Sunday , June 16 2024

2 patay, 33 sugatan sa bumaliktad na jeepney (Sa Putdul, Apayao)

TUGUEGARAO CITY – Patay ang dalawa katao habang sugatan ang 23 iba pa sa pagbangga ng isang pampasaherong jeep sa barikada ng DPWH sa bayan ng Pudtul, Apayao kamakalawa.

Ang mga namatay ay nasa top load ng nasabing sasakyan na sina Abraham Pedronan at Arthur Masalay, kapwa residente ng Luna, Apayao.

Batay sa imbestigasyon ng PNP, hindi kumagat ang preno ng sasakyan nang nasa pababang kalsada kaya nawalan ng kontrol sa manibela ang driver na si Eligah Yague na naging sanhi nang pagtagilid ng sasakyan.

Sinasabing tumilapon ang mga nasa top load ng sasakyan.

Napag-alaman, papunta sa kasal ang mga sakay ng jeep sa Pudtul mula sa bayan ng Luna.

Isa sa mga namatay, si Pedronan ay ama ng ikakasal na lalaki.

Sa kabila ng insidente ay natuloy pa rin ang kasal.

Samantala, ang ilang sugatan ay dahil sa pagkakapaso sa mga dala nilang pagkain na dadalhin sana sa handaan para sa kasal.

About hataw tabloid

Check Also

DOST 1 opens ‘smart and sustainable’ workshop in Laoag City

DOST 1 opens ‘smart and sustainable’ workshop in Laoag City

THE Participatory Planning and Road Map Development Workshop towards a Smart and Sustainable City of Laoag kicked off …

Las Piñas LGU may bagong environmental at health vehicles

Las Piñas LGU may bagong environmental at health vehicles

PINABASBASAN ng pamahalaang lungsod ng Las Piñas ang nakuhang mga bagong sasakyang pangkalikasan at pangkalusugan …

10,000 trabaho handog ng pasay LGU sa Kalayaan Job Fair

10,000 trabaho handog ng pasay LGU sa Kalayaan Job Fair

ISANG mega job fair ang inihandog ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Pasay kahapon …

Chavit Singson

Chavit Singson mamimigay ng P7-M sa kanyang kaarawan

MAMAMAHAGI si dating governor Luis “Chavit” Singson ng saya at kabutihang-loob sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong taon. …

Sam Verzosa Yul Servo

VM Yul at Rep Sam magsasalpukan sa pagka-Manila mayor 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAPARAMDAM na ang bofriend ni Rhian Ramos na si partylist representative Sam Versoza sa ilang barangay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *