Friday , November 15 2024

Masonry Layout

LTO lady chief sugatan sa ambush

TUGUEGARAO CITY – Nilalapatan ng lunas sa isang pribadong ospital sa lungsod ng Tuguegarao ang hepe ng Land Transporation Office (LTO) sa bayan ng Gat-taran, Cagayan na pinagbabaril ng riding in tandem kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Belina Taguiam, 53, residente ng lungsod ng Tuguegarao. Batay sa pagsisiyasat ng PNP Gattaran, lumapit ang isa sa mga suspek sa salamin na …

Read More »

3 PH branches nagkaisa kontra China

KOMPIYANSA ang Palasyo sa kaso ng Filipinas laban sa China, sa pagsasanib ng tatlong sangay ng gobyerno kasama ang government lawyers para ipaglaban ang soberanya ng bansa sa South China Sea (West Philippine Sea) Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ang mga kinatawan mula sa ehekutibo, lehislatibo, at hudikatura ay magsasama-sama para suportahan ang kaso ng bansa sa United …

Read More »

China deadma sa The Netherlands Arbitration

ISANG linggo bago ang pagdinig ng The Netherlands-based Permanent Court of Arbitration sa kaso ng Filipinas laban sa China, sinabi ng Chinese government na hindi sila magpapadala ng kinatawan at mananatiling hindi makikibahagi sa arbitration. Ang Philippine legal team, sa pangunguna ni Solicitor General Florin Hilbay, ay nakatakdang idepensa ang kaso ng Filipinas sa China kaugnay sa pagsakop sa buong …

Read More »

Army special forces ex-member tiklo sa droga, granada

ZAMBOANGA CITY- Swak sa selda ang isang dating kasapi ng Army Special Forces makaraan mahulihan ng hinihinalang shabu at granada sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Tugbungan sa Zamboanga City kamakalawa. Kinilala ng Zamboanga City police station 6 ang suspek na si Mark Joseph Bolivar Batallones, 27-anyos. Nabatid na na-AWOL sa kanyang serbisyo ang suspek nitong nakaraang taon habang …

Read More »

Bagyong Egay signal no. 2 sa 9 lugar

NAPANATILI ng tropical storm Egay ang lakas at nasa bahagi na ng Bundok Cagagangan sa Cagayan. Inihayag ng PAGASA sa pinakahuling press briefing, taglay pa rin ni Egay ang lakas ng hangin na aabot sa 95 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong nasa 120 kph. Nanatiling mabagal ang paggalaw ni Egay sa 9 kilometro kada oras dahil …

Read More »

Gabay ng Seniors at GracePoe 2016 nagbuklod sa TakboPoe

Nagkaisa ang mga lider ng GracePoe 2016 Movement at Gabay ng Seniors sa panawagang tumakbo sa darating na May 2016 Presidential Election si Senador Grace Poe sa paniniwala na magiging mabuting pinuno ito ng bansa. “Kaming mga Senior Citizen ay nananalig sa malinis at walang kulay na prinsipyo ni Sen. Poe kaya nananawagan kami sa lahat na isulong ang Takbo …

Read More »

2 dummy ni Binay mahuhuli rin – Palasyo

KOMPIYANSA ang Palasyo na madarakip ng awtoridad ang sinasabing mga “dummy’ ni Vice President Jejomar Binay na sina Gerry Limlingan at Ebeng Baloloy. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., lahat ng hakbang para maipatupad ang pag-aresto kina Limlingan at Baloloy ay alinsunod sa kautusan ng Senado makaraan mabigong dumalo sa mga pagdinig kaugnay sa sinasabing mga anomalya ni Binay. …

Read More »

Gov. Ebdane, 6 pa kinasuhan ng graft sa Ombudsman

INAPRUBAHAN ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang pagpapatuloy ng kaso laban kay Zambales Governor Hermogenes Ebdane Jr., at anim pang iba dahil sa kasong graft at usurpation ng official functions. Sa 32-pahinang resolusyon ng Special Panel of the Environmental Ombudsman Team, sinasabing nakitaan ng probabale cause upang ituloy ang kaso laban kina Ebdane dahil sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt …

Read More »

36 patay sa paglubog ng bangka sa Ormoc

TACLOBAN – Umaabot na sa 36 katao ang patay sa paglubog ng motor banca sa karagatan ng Ormoc kahapon ng tanghali. Ayon kay Capt. Pedro Tinampay ng Philippine Coast Guard Eastern Visayas, 36 bangkay na ang narekober. Habang sinabi ni Lt. Gamit ng Ormoc police, 173 ang sakay ng MB Nirvana B nang lumubog. Mula ang bangka sa Ormoc pier …

Read More »

VP Binay ‘iniangat’  ng tagapagsalita ni PNoy

PINURI ng isa sa mga tagapagsalita ni Pangulong Benigno Aquino III ang accomplishments ni Vice President Jejomar Binay sa limang taon niya bilang miyembro ng gabinete, isang araw makaraan upakan nang todo ng Bise-Presidente ang administrasyon. Sa paglulunsad ng UNA bilang political party kamakalawa ay tinawag ni Binay ang administrasyong Aquno na “lazy, slow, indecisive.” Ayon kay Communications Secretary Herminio …

Read More »

15 arestado sa QC drug bust

ARESTADO ang 15 katao na sangkot sa illegal na droga sa magkakahiwalay na drug bust operations ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD), iniulat kahapon. Sa ulat kay Chief Supt. Joel D. Pagdilao, QCPD director, kabilang sa mga naaresto sina Joel Liempos, 42; Rodolfo Dimaano, 44; Edgar Carisma, 39; Grace Rivera, 19; Jose Buenaventura, 25; Mark Dela Cruz, 25; at Norman Arañas, 23-anyos. Ayon …

Read More »

HDO inilabas ng Sandiganbayan vs Cedric Lee et al

NAGPALABAS ng Hold Departure Order (HDO) ang Sandiganbayan laban sa negosyanteng si Cedric Lee. Ito ay kaugnay sa kasong graft at malversation na kinakaharap ni Lee sa Sandiganbayan 3rd Division. Nangangahulugan itong hindi na maaaring lumabas ng bansa si Lee. Ang kasong graft at malversation ay nag-ugat sa sinasabing maanomalyang paggamit ni Lee ng P23.47 milyon pera ng gobyerno para …

Read More »

10-anyos Chinese boy nalunod sa pool

NALUNOD ang isang 10-anyos batang Chinese habang naliligo sa swimming pool sa Binondo, Maynila kahapon. Hindi na umabot nang buhay sa Metropolitan Hospital ang biktimang si Siu Wei Yan, Chinese national, residente ng Unit 12-E Mandarin Condominium sa Ongpin St., Binondo, Maynila. Ayon ulat ni SPO3 Victor Jimenez ng Miesic Police Station 11, dakong 12:30 p.m. nang maganap ang insidente …

Read More »

Pekeng bigas babantayan

DAGUPAN CITY – Tututukan na rin ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ang napaulat na synthetic rice o pekeng bigas sa lungsod ng Davao. Ayon kay SINAG chairman Rosendo So, nababahala siya na makarating ang nasabing uri ng bigas sa Northern Luzon. Naniwala si So na posible itong mangyari dahil dati, ang shipment ng mga smuggled na bigas ay ibinababa …

Read More »

DepEd supervisor, 3 paa patay sa trike vs truck sa Samar (6 pa sugatan)

TACLOBAN CITY – Patuloy na pinaghahanap ang driver ng cargo truck (panel) na responsable sa pagbangga sa isang tricycle sa Brgy. 7, Kilometro 1, siyudad ng Catbalogan, kamakalawa na ikinamatay ng apat katao. Una rito, tumakas ang nasabing driver makaraan ang insidente. Base sa nakuhang impormasyon sa Catbalogan Police Station, nakatakas ang suspek bago pa man makaresponde ang mga awtoridad. Kinilala …

Read More »

2 patay, 4 sugatan sa killer truck (6 sasakyan inararo)

DALAWA ang patay kabilang ang isang babaeng napugutan, habang apat ang sugatan nang araruhin ng isang truck ang anim sasakyan sa M.L. Quezon Extention, Antipolo City kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Supt. Arthur Masungsong, hepe ng Antipolo City Police, ang namatay na si Luis Francisco Rebola, tricycle driver, habang hindi pa nakikilala ang babaeng pasahero niya na napugutan ng ulo. …

Read More »

Metro residents ‘thumbs up’ kay Tolentino

Aprubado para sa karamihan ang paglilingkod sa tungkulin ni Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Francis Tolentino, makaraang lumabas sa pinakahuling Pulse Asia survey na 93 percent ang nagsabing nasisiyahan at natunghayan nila ang pamamalakad nito sa MMDA. Ang survey ay isinagawa noong Mayo 30 hanggang Hunyo 5 ay kumalap ng respondents mula sa iba’t ibang kategorya ng komunidad sa …

Read More »

NP malabong makipag-alyansa sa UNA — Villar

AMINADO si Senadora Cynthia Villar, bagamat bukas siya sa lahat ng sino mang posibleng maging kaanib sa 2016 presidential elections ngunit tila malabo ito sa UNA na koalisyon at partido ni Vice President Jejomar “Jojo” Binay na nauna nang nagpahayag ng kahandaan na tatakbong pangulo sa nalalapit na halalan. Ayon kay Villar, maliwanag na tutol dito sina Senador Antonio Trillanes …

Read More »

Junjun tiklop kay Mar

PAGKATAPOS ulanin ng batikos sa kaliwa’t kanan mula sa mga opisyal ng pamahalaan tulad nina DILG Secretary Mar Roxas at Ombudsman Conchita Carpio-Morales, pati na rin sa mga komentaryo at social media, tumiklop si Makati Mayor Junjun Binay.   Matatandaang sinabihan ni Roxas ang nakababatang Binay na “hindi inyo ang Makati” at sumunod sa atas ng batas ukol sa suspensiyong …

Read More »

Graft case vs Biazon, ERC chair, et al inirekomenda na ng Ombudsman

PORMAL nang kinasuhan ng Office of the Ombudsman ang limang dating mga congressman, ang chairperson ng Energy Regulatory Commission (ERC) at iba pang opisyal dahil sa pagkakasangkot sa P10 billion pork barrel scam. Batay sa limang resolusyon na may petsang Hunyo 26, 2015 ngunit kahapon lamang naisapubliko, iniutos ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang paghahain ng kaso laban kina dating …

Read More »

Desisyon ng NLRC binalewala ng GMA — TAG

DUMULOG sa Kamara ang Talents Association of GMA (TAG) dahil sa ginagawang pagbabalewala ng GMA Inc., sa naging desisyon ng National Labor Relations Commission (NLRC). Ayon kay TAG leader Christian Cabaluna, binastos ng nasabing kompanya ang ipinalabas na resolution ng NLRC na nagdedeklarang regular employees ang 107 plaintiffs na talent lamang ang status sa kasalukuyan. Banggit ni Cabaluna, imbes tumalima …

Read More »

16-anyos dinonselya ng trike driver

CALAUAG, Quezon – Dumulog sa himpilan ng pulisya ang isang 16-anyos estudyante makaraan gahasain ng isang tricycle driver kamakalawa ng gabi sa Brgy. Poblacion, ng nasabing bayan. Ayon sa salaysay ng biktimang itinago sa pangalang Melba, residente ng nasabing lugar, pauwi na siya dakong 10 p.m. kaya sumakay siya tricycle ng hindi nakilalang suspek. Ngunit pagsapit nila sa madilim na …

Read More »

Cargo truck na may pekeng bigas nasakote sa GenSan

GENERAL SANTOS CITY – Agad inalerto ni retired Colonel Danilo Ferrer ang buong puwersa ng Civil Security Unit na naka-deploy sa public market sa GenSan kasunod nang biglang pag-alis ng isang cargo truck na sinasabing may kargang pekeng bigas. Napag-alaman, dumating ang nasabing truck dakong ma-daling araw kahapon at pumarada sa Cagampang St. Agad naghanap ng buyer ang mga pahinante …

Read More »

Ex-husband sa bank teller slay, idiniin ng lover

CAMP OLIVAS, Pampanga – Lalong tumibay ang ebidensiya ng mga awtoridad laban sa suspek na si Fidel Sheldon Arcenas na responsable sa pagdukot at brutal na pagpatay sa bank teller na ex-wife niyang si Tania Camille Dee, nang inguso siya ng kanyang gilfriend sa pulisya ng Angeles City. Kamakalawa, makaraang mahukay ang bangkay ng biktima sa mismong bakuran ng paupahang …

Read More »