako sa movie.
“Mostly po kasi ng ginagawa ko ay TV projects. First time ko na gagawa ng pelikula, kaya super excited ako kasi this time iba naman.
“Bale by May po mag-start ‘yung shooting ng movie namin and this year din siya ipalalabas sa mga sinehan.”
Si Klinton ay itinanghal na Best New Male TV Personality noong 2019 sa 33rd PMPC’Star Awards for Television.
Makakasama ni Klinton sa movie sina Hiro Magalona, Ralph Dela Paz, Patani Dan̈o, Cecille Bravo, Klinton Start, Natasha Ledesma at ang mga bibidang bata na sina Jace Fierre Salada, Madisen Go, Candice Ayesha, Nicole Almeer atbp..