TINANGGAP na ni dating pangulong Fidel V. Ramos ang katungkulan bilang special envoy na makikipag-usap sa China kaugnay ng isyu sa West Philippine Sea. Ito’y makaraan ilabas ang ruling ng Permanent Court of Arbitration na pumapabor sa posisyon ng ating bansa. Ginawa ni Ramos ang pagkompirma, makaraan silang mag-usap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao nitong weekend. Sa nasabing pulong, …
Read More »Masonry Layout
Mapayapang rally pangako ng leftist sa SONA ni Digong
MISMONG si Pangulong Rodrigo Duterte sinasabing ang nagbigay permiso sa mga ‘leftist’ na magkaroon nang rally sa labas ng House of Representatives ngayong araw kasabay ng kanyang unang State of the Nation Address. Ayon kay Renato Reyes Jr., secretary general ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), kompara sa mga nakaraang pangulo ng bansa, “very open”si Duterte dahil sa pagpahintulot sa kanila …
Read More »CGMA magpapagamot sa ibang bansa
INIHAHANDA na ng kampo ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang mga kinakailangan para makapagpagamot siya sa ibang bansa. Ayon kay Atty. Raul Lambino, tagapagsalita ni Arroyo, mas mapadadali ang pagbiyahe ng dating pangulo dahil hindi na ngayon kailangan ang ano mang ‘clearance’ mula sa hukuman. Ngunit nakadepende pa aniya ito sa magiging resulta ng preliminary test na isinagawa sa Pampanga …
Read More »Tambak na droga, gadgets narekober sa Bilibid raid
TAMBAK na droga, appliances at deadly weapons muli ang narekober sa panibagong ‘Oplan Galugad’ ng Special Action Force (SAF) sa New Bilibid Prisons (NBP) kamakalawa. Ito ang ikalawang pagsalakay ng SAF mula nang italaga silang kapalit ng mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) noong unang bahagi ng Hulyo. Ayon sa ulat ng mga awtoridad, dose-dosenang cellphone, television, electric fan, …
Read More »2 kidnaper todas sa shootout (Biktima nakatakas)
PATAY ang dalawang lalaki nang makipagbarilan sa mga pulis makaraan tangkang dukutin ang isang babae sa isang banko sa Mandaluyong City kamakalawa ng gabi. Sa ulat ng pulisya, dakong 11:00 pm tinangka ng mga suspek na dukutin ang isang babae sa isang banko sa Bonifacio Avenue ngunit nakatakbo ang biktima at nakapagsumbong sa traffice enforcers. Agad itinawag ng traffice enforcers …
Read More »Coed nag-selfie sa jeepney nadale
ZAMBOANGA CITY – Sugatan ang isang 18-anyos dalagita nang mahulog mula sa sinasakyang pampasaherong jeepney habang nasa kalagitnaan ng kanyang pagse-selfie sa highway ng Brgy. Upper Calarian sa Zamboanga City kamakalawa. Kinilala ni Senior Inspector Hingming Ladjaali, hepe ng Zamboanga City police station 8, ang biktimang si Dorothy Tubal, nag-aaral sa isang kilalang pribadong unibersidad sa lungsod. Ayon sa opisyal, …
Read More »3 patay, 3 timbog sa anti-drug ops sa Rizal
TATLO ang patay habang tatlo ang naaresto sa isinagawang anti-drug operations ng mga pulis nsa Cainta, Rizal nitong Linggo. Kinilala ni Supt. Marlon Gnilo, hepe ng Cainta Police Station, ang isa sa tatlong napatay na si Navy reservist Jojo Parado, residente ng Sitio Bagong Silang, Brgy. San Juan. Ayon kay Supt. Gnilo, patungo ang mga pulis na armado ng search …
Read More »Grand Lotto jackpot papalo na sa P250-M
POSIBLENG pumalo na sa P250 milyon sa susunod na draw ang jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto. Ito’y dahil wala pa ring nakasungkit ng pot money para sa nasabing lottery game nitong weekend. Lumabas ang number combination na 37-34-19-08-26-25, may may nakalaang P245,012,452.00 bilang premyo. Samantala, sa 6/42 Lotto ay wala ring nakapag-uwi ng jackpot prize. Lumitaw ang number combination …
Read More »Sanggol ini-hostage, suspek arestado
ARESTADO sa mga pulis ang isang lalaking nang-hostage ng 11 buwan gulang na sanggol sa Sta. Cruz, Maynila nitong Sabado ng hapon. Kuwento ni Annalyn Encinares, bandang 3:30 pm nang mapansin ng kanyang ina ang suspek na si Jamel Balacuit habang nakatayo sa labas ng kanilang pintuan. Ilang sandali pa, pumasok aniya ang 20-anyos suspek sa loob ng kanilang bahay …
Read More »Panibagong rollback ipatutupad
TINIYAK ng oil industry sources ang panibagong rollback sa halaga ng mga produktong petrolyo. Maglalaro sa 35 hanggang 45 sentimos kada litro ang inaasahang pagbaba sa halaga ng diesel. Habang nasa 20 hanggang 30 ang magiging price reduction sa kerosene o gaas. Habang 10 sentimos lamang ang maaaring ibaba sa presyo ng gasolina. Ang rollback ay resulta nang paggalaw ng …
Read More »Army major isasalang sa court martial (Tiklo sa anti-drug ops)
INIIMBESTIGAHAN ng pamunan ng Philippine Army ang isa sa kanilang opisyal kaugnay sa pagkakasangkot sa illegal drug trade makaraan mahuli kasama ang kanyang asawa sa loob mismo ng kanilang bahay nang salakayin ng mga operatiba ng PNP at PDEA kamakalawa sa Cagayan de Oro City. Kinilala ang naarestong opisyal na si Maj. Suharto Tambidan Macabuat, 40, at miyembro ng Philippine …
Read More »School registrar kinatay ng akyat-bahay
PATAY ang isang ginang makaraan pasukin at pagsasaksakin ng hinihinalang miyembro ng akyat-bahay sa Caloocan City kahapon ng umaga. Kinilala ang biktimang si Pinky Joy Nerona, 35, school registrar at residente ng 361 Tomas St., Brgy. 162, Sta. Quiteria ng nasabing lungsod. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakilanlan ng suspek. Ayon sa ulat, dakong 6:20 am …
Read More »LPA namataan sa silangan ng Aurora – Pagasa
MAGDUDULOT ng ulan sa lalawigan ng Aurora at mga karatig na lugar ang namataang low pressure area (LPA). Huli itong natukoy sa layong 320 km silangan ng Baler, Aurora. Ayon sa Pagasa, bagama’t malabo na itong maging bagyo, maaari pa rin nitong palakasin ang hanging habagat na maghahatid ng ulan sa kanlurang parte ng Luzon at Visayas. Babala ng weather …
Read More »1 patay, 2 sugatan sa truck vs trike sa La Union
LA UNION – Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang pasahero habang dalawa ang sugatan sa banggaan ng truck at tricycle sa national highway ng Brgy. Tubod, Sto. Tomas, La Union kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Winifredo Garcia, habang ang mga sugatan ay sina Julius Peralta, 23, at Edison Peralta, 25, ng Brgy. Fernando sa naturang bayan. Base …
Read More »2 Bangladeshi, 2 pa arestado sa pagnanakaw sa kababayan
ARESTADO ang dalawang Bangladeshi nationals at dalawang iba pa sa Pasay City nitong Sabado makaraan ireklamo ng pagnanakaw nang mahigit P15-milyon halaga ng mga damit mula sa mga kapwa Bangladeshi. Kinilala ang mga suspek na sina Mohamad Anowar Hossain, Kamal Hossan, Lawrence Anthony Daliscon, anti-illegal drugs agent, at Jelyn Paraquirre. Idinawit din ng mga nagrereklamo ang mga suspek sa mga …
Read More »PAL nasunog sa ere
NAPILITANG bumalik sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang Philippine Airlines flight na patundong London, ilang saglit makaraan mag-take off nitong Biyernes dahil sa ‘electronically detected’ na apoy at usok. Sinabi ni Engineer Octavio Lina, Manila International Airport Authority assistant general manager, ang PAL flight PR 720 patungong Heathrow Airport ay lumipad dakong 1:59 pm lulan ang 170 pasahero kabilang …
Read More »Drug users sa PH, 1.8-M na — DDB
UMABOT na sa 1.8 milyon ang drug users ngayon sa bansa. Base sa datus ng Dangerous Drug Board (DDB), ang bilang ay nagpapatunay na talagang malubha na ang problema ng droga sa bansa. Ayon kay DDB vice chairman Rommel Garcia, ang nasabing bilang ay hindi lamang kinabibilangan ng drug dependents o tinatawag na addicts kundi gayondin ng mga nagsasagawa ng …
Read More »Drug lords nasa labas ng PH — Duterte (Kaya napapatay small time lang)
TODO paliwanag si Pangulong Rodrigo Duterte lung bakit pawang “maliliit na isda” o small-time ang mga napapatay sa maigting na operasyon laban sa ilegal na droga. Ginawa ni Duterte ang pahayag nang marami ang nagtatanong kung nasaan na raw ang “big-time drug lords” at bakit mga mahihirap na pusher lamang ang naitutumba. Sinabi ni Duterte, hindi basta-basta kayang abutin ang …
Read More »Palasyo OK sa probe vs De Lima sa NBP drugs
SINUSUPORTAHAN ng Malacañang ang panukalang imbestigahan ng Kongreso si Sen. Leila de Lima na dating justice secretary at may hurisdiksyon sa Bureau of Corrections (BuCor). Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, sa ilalim ng panunungkulan ni De Lima bilang justice secretary, dumami ang mga sangkot sa ilegal na droga at mga nagluluto ng shabu sa loob ng New …
Read More »Laglag-bala magwawakas na — MIAA
TIYAK mawawala na ang problema sa laglag-bala sa mga paliparan kapag nasa kontrol na ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang Office for Transportation Security (OTS) Screeners. Sinabi ni MIAA General Manager Ed Monreal, ang nasabing kautusan ay mula rin kay Pangulong Rodrigo Duterte para matapos na ang nasabing problema. Dagdag niya, ang nasabing hakbang ay para matigil na ang …
Read More »Mag-utol niratrat 1 patay, 1 sugatan
PATAY ang isang lalaki habang sugatan ang isa pang biktima sa magkapatid na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga makaraan pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang mga suspek sa labas ng kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Caloocan City. Hindi na umabot nang buhay sa Manila Central University (MCU) Hospital ang biktimang si Arthur Tabaquero, 43, ng Alaska St., Brgy. 151, …
Read More »Arestadong ex-mayor, army major, Mindanao drug lords?
CAGAYAN DE ROO CITY – Arestado ang mag-asawa na kinabibilangan ng dating town mayor at aktibong army official sa inilunsad na court search warrant sa Brgy. Kauswagan, Cagayan de Oro City kamakalawa. Kinompirma ni PDEA agent Ben Calibre ang pag-aresto sa suspek na si dating Maguing Mayor Johayra Bagumbung Macabuat alyas Marimar na tinaguriang bigtime drug lord sa Mindanao. Arestado …
Read More »Mister pinatay, misis niluray ng 3 armado
TACLOBAN CITY – Patay ang isang mister makaraan barilin ng tatlong lalaki at pagkaraan ay halinhinang ginahasa ang kanyang misis sa Sitio Cag-Anibong, Brgy. Bagacay sa Palapag, Northern Samar kamakalawa. Kinilala ang biktimang pinatay na si Edito Lucindo, 31, residente ng nasabing lugar. Ayon kay Senior Insp. Joseph Aquino Quelitano, hepe ng Palapag Municipal Police Station, tumatawid ang mag-asawa sa …
Read More »Sanggol, bata patay sa meningo sa Davao City
DAVAO CITY – Pinaalahanan ng Department of Health (DoH-11) ang mamamayan makaraan dalawang bata ang namatay dahil sa meningococcemia sa Southern Philipines Medical Center (SPMC). Base sa record galing sa Infection Prevention ang Control Unit ng SPMC, taga-Davao City ang 5-buwan gulang sanggol habang galing sa Brgy. Tres De Mayo, Digos City ang 8-anyos bata. Napag-alaman, hindi umabot ng 24 …
Read More »Paris Deal hadlang sa PH industrialization — Duterte
TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte, sisimulan na ang industriyalisasyon ng Filipinas para mapaunlad ang ekonomiya. Sinabi ni Pangulong Duterte, bahagi ito ng kanyang pangako sa taongbayan bukod sa pagbabalik ng kaayusan sa mga lansangan at pagkamit ng kapayapaan. Kaya naninindigan si Pangulong Duterte sa kanyang posisyon laban sa nilagdaang Paris Climate Agreement na nagsusulong ng pagpapababa sa carbon emission. Ayon …
Read More »