Sunday , December 22 2024

Masonry Layout

Mary Jane pabuwenas kay Manny

ANG pagkakaligtas kay Mary Jane Veloso sa kamatayan ay indikasyong mananalo si eight-division world champion Manny Pacquiao sa kanyang laban kay Floyd Mayweather Jr. Ayon sa kilalang sports analyst na si Quinito Henson, ‘blessing’ para kay Pacman ang nangyari kay Veloso. Aniya, dahil sa kapangyarihan ng panalangin mula sa mga kababayang nagmamahal kay Mary Jane ay hindi natuloy ang firing …

Read More »

Brownout sa Mindanao posible sa laban ni Pacquiao

TALIWAS sa pahayag ng National Electrification Administration (NEA), posible pa rin magka-brownout sa Mindanao sa bakbakang Manny Pacquiao-Floyd Mayweather Jr. sa Linggo, Mayo 3. Sinabi ni Department of Enery (DoE) Secretary Jericho Petilla, batay ito sa pagre-review niya sa kontrata ng mga kooperatiba sa rehiyon. Una nang inireklamo ni Jaime Rivera, regional governor ng ARMM Philippine Chamber of Commerce and …

Read More »

Pacman richest, Hicap poorest sa House solons

NANANATILING pinakamayamang kongresista si Filipino boxing superstar at Sarangani Rep. Manny Pacquiao. Sa inisyal na impormasyon, halos P2 bilyon ang yaman ni Pacman na kinita niya mula sa pagboboksing. Si Pacquiao din ang isa sa itinuturing na top taxpayers, nagbayad siya nang mahigit P160 milyong buwis. Samantala, may pinakamababang asset record sa Kamara si Anak Pawis Rep. Fernando Hicap. Nagdeklara …

Read More »

Project manager tigok sa motel  

PATAY ang isang 57-anyos project manager makaraan manikip ang dibdib at mahirapang huminga mahigit isang oras makaraan mag-check-in sa motel kasama ng isang babae kamakalawa ng hapon sa Caloocan City. Hindi na umabot nang buhay sa John Paul Hospital ang biktimang kinilalang si Armando Singson, ng Block 4, Lot 34, Phase E-1, Francisco Homes, Brgy. Mulawin, San Jose Del Monte, …

Read More »

Factory worker patay, sanggol, 1 pang anak sugatan sa Tamaraw FX

PATAY ang isang factory worker habang sugatan ang kanyang dalawang anak makaraan araruhin nang nawalan ng prenong sasakyan habang nakatayo sa bangketa kahapon ng umaga sa Malabon City. Durog ang ulo at katawan ng biktimang kinilalang si Edgar Sarmiento, 47, empleyado ng Globe Paper Mills, at residente ng 78 Melon St., Brgy. Potrero ng nasabing lungsod, sanhi ng pagkakabundol at …

Read More »

Barker kritikal sa kabaro

BUNSOD ng inggit sa kinikita, agaw-buhay sa pagamutan ang isang barker makaraan saksakin ng kapwa barker sa Pasay City kahapon ng tanghali. Nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Grover Stephen Rogo, 30, ng Edang St. Malibay Pasay City, sanhi ng isang tama ng saksak sa dibdib. Habang pinaghahanap ng mga awtoridad ang tumakas na suspek …

Read More »

2 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan sa flyover

SUGATAN ang dalawa katao makaraan magkarambola ang tatlong sasakyan sa Katipunan Flyover kahapon. Pasado 4 a.m. nang mawalan ng preno ang isang 10-wheeler truck na may kargang alak habang paakyat sa northbound lane at tumama sa isang Toyota Vios. Tuluyang nawalan ng kontrol ang truck na tumawid sa center island patungong southbound at sumalpok sa isang taxi. Isinugod sa pagamutan …

Read More »

3 kelot kalaboso sa damo at boga

TATLONG SABOG TIMBOG. Nadakip ng mga tauhan ni Sr. Insp. Robert Bunayug ang tatlong suspek na sina Zarwin Hernandez, Jeff Contreras, at Jerickson Castro, pawang sabog sa marijuana, habang lulan ng Mitsubishi Lancer sa kanto ng Adriatico St. at Malvar St, Ermita, Maynila makaraan magpaputok ng baril sa na-sabing lugar. (BONG SON) ARESTADO ang tatlong lalaki makaraan magpaputok ng baril …

Read More »

8 katao kinasuhan ng tax evasion

ISINAMPA ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice ang magkakahiwalay na tax evasion complaints sa walo katao na sangkot sa P414 million unsettled obligations. Ayon kay Revenue Commissioner Kim Henares, ang walo katao ay haharap sa kaso dahil sa pagmamatigas at tangkang hindi pagbabayad ng buwis, kabiguang magbigay nang tamang impormasyon sa annual income tax return at …

Read More »

2 sugatan sa granada (Sa North Cotabato)

KIDAPAWAN CITY – Tatlo ang sugatan sa pagsabog dakong 7:05 p.m. kamakalawa sa lalawigan ng Cotabato. Kinilala ang mga sugatan na sina Shiela Calambro, 16; Leo Caligayan, 34; at Nenita Calambro, 41, pawang mga residente ng Sitio Balisawan, Brgy. Tomado, Aleosan, North Cotabato. Ayon kay Cotabato PNP provincial director, Senior Supt. Danilo Peralta, bumibili ng pagkain ang mga biktima sa …

Read More »

Trabaho, mataas na kita sa bansa kailangan — Angara (Para pigilan ang pangingibang bansa)

TAHASANG sinabi ni Senador Sonny Angara sa pamahalaan na ang paglilikha nang maraming trabaho at mataas na suweldo ang susi upang hindi na makipagsapalaran sa ibang bansa ang mga Filipino para lamang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Ayon kay Angara, marapat lamang na pakinabangan ng Filipinas ang kakayahan at talento ng mga Filipino. “Sabihin na nating malaki ang naitutulong …

Read More »

Dekriminalisasyon sa Libel ‘nabuburo’ sa Senado — ALAM (Sa paggunita ng World Press Freedom Day)

HALOS matatapos na ang 16th congress pero hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasa ang panukalang batas na magbibigay daan para tuluyang mawala ang parusang pagkakakulong sa batas ng libel. Ito ang malungkot na pahayag ngayon ni Alab ng Mamamahayag (Alam) chairman Jerry Yap kaugnay sa matagal na pagkakabinbin ng panukalang  batas para i-decriminalize ang libel. “Nakapagtataka naman, halos ilang taon …

Read More »

Unyonista, endo workers sanib-puwersa kontra kontraktuwalisasyon (Ngayong Mayo Uno – Araw ng Paggawa)

DALAWANG araw bago ang Araw ng Paggawa, nagrali kasabay ng pakikipag-diyalogo ang mga kasaping pangulo ng Union Presidents Against Contractualization (UPAC) at mga kasapi ng Solidarity of Workers Against Contractualization (SWAC) sa opisina ni Secretary Rosalinda Baldoz ng Department of Labor and Employment (DOLE) para hingin na ibasura ang kontraktuwalisasyon sa sistema ng paggawa sa bansa. Tinukoy ng  mga raliyista …

Read More »

Commutation hihilingin ng PH para kay Veloso

HINDI iniwanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kaso ni Mary Jane Veloso, kahit naipagpaliban na ang pag-execute sa kanya. Ayon kay DFA spokesman Asec. Charles Jose, mas lalong puspusan ang ginagawang koordinasyon sa kanilang counterparts sa Indonesia para sa development ng kaso. “We’ve employed diplomatic track since Veloso’s conviction in 2011. In fact, we’ve been able to stay …

Read More »

Manok sa 2016 ihahayag sa Hunyo — PNoy

IHAHAYAG na ni Pangulong Benigno Aquino III bago matapos ang susunod na buwan (Hunyo) ang kanyang manok para sa 2016 presidential derby. Sa isang ambush interview kay Pangulong Aquino sa Negros Occidental, inamin niya na tuloy-tuloy pa rin ang pagpupulong ng Liberal Party hinggil sa kanilang magiging standard bearer sa 2016 presidential polls. “Tuloy tuloy pa ‘yan. There’s no change. …

Read More »

Hijack bulilyaso sa driver na ‘di lisensiyado (3 arestado)

BIGONG maidispatsa nang tuluyan ng dalawang itinurong hijacker  ang kanilang mga dinambong na television sets nang masita sa isang police checkpoint at walang naipresentang lisensiya at dokumento ng sasakyan sa Tondo, Maynila kamakalawa. Kinilala ang mga naarestong hijacker na sina Aljohn Villanueva, 28, ng Balut, Tondo; at Rodolfo Teodosio, 50, ng Valenzuela City. Kasunod na naaresto ang pinaniniwalaang financier at …

Read More »

Wanted na anak ni Napoles nasa PH pa rin — BI

NASA Filipinas pa rin si Jeane Catherine Napoles sa kabila nang hindi niya pagharap sa Court of Tax Appeals (CTA) kamakalawa na nagresulta sa paglalabas ng warrant of arrest laban sa kanya. Ayon sa ulat ng Bureau of Immigration (BI), wala silang data na bumiyahe ang anak ni Janet Lim-Napoles sa mga nakalipas na buwan. Gayonman, dahil sa umiiral na …

Read More »

Groom ipinaaresto ng pamilya ng bride (‘Di sumipot sa kasal)

INARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki sa Quezon city makaraan hindi nito siputin sa kasal ang kanyang bride-to-be nitong Miyerkoles. Sinasabing mismong ang pamilya ng babae ang nagreklamo sa pulisya laban sa lalaki. Kuwento ng ama ng babae, ilang oras nilang hinintay ang groom ngunit hindi siya nagpakita sa kasalan. Ngunit depensa ng lalaki, na-flat ang gulong ng kanyang …

Read More »

Multa sa antuking sekyu sa Cebu Capitol pinalagan

CEBU CITY – Inalmahan ng mga guwardiya mula sa GDS Security Agency na naka-assign sa Cebu Provincial Capitol ang anila’y hindi makatarungan na halaga ng multa na ipinapataw sa sino mang mahuhuling natutulog sa gitna ng kanilang trabaho. Mismong si Cebu Gov. Hilario Davide III ang nagpahayag na dapat lamang na parusahan ang mga guwardiya na nagpapabaya sa kanilang trabaho …

Read More »

Sanhi ng pagtagilid ng PNR train iniimbestigahan pa

HINDI pa matukoy ng pamunuan ng Philippine National Railways (PNR) ang sanhi ng pagkakadiskaril ng tren nito nitong Miyerkoles.  Magugunitang 80 ang sugatan sa naturang insidente nang dalawa sa tatlong bagon ng tren ang tumagilid habang naputol ang ilang bahagi ng riles. Ayon kay PNR Spokesperson Paul de Quiros, mahirap bumuo ng konklusyon habang iniimbestigahan pa ang aksidente lalo’t nabatid …

Read More »

8-anyos birthday girl hinalay ng magsasaka

NAGA CITY – Imbes maging masaya, matinding takot ang bumalot sa kaarawan ng isang bata sa Unisan, Quezon kamakalawa. Ito’y makaraan halayin ng isang magsasaka na hindi muna ipinasapubliko ang pangalan, ang 8-anyos biktima. Ayon sa nakalap na impormasyon, binisita ng suspek ang biktima sa kanilang bahay sa kaarawan ng bata. Ngunit nang magkaroon ng pagkakataon ay pinaghahalikan ng suspek …

Read More »

Mindanao walang brownout sa laban ni Pacman — NEA

TINIYAK ng National Electrification Administration (NEA) na walang mararanasang brownout sa buong Mindanao sa laban ni Manny Pacquiao sa Linggo, Mayo 3. Sinabi ni NEA Administrator Edith Bueno, dahil isang malaking event ang bakbakang Pacquiao-Floyd Mayweather Jr. ay pinaghandaan na ito ng mga electric cooperative. Bukod dito, panigurado aniyang may generator sa mga gym at iba pang lugar kung saan …

Read More »

Bike rider todas sa trailer truck

SABOG ang ulo at bali-bali ang buto ng isang bike rider makaraan mabundol nang humahagibis na trailer truck kamakalawa ng hapon sa Navotas City. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Nestor Patria, nasa hustong gulang, residente  ng Alpha St., Brgy. Bangkulasi ng nasabing lungsod, makaraan makaladkad ng ilang metro at una ang ulong bumagsak sa sementadong kalsada. Habang kusang-loob na …

Read More »

MRT muling nagkaaberya

PANIBAGONG aberya ang bumungad sa mga pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) bandang 6:20 a.m. nitong Huwebes. Ayon kay MRT General Manager Roman Buenafe, biglang nagpreno ang isang tren sa pagitan ng southbound ng Kamuning at Cubao station. Dahil dito, hindi agad naialis ang gulong ng tren mula sa pagkaka-magnet sa riles kaya pinababa na lamang ang mga pasahero. Pansamantalang …

Read More »

Sari-sari store inararo ng jeep, 4 sugatan

NAGA CITY – Sugatan ang apat katao kabilang ang dalawang menor de edad, makaraan araruhin ng pampasaherong jeep ang isang tindahan sa Brgy. Luklukan Sur, Jose Panganiban, Camarines Norte kamakalawa. Nabatid na binabaybay ng jeep na minamaneho ni Jimmy Daria ang kahabaan ng nasabing lugar nang mawalan ito ng preno. Bunsod nito, hindi nagawang iwasan ni Daria ang sari-sari store …

Read More »