Sunday , December 22 2024

Masonry Layout

47-anyos kelot nanghaltak ng 27-anyos ginang  para pagparausan (Makaraan manood ng sex video)

ILOILO CITY— Hinalay ng 47-anyos lalaki ang 27-anyos ginang sa Barotac Viejo, Iloilo kamakalawa. Ayon kay Insp. Rene Delos Santos Del Castillo, imbestigador ng Barotac Viejo Municipal Police Station, umiinom habang nanonood ng malaswang video ang suspek na si alyas Toto sa bahay mismo ng ina ng biktima, at kainoman ang kapatid na lalaki ng ginang. Nang umuwi ang suspek, …

Read More »

Krimen sa ‘Gapo, ipinasusugpo sa DILG  

  Nanawagan ang mga residente ng Olongapo City kay Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na pakilusin ang pulisya upang mapigil ang lumalalang kriminalidad sa mga lansangan ng lungsod tulad ng patayan at panghoholdap. Nitong nakaraang Marso 25, nag-post sa kanyang Facebook account ang residenteng si Oliver Tolentino hinggil sa nakaaalarmang dalawang patayan sa loob ng  isang …

Read More »

Taxi driver todas sa 2 holdaper

BINAWIAN ng buhay ang isang taxi driver makaraan barilin ng dalawang holdaper kahapon ng madaling araw sa  Malabon City. Kinilala ang biktima sa pamamagitan ng driver’s license na si Floredan Cuales, 40, driver ng LIZDEPEN transport service taxi (ALA-5728), at residente ng 08 Don Edilberto St., Don Enriquez Heights, Quezon City, may tama ng bala ng baril sa likod ng …

Read More »

P148-M Grand Lotto hindi pa rin tinamaan

WALA pa rin nanalo sa P148,736,940 jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto. Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Ferdinand Rojas II, wala pang nakakuha ng eksaktong kombinasyon ng anim numero nitong Sabado ng gabi. Lumabas sa weekend draw ng PCSO para sa Grand Lotto ang winning number combination na 40-05-55-35-52-20. Dahil dito, asahang papalo sa mahigit P150 …

Read More »

9-anyos nene dinukot taxi driver arestado

ARESTADO ang isang 37-anyos adik na taxi driver makaraan dukutin at iuwi sa kanyang bahay ang isang 9-anyos batang babae na iniwan ng kanyang lola sa hallway ng Philippine General Hospital (PGH) para magpunta sa tanggapan ng DSWD-PGH nitong Huwebes ng hapon sa Taft Avenue, Maynila. Masusing iniimbestigahan sa Manila Police District-Police Station 5 ang suspek na si Rex Escota, …

Read More »

Ilang gusali ng paaralan sa Muntinlupa ipasasara (Nakatirik sa fault line)

IPASASARA na ng pamunuan ng isang paaralan sa lungsod ng Muntinlupa ang ilan nilang gusali makaraan mabatid na nakatirik sa fault line kaya posibleng gumuho kapag may naganap na lindol. Ayon sa pamunuan ng Pedro Diaz National High School, ipasasara na nila ang ilan nilang gusali upang makaiwas sa sakuna lalo pa’t inuukupahan ito ng maraming estudyante. Ang nasabing paaralan …

Read More »

Pinay hinatulan ng bitay sa UAE (Amo pinatay)

NANAWAGAN ng tulong ang pamilya ng isang overseas Filipino worker (OFW) makaraan patawan ng parusang kamatayan sa United Arab Emirates (UAE). Ayon kay Rajima Dalquez, inaresto noong Disyembre 12 ang 28-anyos niyang anak na si Jennifer makaraan mapatay ang among nagtangkang gumahasa sa kanya. Nasaksak niya ng employer gamit ang kutsilyong itinutok sa kanya.  Huling nakausap ng OFW sa telepono …

Read More »

Mag-ina pinatay ng amang Japanese nat’l

HINIHINALANG pinatay ng isang Japanese national ang kanyang mag-ina at pagkaraan ay nagtangkang magpakamatay ang suspek sa pamamagitan ng pagsaksak sa kanyang sarili sa Parañaque City. Kinilala ang mga biktimang sina Raquel Ura, 43, at Kenji Alexis, 13, grade 8 pupil, kapwa nakatira sa Unit 20, Bayview Garden Homes 3, Roxas Blvd., Brgy. Tambo ng naturang lungsod, hinihinalang pinatay sa sakal. …

Read More »

2 contractor ng NAIA T1 check-in counter dinukot

PERSONAL na dumulog sa National Bureau of Investigation (NBI) ang misis ng dalawang contractor ng NAIA Terminal 1 check-in counter makaraan mabigong makabalik sa kani-kanilang tahanan, apat buwan na ang nakalilipas. Ayon kay NBI Agent Aldrin Mercader, ng Anti-Organized Crime Division, noong Pebrero pa dumulog sa kanilang tanggapan sina Susan Labonete at Nympha Eguna at inireklamo ang pagkawala ng kanilang …

Read More »

Nine-dash-line ng China sinisi sa tensiyon sa South China Sea

ISINISI ng Palasyo sa China ang pagtindi ng tensiyon sa South China Sea. Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., nagiging matingkad ang tensiyon bunsod nang isinasagawang reclamation activities at paggamit ng teoryang ‘nine-dash-line’ ng China sa kabila ng malinaw na isinasaad sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Ang pahayag ni Coloma ay bunsod ng …

Read More »

Alunan mangunguna sa prayer rally vs BBL

NANAWAGAN si dating Department of Interior and Local Government Secretary Rafael Alunan III sa mga mamamayan na makiisa sa gagawing prayer rally sa Rizal Park (Luneta) bukas laban sa isinusulong ng pamahalaang Aquino na pagpapatupad ng kontrobersiyal na Bangsamoro Basic Law (BBL). “Millions of Filipinos oppose the BBL because it betrays the public trust, violates the Constitution, undermines national sovereignty …

Read More »

PNoy pusong bato? (Kentex fire victims ‘di pinuntahan)

HINDI ‘pusong bato’ si Pangulong Benigno Aquino III kahit hindi siya nagpunta sa nasunog na Kentex Manufacturing Inc., sa Valenzuela City at walang pinuntahan ni isang burol ng 72 obrerong namatay sa trahedya. Ito ang sagot kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., sa akusasyon ng ilang labor groups, muli umanong ipinakita ng asenderong Pangulo ang kawalan ng habag at …

Read More »

Sekyu nahulog sa 2/F patay (Tinamaan ng sariling baril)

  DAGUPAN CITY – Masusing iniimbestigahan ng pulisya ang pagkamatay ng isang security guard sa Lungsod ng Urdaneta sa lalawigan ng Pangasinan, sinasabing nahulog mula sa ikalawang palapag ng gusaling kanyang binabantayan makaraan aksidenteng pumutok ang kanyang baril at siya ay tinamaan kamakalawa. Palaisipan ang pagkamatay ng biktimang si Mar Llego, residente sa Dagupan City. Sinasabing nag-iikot sa ikalawang palapag …

Read More »

6 paaralan sakop ng West Valley Fault

ANIM na paaralan ang nakatayo sa dinaraanan ng West Valley Fault. Kabilang sa mga tinukoy ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidum na mga eskwelahang lantad sa pinangangambahang pagtama ng magnitude 7.2 lindol ang Sitio Karahume Elementary School sa Bulacan; Barangka Elementary School sa Marikina; Tibagan Elementary School sa Makati; Anne-Claire Montessori sa Taguig; Alabang Elementary …

Read More »

1 biktima sa Davao massacre ni-rape  bago pinatay

DAVAO CITY – Bagong anggulo ang tinututukan ng pulisya sa nangyaring massacre kamakalawa sa Phase 4, Residencia del Rio Subdivision, Catalunan Pequeño, Davao City, na apat ang patay. Pinaniniwalaang hinalay muna ang isa sa mga biktima bago pinatay. Sa imbestigasyon, nakakuha ang mga awtoridad ng suicide note sa silid kung saan nakita ang bangkay ng isa sa mga biktima na …

Read More »

69-anyos ex-accountant biktima ng rape-slay

HINIHINALANG ginahasa muna bago pinatay ang isang 69-anyos retiradong accountant na natagpuang walang buhay sa loob ng kanyang bahay kamakalawa ng gabi sa Caloocan City. Duguan, punit-punit ang damit at walang saplot na pang-ibaba ang biktimang kinilalang si Rodora Cabalitan, retired accountant ng Commission on Audit (CoA), at residente ng Block 4, Kamada Torcillo, Brgy. 28 ng nasabing lungsod, nang matagpuan sa …

Read More »

House panel BBL version unconstitutional – Sen. Miriam

HINDI alinsunod sa Saligang Batas ang inaprobahang bersiyon ng House ad hoc committee sa Bangsamoro Basic Law (BBL), ayon kay Sen. Miriam Defensor-Santiago. Partikular na pinuna ng senadora na kilalang constitutionalist, ang probisyon kaugnay ng mga isyu sa sovereignty, autonomy, pagbuo ng sub-state, at territorial integrity. “Under constitutional language, nothing of value may be exclusively allocated to any territorial part …

Read More »

Dummy ni Binay gagawing state witness

IKINOKONSIDERA ng Senado ang posibilidad na gawing state witness ang isa sa itinuturong mga dummy ni Vice President Jejomar Binay. Ayon kay Sen. Alan Peter Cayetano, isa sa mga nangunguna sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon sub-committee sa mga alegasyon ng katiwalian laban sa mga Binay, maaaring proteksiyonan ng Mataas na Kapulungan si Gerry Limlingan. Si Limlingan ang sinasabing finance …

Read More »

P3.8-B plate deal ng LTO walang pakinabang

NATUKLASAN ng Senado na dagdag gastos lamang para sa mga may-ari ng sasakyan ang pagpapalit ng plate number at wala nang iba pang pakinabang sa car owners. Ito ang napatunayan sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Sub-Committee sa P3.8 billion license plate deal ng Land Transportation Office (LTO). Hindi naitanggi ni LTO Chief Alfonso Tan ang sinabi ni Senate President …

Read More »

Importer, broker ng ukay-ukay kinasuhan ng BoC

SINAMPAHAN ng kasong smuggling sa Department of Justice (DoJ) ng Bureau of Customs (BoC) kahapon ang importer at broker ng ukay-ukay dahil sa illegal na importasyon ng mga lumang damit. Kinilala ni Customs Commissioner Alberto Lina ang kinasuhan na si Evangelos Tiu Andit, may-ari ng ERS Surplus, may tanggapan sa Gusa Highway sa Cagayan de Oro City, gayondin ang customs …

Read More »

2 kelot tigok sa heat stroke

HINIHINALANG biktima ng heat stroke ang dalawang lalaking natagpuang walang buhay sa magkahiwalay na lugar sa Pasay City. Sa natanggap na ulat ni Pasay City Police Officer-In-Charge (OIC), Senior Supt. Joel B. Doria, kinilala ang mga biktimang sina Abelardo Cruz, 60, driver, may asawa, residente ng 4927 Enrique St., Brgy. Palanan, Makati City, at Nilo Canoy, 39, ng 444 Guerrero …

Read More »

Nag-pot session sa bubong, adik tiklo

ARESTADO sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang 21-anyos lalaki nang maaktohan habang nagpa-pot session sa ibabaw ng bubong ng isang gusali sa Tondo, Maynila kamakalawa. Nakapiit na sa MPD Raxabago Police Station 1 ang suspek na si Ardian dela Cruz, jobless, ng U-118 Bldg. 15, Katuparan St., Vitas, Tondo. Ayon kay Supt. Redentor G. Ulsano, dakong …

Read More »

Warehouse pa ng plastic sa Valenzuela nasunog din

ISA na namang warehouse ng plastic sa Valenzuela City ang nasunog kahapon. Dakong 5:28 a.m. nitong Huwebes nang sumiklab ang sunog sa gusaling gilingan ng plastic ng Greencycle Corporation, na pagmamay-ari ng isang Peterson Tecson, sa Francisco St., kanto ng Maysan Road, Brgy. Malinta sa lungsod na nabanggit. Kuwento ng isang guwardya, bigla na lang umusok at nagliyab ang nakatambak …

Read More »

Dating tauhan ni Napoles ipinaaaresto ng Sandiganbayan

IPINAAARESTO ng Sandiganbayan 1st Division ang dating tauhan ni Janet Napoles makaraan dalawang beses na hindi sumipot sa arraignment. Bukod sa pag-aresto sa dating empleyado ni Napoles na si Laarni Uy, ipinababawi rin ni Associate Justice Efren Dela Cruz ang inihaing piyansa ng akusado. Nitong Huwebes sana ang ikalawang arraignment ni Uy ngunit hindi na naman dumalo kaya ipinag-utos ng …

Read More »

Kontraktuwalisasyon ipinabubuwag ng Catholic bishops

NAGPAHAYAG ng pagkabahala ang ilang Catholic bishops hinggil sa naganap na sunog sa Valenzuela na ikinamatay ng 72 kawani ng Kentex Manufacturing. Sinabi ni San Carlos Bishop Gerardo A. Alminaza, ang insidente sa Valenzuela ang pangatlong nangyari na ikinabuwis ng buhay ng mga manggagawa, sa ilalim ng administrasyong Aquino. Aniya, ang naganap na insidente ng sunog nitong nakaraang linggo ay …

Read More »