AABOT sa 39 party-list groups ang tinanggal ng Comelec, batay sa resolusyon na ipinalabas nito. Kanselado ang registration ng mga grupo dahil sa mga sumusunod: Pagkabigong makakuha ng 2-porsyento ng mga bumoto para sa party-list system; at pagkabigong makakuha ng pwesto sa ikalawang round ng seat allocation para sa party-list system sa nakalipas na dalawang magkasunod na halalan. Narito ang …
Read More »Masonry Layout
IRR sa tax ceiling bonus apurahin — Rep. Tinio
PINABIBILISAN ni ACT Rep. Antonio Tinio ang pagbuo ng Implementing Rules and Regulations (IRR) sa Republic Act 10653 o ang pagtaas ng tax ceiling bonus mula sa P30,000 patungo sa P82,000. Umaasa si Tinio na magagawa na agad ang IRR para sa pagpapatupad ng batas at hindi sana patagalin ng Department of Finance (DoF) at ng Bureau of Internal Revenue …
Read More »13-anyos niluray ng Coast Guard (P200 bayad sa puri)
DAGUPAN CITY – Arestado ang isang personnel ng Philippine Coast Guard (PCG) sa lungsod ng Dagupan makaraan gahasain ang isang 13-anyos dalagita at binayaran ng P200 pagkatapos. Ayon kay PO2 Janine Aquino ng Women and Children Protection Desk (WCPD) Dagupan, positibong nagahasa ang menor de edad base sa lumabas na resulta sa pagsusuri sa kanya. Napag-alaman, sa salaysay ng kaibigan …
Read More »Lalaking may sakit nagbigti
BUNSOD ng iniindang sakit, nagpasyang magbigti ang isang 53-anyos lalaki kamakalawa ng gabi sa Makati City. Isinugod ni Albert, 56, ang kapatid na si Angeles Carandang, sa Ospital ng Makati ngunit idineklarang dead on arrival ng mga manggagamot. Sa imbestigasyon ni PO3 Ronaldo Villaranda ng Homicide Section, ng Makati City Police, dakong 9:25 p.m. nang matagpuan ang biktima habang nakabitin …
Read More »Purisima sinisi ni Miriam (Kung ‘di ka nakisali, buhay pa sila)
“KUNG hindi ka siguro nakisali doon, baka buhay pa sila.” Tahasan itong sinabi ni Senador Miriam Defensor-Santiago sa nagbitiw na hepe ng Philippine National Police (PNP) na si Alan Purisima sa ikatlong araw ng pagdinig sa Senado sa Mamasapano incident. Kaugnay ito ng pagkamatay ng 44 miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) sa operasyon sa Mamasapano na inap-rubahan ni Purisima. …
Read More »Bantang kudeta vs PNoy ibinunyag ni Sen. Miriam (Nagbantang arestohin!)
IBINUNYAG ni Senator Miriam Defensor-Santiago sa pagdinig ng Senado sa kaugnay sa enkwentro sa Mamasapano, Maguindanao, ang aniya’y nilulutong kudeta laban kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Ayon sa senador, nakatanggap siya ng impormasyon na ang mga lider ng “alphabet soup acronym groups” ay nagpaplano na patalsikin ang pangulo sa puwesto. Ang nagpopondo aniya nito ay isang napakayamang tao na …
Read More »Pag-etsapuwera kina Roxas at Espina, masyadong sablay — Lacson
Nilinaw ni dating Senador Panfilo Lacson na hindi totoong walang chain of command sa Philippine National Police at nilabag ito nina Pangulong Aquino at dating Chief PNP Alan Purisima nang ietsapuwera sina Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas at PNP OIC Deputy Director General Leonardo Espina sa pulong kaugnay sa operasyon sa Mamapasano, Maguindanao. Ani Lacson, kahit sibilyan …
Read More »HDO inilabas vs Masbate ex-solon, 31 pa (Plunder sa pork barrel)
NAGPALABAS na ng hold departure order (HDO) ang fourth division ng Sandiganbayan laban kay dating Masbate Rep. Rizalina Seachon-Lañete. Si Lañete ay nahaharap sa kasong plunder at 11 counts ng kasong graft dahil sa pork barrel scam. Sa kaso ni Lañete, P112 million ng pork barrel niya ang involved na halaga at P108 million ang sinasabing kickback ng dating mambabatas. …
Read More »Serial holdaper/rapist sa kyusi bagsak sa parak
NAARESTO na ng mga awtoridad ang serial holdaper at rapist na nanloob sa ilang establisemento sa Quezon City, sa follow-up operation ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) kahapon ng umaga. Sa pulong balitaan, iniharap nina Quezon City Mayor Herbert Bautista at QCPD director, Chief Supt. Joel Pagdilao ang suspek na si Mark Soque, 29, ng 1687 Riverside …
Read More »Presyo ng tubig nakaambang tumaas
MAKARAAN tumaas ang presyo ng produktong petrolyo at koryente, nakaamba ring tumaas ang singil sa tubig. Isinusulong ng Maynilad ang dagdag-singil makaraan manalo sa arbitration proceeding, at nakapagsumite na ng utay-utay na taas-singil sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Regulatory Office. Higit P3 kada cubic meter ang taas-singil dahil ipinasok sa kwenta ang dalawang taon inflation o antas ng …
Read More »Video ng ‘overkill’ sa 10 sa fallen 44 ikinalat sa internet
KASUNOD nang kumakalat na video ng ilan sa Fallen 44, nagtalo-talo kahapon ang ilang mambabatas kung dapat pang ipalabas ito sa pagdinig kahapon sa Kamara. Natapos lamang ang pagtatalo nang mapagkasunduan na huwag nang panoorin ang video sabay tanong kay Supt. Reynaldo Arino, battalion commander ng 55th Special Company, kung totoo bang SAF Commandos ang nasa video na kinompirma naman niya. …
Read More »Dayuhang retailer sinaksak ng helper (Separation pay hindi ibinigay)
ISANG Chinese national na nagnenegosyo bilang retailer sa bansa ang sinaksak ng sinibak na helper sa Pasay City kamakalawa. Nakaratay at inoobserbahan sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Xu Wan Yu, 19, ng 2741 Taft Avenue, Pasay City, inabot ng saksak sa likod. Tinutugis ng pulisya ang suspek na Michael Mabugnon alyas Tangkad, 32, tubong Brgy. Cacay …
Read More »Pagsasakripisyo ng 44 SAF troopers, makabuluhan — Roxas
“NAGAMPANAN nila ang kanilang papel, dapat nating gampanan ngayon ang ating bahagi.” Ito ang idiniin ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas sa komite ng Senado na nag-iimbestiga sa Mamasapano incident sa Maguindanao noong Enero 25. Sa kanyang pahayag, kinikilala ni Roxas ang makabuluhang kabayanihan ng 44 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force na ginampanan ang kanilang mga …
Read More »Ginang sugatan sa taga ni bayaw
SUGATAN ang isang ginang makaraan tagain ng lasing niyang bayaw nang tumanggi ang biktima na makipag-inoman ang kanyang kinakasama sa suspek kahapon ng madaling-araw sa Malabon City. Kinilala ang biktimang si Maiden Bolina, 44-anyos, residente ng C. Perez St., Brgy. Tonsuya ng nasabing lungsod. Habang arestado ang suspek na si Nover Gualba, 34, nahaharap sa kasong frustrated homicide, alarm and scandal …
Read More »72-anyos lola niluray ng 32-anyos kelot
KORONADAL CITY – Walang-awang ginahasa ang isang 72-anyos lola ng isang 32-anyos lalaki sa bahagi ng Sitio Lamsini, Brgy. Sinolon, T’boli, South Cotabato kamakalawa. Ayon kay Chief Inspector Jose Marie Simangan, dakong 10 a.m. kamakawa nang imbitahin ng suspek na si Felizardo Roquero Bane-bane, walang asawa, ang biktima sa pagpunta sa kabundukan, at dito naganap ang panghahalay. Makaraan ang insidente, …
Read More »All-out war ni Erap ‘di kinagat (Palasyo natuwa)
IKINATUWA ng Palasyo na hindi kinagat ng publiko ang panawagan ni ousted president, convicted plunderer at Manila mayor Joseph “Erap” Estrada na magdeklara ng all-out war laban sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) kasunod ng pagkamatay ng Fallen 44 sa sagupaan sa Mamasapano. Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ikinagalak ng administrasyong Aquino na kahit mataas ang emosyon ng mga …
Read More »15 sugatan sa sumabog na kerosene stove sa school
CEBU CITY – Malubhang nalapnos ang katawan ng isang vendor habang sugatan ang 14 pang iba kabilang ang siyam mga estudyante, bunsod nang sumabog na kerosene stove sa loob ng food park ng Cebu Technological University main campus kamakalawa. Ayon SFO1 Tristan Tadatada ng Cebu City Bureau of Fire Protection (BFP), nagluluto si Arenato Catarongan, 41, nang biglang sumabog at …
Read More »Bus sumalpok sa Star Tollway railing, 6 sugatan
ANIM pasahero ang sugatan nang bumangga ang isang bus sa railing ng tulay sa STAR Tollway sakop ng Brgy. Sabang, Batangas City nitong Martes ng gabi. Dalawang oras ding hindi nadaanan ng mga motorista ang parahong lane sa lugar nang kumalat ang langis mula sa RRCG bus at ang debris mula sa nasirang concrete barrier. Kinilala ni Carlito America, Traffic …
Read More »Manhunt ikinasa vs serial holdaper, rapist sa Kyusi
TINUTUGIS na ng pulisya ang suspek sa walong magkakasunod na holdap at ginahasa pa ang ilang kustomer sa iba’t ibang establisemento sa Quezon City. Inilarawan ng mga biktima ang suspek na may taas na 5’7 hanggang 5’8 at laging nakasuot ng bull cap kapag nambibiktima. Iisa ang modus niya sa pagsalakay sa mga establisemento na iginagapos at ipinapasok sa comfort …
Read More »Pinay nurse sa Saudi positibo sa MERS-Cov
KINOMPIRMA ng Department of Health (DoH) na isang Filipina nurse mula Saudi Arabia ang nagpositibo sa Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus (MERS-CoV). Ayon sa DoH, Pebrero 1 nang dumating sa bansa ang hindi pa pinangalanang 32-anyos Filipina. Pebrero 10 nang i-confine siya sa negative pressure room sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) nang makaranas ng lagnat, body pains, ubo …
Read More »Bill sa dagdag benepisyo ng pulis binuhay sa Senado
SA gitna nang masaklap na pagkamatay ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF), iginiit sa Senado ang pagpasa ng panukalang batas na Magna Carta for the Philippine National Police (PNP) o karagdagang benepisyo sa mga pulis. Magugunitang sa pagtatanong ni Sen. Sonny Angara sa pagdinig ng Senado kay dating SAF commander Dir. Getulio Napeñas, sinabi ng heneral na ang …
Read More »Napeñas isasakripisyo ng Palasyo
TIKOM ang bibig ng Palasyo sa akusasyon ng militanteng grupong Bagong Alyansang Makabayan (BA-YAN) na isasakripisyo ng gobyerno si Chief Supt. Getulio Napeñas para hindi mapanagot si Pangulong Benigno Aquino III sa Fallen 44. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ang layunin ng Senate probe sa Mamasapano incident ay upang malaman ang buong katotohanan kaya’t dapat na hintayin na …
Read More »Giyera sisiklab — Palasyo (BBL ‘pag ‘di naipasa)
NAGBABALA ang Palasyo na sisiklab muli ang giyera at hindi uunlad ang Mindanao kapag hindi naipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL). Ito ang inihayag kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. kasunod nang pagsuspinde ng Kongreso sa mga pagdinig kaugnay sa BBL makaraan ang madugong enkwentro ng tropa ng pamahalaan at pinagsanib na puwersa ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) …
Read More »Manila Dialysis Center bubusisiin (Maling sistema nagresulta sa iregularidad)
IBINUNYAG ng isang mapagkakatiwalaang source, nakatakdang imbestigahan ng Commission on Audit (COA) at ilang ahensya ng pamahalaan ang Manila Dialysis Center dahil sa mga reklamo ng umano’y talamak na iregularidad sa ilalim ng pamamalakad ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrda at mga kaibigan nito. Batay sa ating source nagrereklamo ang mga pasyente dahil sinisingil umano ng isang alyas Holy Manny …
Read More »Lider ng magsasaka binistay ng bala
CAMP OLIVAS, Pampanga – Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 64-anyos lider magsasaka makaraan bistayin ng bala nang malapitan ng dalawa sa apat armadong kalalakihan na lulan ng motorsiklo sa tapat ng kanyang bahay nitong Linggo sa Brgy. San Jose, bayan ng San Simon ng lalawigang ito. Base sa ulat ni Chief Inspector Michael Riego, hepe ng …
Read More »