Friday , December 9 2022

State of national emergency idinepensa ng DILG

NANINIWALA si Interior and Local Government (DILG) Secretary Mike Sueno, aaksiyon na ang local government units (LGUs) kasabay nang idineklarang state of national emergency sa bansa.

Ayon kay Sueno, importante ang deklarasyon ng pangulo partikular sa lugar ng Mindanao.

Mas naging aktibo aniya ang mga alkalde sa paglaban at pagtugis laban sa Abu Sayyaf group (ASG).

Bunsod ng state of national emergency, mas nabigyan ng kapangyarihan ang DILG sa pagbabantay sa seguridad.

Ani Sueno, lagi nang naka-red alert ang mga pulisya o 24 oras nang nakaalerto sa buong bansa.

Samatala, ipinaliwanag ni Presidential Communications Office Assistant Secretary Marie Banaag, ang mga panuntunan sa pag-iral ng state of national emergency.

Aniya, limitado lamang ang isasagawang “stop and frisk situation” sa isang indibidwal lalo na kung sangkot sa kanina-hinalang gagawin.

Binigyang-diin niyang mapangangalagan ang karapatang pantao na nakasaad sa Konstitusyon.

About hataw tabloid

Check Also

Richard Ricky Recto

May tama ng bala at nangangamoy na
EX-BATANGAS GOV., NATAGPUANG PATAY, SA KANYANG BAHAY

MAY tama ng bala at nangangamoy na nang matuklasan ng anak, pulis, at mga opisyal …

knife saksak

Pera pinagtalunan ng mag-asawa
BABAE KRITIKAL, MISTER PATAY SA SARILING SAKSAK

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang isang lalaki matapos saksakin ang sarili habang sugatan ang kinakasama …

Covid-19

Sa Cagayan
154 ESTUDYANTE, GURO MAY SINTOMAS NG COVID-19 F2F CLASSES SUSPENDIDO

PANSAMANTALANG ipinassuspende ni Mayor Samuel Siddayao ng bayan ng Gattaran, sa lalawigan ng Cagayan, ang …

Riding-in-tandem

Sa San Rafael, Bulacan
1 PATAY, 1 SUGATAN SA RIDING-IN-TANDEM

DEAD ON-THE SPOT ang isang lalaking sakay ng motorsiklo habang sugatan ang kanyang angkas matapos …

Rodolfo Azurin Jr Sofronio Capitle Jr PNP

Labi ng pinaslang na pulis-Pampanga dinalaw at ginawaran ng pagpupugay

BINISITA at binigyang-pugay ni Philippine National Police (PNP) chief P/Gen. Rodolfo Azurin, Jr., ang pulis …

Leave a Reply