Saturday , July 27 2024

3 coed kritikal sa sagasa ng truck

TATLONG estudyante ang malubha ang kalagayan nang masagasaan ng isang delivery truck sa P. Casal St. kanto ng Concepcion St., San Miguel, Maynila nitong Biyernes ng umaga.

Kinilala ang mga biktimang sina Clarence Ray Ocampo, ng Technological Institute of the Philippines (TIP), Nika Francisco at Dafnie Lorenzo, kapwa ng National Teachers College (NTC), may gulang na 14 hanggang 16-anyos, pawang isinugod sa Mary Chiles Hospital.

Ayon sa impormasyon, nakatayo lang sa kanto ang tatlong estudyante nang bigla silang sagasaan ng isang delivery truck na may kargang hollow blocks at buhangin.

Galing sa Recto Avenue ang truck nang bigla itong nawalan ng kontrol patungo sa tatlong estudyante.

Agad tumakas ang driver ng truck makaraan ang insidente.

( LEONARD BASILIO )

About Leonard Basilio

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *