Saturday , May 25 2024

Patong sa Davao bombing suspects itinaas sa P3-M (Prime suspect tukoy na)

ITINAAS ni Davao City Mayor Sara Duterte sa P3 milyon ang patong sa ulo ng mga suspek sa likod ng pagpapasabog sa Davao City.

Inianunsiyo ito ng alkalde sa press conference kahapon, makaraan ilabas ng pulisya ang artist’s sketch ng pangunahing suspek sa pagsabog sa Roxas Night Market.

PRIME SUSPECT TUKOY NA

TUKOY na ng PNP ang pagkakakilanlan ng pa-ngunahing suspek na nag-iwan ng bomba sa night market sa Roxas Street sa Davao City nitong Biyernes.

Ayon kay PNP chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa, positibong natukoy ang suspek base sa testimonya ng dalawang testigong masahista.

Nakilala aniya ang suspek kahit may takip ang kanyang mukha sa pamamagitan ng pagpresenta sa mga testigo ng 20 larawan o portraits na nagpapakita ng “features” sa mukha.

Gayonman, ayaw pang pangalanan ng PNP chief ang suspek ngunit ang malinaw ay alam na ng pulisya saan maaring nagtatago.

Samantala, kinompirma ni Bato na miyembro ng isang teroristang grupo ang suspek bagama’t ayaw muna niyang banggitin ang pangalan ng grupo dahil may “ongoing operasyon” na ikinakasa ang PNP.

Naglunsad na ng manhunt operation ang PNP laban sa nasabing suspek.

About hataw tabloid

Check Also

Alice Guo Chiz Escudero

Presumption nananatili – SP Chiz Escudero 
NAG-AKUSA vs MAYOR GUO DAPAT MAGLABAS NG PRUWEBANG HINDI SIYA PINOY

HINDI si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kundi ang mga nag-aakusa sa kanya ang dapat …

Ops vs krimen umarangkada 24 suspek timbog sa Bulacan

Ops vs krimen umarangkada 24 suspek timbog sa Bulacan

NASAKOTE ang 24 inidbiduwal na sangkot sa iba’t ibang krimen at paglabag sa batas sa …

Sa Orion, Bataan BATAKAN BINAKLAS, 4 DURUGISTA TIKLO

Sa Orion, Bataan
BATAKAN BINAKLAS, 4 DURUGISTA TIKLO

WINASAK ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Police Office (BPO) sa …

2 Most wanted persons ng CALABARZON arestado

2 Most wanted persons ng CALABARZON arestado

NASAKOTE ang dalawang lalaking nakatala bilang Regional Level Most Wanted Persons sa magkahiwalay na manhunt …

Jeannie Sandoval Malabon DBP

Para palakasin ang pabahay, kalusugan, infra projects at socio-economic dev’t
MAYOR JEANNIE SANDOVAL NAKIPAG-UGNAYAN SA DBP

UPANG mapabuti ang paghahatid ng mga serbisyo sa mga Malabueño, nakipagtulungan ang pamahalaang lungsod ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *