Monday , July 15 2024

1 patay, 2 sugatan sa nahulog na motorsiklo sa irrigation canal

LA UNION – Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang lalaki habang dalawa ang sugatan nang mahulog ang sinasakyang motorsiklo sa irrigation canal sa national highway, Brgy. Ipet, Sudipen, La Union kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang namatay na si Jerick Mostoles, 22, habang sugatan ang driver ng motorsiklo at isa pang backride na sina Justin Luis Carpio, 18, at John Allen Moral.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, magkaangkas sa isang motorsiklo ang tatlo habang binabagtas dakong 2:00 am ang nasabing kalsada nang biglang bumangga sa barikada ng road construction.

Dahil dito, nahulog sa kanal na may lalim na limang metro si Mostoles habang tumilapon ang dalawang iba pa.

Agad itinakbo sa ospital ang tatlo ngunit binawian ng buhay si Mostoles.

About hataw tabloid

Check Also

Marcoleta Miru

Miru Systems’ 18 Billion Peso Contract for Philippine Elections Sparks Major Concerns

Manila, Philippines — On July 9, 2024, Hon. Rodante D. Marcoleta, Party List – SAGIP, …

knife saksak

 ‘Iska’ hinoldap, sinaksak sa UP Diliman

SUGATAN ang isang iskolar ng bayan (ISKA) nang pagsasaksakin ng isa sa tatlong holdaper nang …

071024 Hataw Frontpage

Walang kooperasyon
DPWH SINISI NI CHIZ SA ISYU NG NEW SENATE BUILDING

ni Niño Aclan TAHASANG sinabini Senate President Francis Jospeh “Chiz” Escudero na ang kawalan ng …

Modern Beetle Car Boys Dead

Mag-utol na totoy natagpuang patay sa moderno ngunit abandonadong beetle

PATAY nang matagpuan sa loob ng abandonadong beetle ang magkapatid na batang lalaki na huling …

shabu drug arrest

P.27-M halaga ng shabu kompiskado, most wanted, manunugal, arestado

NAGSAGAWA ng serye ng pinaigting na operasyon ang pulisya sa Bulacan na nagresulta sa pagkakakompiska …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *