Saturday , November 2 2024

‘Pinas, hindi magmamakaawa sa ayuda ng US at EU — PDP Laban

NANINIWALA si PDP Laban National Capitol Region Policy Group head at Membership Committee NCR chairman Jose Antonio Goitia na makakakaya ng Filipinas kahit alisin ng United States at European Union ang kanilang multi-lateral assistance sa bansa kung tutol sila sa kasalukuyang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa krimen at ilegal na droga.

“Buo ang pananalig ng PDP Laban na makatitindig sa sariling paa ang mga Filipino at hindi tayo masyadong maaapektohan kapag nawala ang ayuda ng ibang bansa,” diin ni Goitia. “Mananatiling malusog ang ating ekonomiya tulad ng naganap nang hindi i-renew ng ating bansa sa pa-mamagitan ng Senado ang US Bases Treaty noong 1991.”

Nilinaw ni Goitia na mas-yado tayong tinakot ng mga negosyante at politiko noon na kumiling sa US na maghihirap ang mga mamamayan partikular ng Subic Bay Naval Station at Clark Airfield at Filipinas sa kabuuan kapag inalis ang mga baseng Amerikano pero ang Subic at Clark ay magandang halimbawa ngayon ng pag-unlad sa ekonomiya at transpormasyon.

“Mula sa pagiging palaasa sa kita mula sa tropang US sa red light districts, naging sentro ang Subic at Clark ng progresibong klima sa pagnenegos-yo at nakatitiyak tayo ng sapat na suplay sa skilled labor at infrastructure support para sa world-class harbor at dry docking facilities gayondin sa international airport,” ani Goitia na pangulo rin ng San Juan City PDP Laban.

Idinagdag niya na malaki ang naiambag ng mga naitatag na foreign-owned ship-building, construction, export-oriented manufacturing at whole sale companies sa lokal na ekonomiya at empleo ng mga mamamayan sa nalikhang mga trabaho at oportunidad sa negosyo ng mga investor.

“Naniniwala ang Pangulo sa self-reliance at handang mag-explore ng posibilidad sa sosyo-ekonomiko, politika at kultura at  kasunduang militar sa ibang dayuhang bansa maliban sa US at EU,” sabi ni Goitia.

“Handa siyang bumili ng sandata sa Russia at China matapos mabigo ang US na pagkalooban tayo ng ating pangangailangan sa depensa at seguridad kahit ipinangangalandakan ng State Department na may ‘iron-clad’ commitment sila sa atin.

Idinagdag ni Goitia na kung magaganap ito, patutunayan lamang ni Duterte na handa siyang isulong ang pinakamabuti para sa sambayanang Filipino.

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *