Monday , October 2 2023
ronald bato dela rosa pnp

Vigilante group hinamon ng barilan ni Gen. Bato

HINAMON ng barilan ni PNP chief, Director General  Ronald dela Rosa ang mga vigilante na walang habas na pumapatay sa  hinihinalang drug personalities nitong nakaraang mga araw.

Patunay aniya ito ng kanyang galit sa vigilantism o summary killings.

Ayon kay Dela Rosa, matapang lang ang sinasabing mga  vigilante sa pagpatay ng mga inidibidwal na nakatali ang kamay, nakabusal ang bibig at nakapiring ang mata at saka binabaril sa ulo.

Payag daw siya na makipag-tuos sa limang vigilante at sabay-sabay silang bubunot ng baril.

Alam aniya ng publiko na mali ang paggamit at pagtutulak ng droga, ngunit mali rin aniya ang basta-bastang pagpatay sa mga drug suspect.

Giit ng PNP chief, hindi maitatama ng isang mali ang isa pang pagkakamali.

About hataw tabloid

Check Also

arrest posas

2 kilabot na holdaper arestado gamit na gun replica kompiskado

NABAHAG ang buntot ng dalawang kilabot na holdaper nang pagsalikupan sila ng mga nagrespondeng pulis …

Bulacan solar-powered irrigation system DA NIA

Magsasakang Bulakenyo makikinabang sa 3 solar-powered irrigation system ng DA-NIA

MALOLOS CITY – Tinatayang 1,434 magsasakang Bulakenyo ang makikinabang sa katatapos na tatlong solar pump …

lovers syota posas arrest

Magdyowang tulak, dinamba sa drug bust

SWAK sa selda ang live-in partners na sinabing tulak ng ilegal na droga matapos makuhaan …

Arrest Posas Handcuff

 ‘Exhibitionist’ dinampot ng parak

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang lalaking ‘exhibitionist’ matapos makunan ng video habang nagpapakita …

Gun Fire

Ex-CSU ng Malabon namaril ng sekyu

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang security guard matapos barilin ng dating kawani ng Malabon City …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *