Monday , May 20 2024

300+ stranded OFWs baon sa utang (Pinigil sa pag-uwi)

HINDI pa makauuwi sa Filipinas ang mahigit 300 OFWs na nawalan ng trabaho sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) dahil baon sila sa utang sa isang lending company sa Jeddah.

Laking gulat ng apektadong mga OFW na makaraan maisaayos ang kanilang mga dokumento para makauwi, hinarang ang kanilang exit visa.

Sinabi ng apektadong OFWs, hindi nila alam na may utang pala sila na hindi pa nababayaran, ngunit ang pagkakaalam nila ay bayad na sila.

Kuwento ng ilan sa mga biktima, ilang mga kapwa Filipino ang nag-alok sa kanila ng pautang, ilang taon na ang nakalilipas.

Anila, naka-loan sila ng 3,000 Saudi Riyal (o mahigit P30,000) at babayaran sa loob ng anim na buwan sa maliit na halaga ng tubo. Marami aniya ang umutang dahil sa magandang alok.

Pinapirma sila ng isang dokumento na nakasulat sa wikang Arabic, at ang sabi sa kanila ng mga ahenteng Filipino, iyon ay isang kontrata bilang katibayan ng kanilang utang, kaya sila pumirma.

Ngayon lamang nila nalaman na ang pinirmahan pala nila ay kontrata para sa 10,000 SAR (o mahigit P100,000) na utang at hindi para sa 3,000 SAR.

Kabilang ang mga tubo na naipon na, aabot sa 17,000 SAR (kulang-kulang P200,000) ang balanse na hindi pa nila nababayaran.

“Nakakuha kami ng 3,000 six month to pay at may 200 SAR na tubo ngayon nakatanggap kami ng 2,800 lang pero sa katunayan n’yan ang sa akin 2013 pa ako nakatapos niyan within six months, pahayag ng OFW na si Darney Dupitas.

“Nagulat na lang ako nang mag-file ako ng exit visa at sinabing hindi ako mabigyan nito dahil nga sa utang sa probinsya ng Taif. Lumalabas na ang utang namin ay 17,000 SAR. Na-deduct sa akin at natira ay 12,000 SAR kaya nga wala kami pambayad niyan,” dagdag niya.

About hataw tabloid

Check Also

DOST 1 Champions Full-Scale Disaster Readiness Training Across all Provinces in Region 1

DOST 1 Champions Full-Scale Disaster Readiness Training Across all Provinces in Region 1

Under the leadership of Dr. Teresita A. Tabaog, Department of Science and Technology Region 1 …

FTSFI 8th Kasalan sa SM 1

SM Group unites 16 couples in mass wedding

On May 15, 2024, 16 couples exchanged vows at the 8th Kasalan sa SM, an …

Most wanted sa Laguna arestado sa manhunt ops

Most wanted sa Laguna arestado sa manhunt ops

Camp BGen Paciano Rizal – Arestado ang most wanted person ng CALABARZON sa manhunt operation …

Daniel Fernando Guiguinto, Bulacan Fire Sunog

Nasunugan sa Guiguinto
GOV. FERNANDO, NAGHATID NG TULONG SA 51 PAMILYANG BIKTIMA NG SUNOG

INIHATID ni Gobernador Daniel R. Fernando ang pinansiyal na tulong at emergency relief items sa …

Telco fraudster, timbog sa NAIA

ARESTADO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) agents sa Ninoy Aquino International Airport …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *