Thursday , June 4 2026

Japanese PM kay Duterte: Sikat ka sa Japan

LUBOS na ikinatuwa ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang pakikipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit sa Vientiane, Laos kamakailan.

Sa bilateral meeting sa sidelines ng summit, ipinagbigay-alam ni Abe sa Pangulo na sikat na sikat siya sa buong Japan.

“President Duterte, I would like to congratulate you on assuming the Office of President of the Republic of the Philippines. Mr. President is quite a famous figure also in Japan, and I am very excited to see you in person,” pahayag ni Abe, na umani ng matinding tawanan mula sa mga nakikinig.

Gayonman, seryoso din nagpahayag ng pagdalamhati ang punong ministro sa naganap na pagbobomba sa Davao City nitong nakaraang Setyembre 2 na ikinamatay ng 14 at ikinasugat ng mahigit 60 katao.

“I would like to underscore that Japan firmly deplores the terror incident which took place in Davao the other day. I would like to take this opportunity to express my heartfelt condolen-ces for the victims and their family members and also, I’d also like to reiterate my feelings of sympathy for you,” wika ni Abe.

Nagdiriwang ng ika-60 taong pakikipagreklasyong diplomatiko ang Filipinas sa Japan, na dating sumakop sa bansa noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …