Saturday , July 27 2024

Bahay ng pari sa Tondo nasunog

NASUNOG ang kumbento ng mga pari ng St. Joseph Parish sa Gagalangin, Tondo, Maynila kahapon ng madaling araw.

Habang isang pari ang nanakawan sa kasagsagan ng sunog sa gusali sa Juan Luna Street.

Dakong 3:28 am nang magsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng kombento.

Naapula agad ang apoy na agad itinaas sa ikatlong alarma dahil yari sa kahoy ang kombento.

Tinatayang nasa P100,000 ang halaga ng pinsala.

Walang naiulat na nasaktan sa insidente.

Samantala, ayon sa Vietnamese national na si Father Dominc Ngo Anh Quoc, nawalan siya ng P50,000 cash, laptop computer, cellphone at ilang Vietnamese dong o currency.

Nasa bansa ang pari para mag-aral.

About hataw tabloid

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *