Friday , November 15 2024

Masonry Layout

Parusa vs tamad na solon isinulong

PANAHON na para patikimin ng kastigo, suspensiyon o pagpapatalsik sa Kamara ang mga kongresistang tamad dumalo sa sesyon. Ito na ang pinakamabigat na suhestiyon ni Dasmariñas City Rep. Elpidio Barzaga sa gitna ng problema sa quorum dahil sa rami ng palaliban na mga kongresista. Ayon kay Barzaga, marami ang hindi kontento sa kanyang naunang rekomendasyon na ipatupad ang “no work, …

Read More »

NP magkakawatak-watak sa 2016 — Trillanes (3 miyembro tatakbong bise presidente)

INAMIN ni Senador Antonio Trillanes IV na malaki ang posibilidad na magkawatak-watak ang mga miyembro ng Nacionalista Party (NP) sa 2016 presidential election. Ito ay kung tutuloy sa pagtakbo sina Senador Alan Peter Cayetano, Ferdinand “Bongbong” Marcos at siya sa pagka-bise presidente sa 2016 elections. Ayon kay Trillanes, nagkasundo ang liderato ng NP na kung talagang tutuloy ang higit sa …

Read More »

Pekeng kagawad ng TF Pantalan ipinaaaresto kay Almendras

MARIING nanawagan kahapon ang isang grupo ng broker na nakabase sa Bureau of Customs (BoC) kay Task Force Pantalan Chief Rene Almendras  na aksiyonan ang sinabing pananakot at pangongotong ng ilang nagpapanggap na kanyang tauhan. Nabatid na simula nang batikusin ng ilang mamamahayag ang ilang tauhan ng naturang task force, may dalawang buwan umanong  tumigil ang operasyon sa panghuhuli. Ngunit …

Read More »

Ina nakatulog baby nahulog sa creek

LUMUTANG na walang buhay ang 6-buwan gulang na sanggol makaraan mahulog sa creek sa ilalim ng kanilang bahay nang makatulog ang ina habang nagpapadede sa Malabon City kahapon ng madaling-araw. Lumobo at nangingitim na ang katawan ng biktimang si Janica Maceda nang maiahon ng kanyang inang si Josielyn, nasa hustong gulang, residente ng 47 E. Jacinto St., Brgy. Concepcion ng …

Read More »

2 Abu Sayyaf utas sa search and destroy ops sa Sulu

PATAY ang dalawang pinaniniwalaang mga miyembro ng bandidong Abu Sayyaf sa inilunsad na search and destroy operations ng militar kahapon ng madaling araw sa mga lugar na hinihinalang pinagkukutaan ng mga bandido sa Patikul, Sulu. Ayon kay Joint Task Group Sulu commander Brig. Gen. Allan Arojado, ang inilunsad na operasyon ay karugtong sa inilunsad na operasyon noong Agosto 19 na …

Read More »

Kalaguyo ni misis tigok sa saksak ni mister

GENERAL SANTOS CITY – Selos ang maaaring motibo ng pagpatay ng isang mister sa kalaguyo ng kanyang misis. Ang biktima ay kinilalang si Arman Lino, 21, at ang suspek ay si Elias Mayungi, 24, kapwa residente ng Lamkanal, Malungon, Sarangani Province. Sa impormasyon mula sa Malungon Municipal Police, matagal nang nagdududa ang suspek na ang kanyang misis ay may iba …

Read More »

NAGSIMULA nang magtrabaho si Senator Juan Ponce Enrile sa Senado makaraan payagan ng Korte Suprema na makapagpiyansa sa kinakaharap na kasong plunder bunsod ng pork barrel scam. (JERRY SABINO)

Read More »

NAKALAWIT ng mga tauhan ni MPD-PS3 commander, Supt. Jackson Tuliao sa pangunguna ni Plaza Miranda PCP chief, Chief Insp. John Guiagui, ang tinaguriang ‘Cytotec queen’ ng Plaza Miranda na si Marissa Angelo, 35, makaraan ang buy-bust operation ng mga pulis sa Quiapo, Maynila. Nakompiska sa nasabing operasyon ang P15,000 halaga ng nasabing gamot na pampalaglag. (BRIAN BILASANO)

Read More »

BUMISITA si Singapore’s Ambassador to the Philippines Kok Li Peng sa lokal na pamahalaan ng Muntinlupa nitong Agosto 20 para sa isang bilateral talk kay Mayor Jaime Fresnedi. Pinuri ni Ambassador Kok Li Peng ang potensiyal ng lungsod sa pag-unlad at nangakong magbibigay ng tulong sa mga programang technical-vocational ng Muntinlupa. (MANNY ALCALA)

Read More »

IPINAKILALA ni Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) Chairman Virgilio Almario sina Junley Lazaga, Kristian Cordero, John Iremil Teodoro ilan sa mga awtor na may kontribusyon sa Panitikang Rehiyonal sa Paglulunsad ng Aklat ng Bayan na ginanap sa Marble Hall ng Pambansang Museo sa Padre Burgos Drive, Ermita, Maynila, kahapon (BONG SON).

Read More »

Piyansa ni Enrile sablay sa batas

HINDI nakabatay sa batas ang pagpayag ng Korte Suprema na makapagpiyansa si Sen. Juan Ponce-Enrile sa kasong plunder. Ito ang inihayag kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III sa Cebu City. Hindi aniya ikinonsidera ng Supreme Court ang mga ebidensiyang inihain laban kay Enrile na nagsasangkot sa senador sa pork barrel scam. “Importante yatang kilalanin na ‘yung sa desisyon ng Korte …

Read More »

PNoy: Hindi LP ang umaatake kay Sen. Poe

“INAAKIT namin siya tapos gagawa kami ng black propaganda?” tanong ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino sa mga mamamahayag kahapon sa Cebu. Ito’y nang tanungin si PNoy kung ano ang reaksiyon niya sa pahayag ni Senadora Grace Poe na mga kaalyado ng administrasyon ang mga nagpasimula ng mga atake laban sa kanyang pagkatao. “Parang kung saka-sakaling makuha namin siya, sasagutin namin …

Read More »

Aldub ng Eat Bulaga pinuri ng CBCP, religious groups

PINURI  ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), iba pang church group at ministry ang pinakamatagal nang noontime show sa bansa na Eat Bulaga. Ito ay  dahil sa pagbibigay-importansiya ng programa sa moral standards na maaaring mapulot ng publiko sa sikat na sikat na segment na Aldub kalyeserye. “2M tweets for Filipino marriage moral standards! @EatBulaga #KalyeSerye #ALDUBAgainstALLODDS,” tweet …

Read More »

70 porsyento ng Kongreso kabilang sa mga dinastiya

IPINAHAYAG ng executive director ng Asian Institute of Management (AIM) na mahigit 70 porsiyento ng mga halal na opisyal sa bansa ay kabilang sa mga dinastiya sa kabila ng porbisyon sa Article II Section 26 ng 1987 Constitution na nagsasabing “ginagarantiyahan ng Estado ang patas na access sa mga oportunidad para sa paglilingkod sa publiko, at ipinagbabawal ang mga dinastiyang …

Read More »

3 sugatan sa shootout sa Kyusi (9-anyos totoy nasagasaan)

TATLONG Chinese looking men, kabilang ang isang babaeng sangkot sa ilegal na droga, ang malubhang nasugatan makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng PNP Task Force Tugis kahapon ng hapon sa Quezon City. Samantala, apat na sibilyan ang nadamay, kabilang ang 9-anyos batang lalaki na nakaladkad ng sasakyang gamit ng mga suspek. Habang isinusulat ang balitang ito, ang tatlong hindi pa …

Read More »

Pagsakal kay Laude inamin ni Pemberton

INAMIN ni US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton ang pagsakal niya at pagkakapatay sa Filipino transgender na si Jeffrey Laude alyas Jennifer noong Oktubre 11, 2014. Sa kanyang pagharap sa Olongapo City Regional Trial Court (RTC) kahapon, isinalaysay ng US serviceman ang mga pangyayari bago niya napatay si Laude. Sa kuwento ni Pemberton, nagtungo siya sa mall at saka …

Read More »

2 gang members utas sa shootout sa Bulacan (1 nakatakas)

NAPATAY ang dalawang hinihinalang miyembro ng crime gang habang nakatakas ang isa nilang kasamahan makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa San Jose del Monte City kahapon. Sa ulat ni Supt. Charlie Cabradilla, hepe ng SJDM City police, kay Bulacan Police director, Sr.Supt. Ferdinand Divina, ang mga napatay ay kinilalang sina Apolinario Bonifacio alyas Apolo; at Victorio Hosmillo, kapwa residente ng …

Read More »

Patay kay Ineng umakyat na sa 17

UMAKYAT na sa 17 ang kompirmadong namatay dahil sa bagyong Ineng, bagyong may international name na Goni. Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nagmula ang mga biktima sa Mountain Province, Abra, Benguet, La Union at Ilocos Norte. Habang 17 rin ang naitalang nasugatan at 14 ang hindi pa natatagpuan. Umabot sa 16,499 pamilya o …

Read More »

Buong Ilocos walang koryente, NGCP tower nasira

VIGAN CITY – Walang koryente ang halos buong probinsya ng Ilocos Sur at Ilocos Norte makaraan ang pananalasa ng bagyong Ineng. Ayon kay Lilibeth P. Gaydowen, spokesperson ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)- Northern Philippines, natumba ang kanilang tower sa Nagtupacan, bayan ng Sta. Maria. Sinabi ni Gaydowen, nahihirapan ang kanilang linemen na pasukin ang lugar dahil sa …

Read More »

JPE balik na sa trabaho sa Senado

BUMALIK na sa trabaho sa Senado si Senador Juan Ponce Enrile makaraan payagan ng Korte Suprema na makapagpiyansa sa kinakaharap na kasong plunder kaugnay sa pork barrel scam. Si Enrile ay pansamantalang pinalaya mula sa hospital arrest sa Philippine National Police General Hospital makaraan maglagak ng P1 milyong piyansa. Dakong 2 p.m. kahapon nang dumating si Enrile sa kanyang tanggapan …

Read More »

Sanggol, paslit patay 1 missing kay Ineng (Bahay sa Zambales tinangay ng baha )

SUBIC, ZAMBALES – Isang sanggol at 2-anyos magkapatid ang namatay habang ang isa ay nawawala, tatlo ang sugatan nang matangay nang rumaragasang baha ang bahay ng isang pamilya sa bayang ito sa kasagsagan ng bagyong Ineng. Ayon sa report ni Subic Police chief, C/Insp. Leonardo Madrid, ang mga biktimang namatay ay kinilalang si Regienyr Quintero, 9 buwan gulang; Rian Layn …

Read More »

House arrest kay CGMA tinutulan ni Aquino

TUTOL si Pangulong Benigno Aquino III na isailalim sa house arrest si dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo. “Aano ba ang value, dadalhin siya sa bahay? Ilalayo mo doon sa pagamutan. Kung ang dahilan nga nasa pagamutan siya dahil may isyu siya sa kalusugan. So anong magagawa roon sa bahay na hindi magagawa ng hospital? Bakit ilalayo mo …

Read More »

Laborer nakoryente sa ginagawang fly-over sa NAIA

ISINUGOD sa pagamutan ang isang pump crate operator makaraan makoryente sa itinatayong flyover ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA Project) sa Pasay City kahapon. Mula sa Villamor Air Base Hospital, inilipat sa San Juan de Dios Hospital ang biktimang si Raffy Ugalino, 27, may asawa, kawani ng DMCI Construction Corporation, at nakatira sa Palar Compound, Makati City, dumanas ng 3rd …

Read More »

Libanan natigok sa selda

PATAY na nang matagpuan ang isang presong nahaharap sa patong-patong na kaso, sa loob ng selda kahapon ng umaga sa Malabon City. Kinilala ang biktimang si Melvin Libanan, alyas Bornok, 30, ng Phase 1B, Pabahay, Muzon, San Jose Del Monte, Bulacan, nahaharap sa mga kasong tresspass to dwelling, malicious mischief at attempted homicide. Kasalukuyang sumasailalim sa awtopsiya sa Philippine National …

Read More »