HUMINGI ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa Jewish community kaugnay ng kanyang kontrobersiyal na pahayag hinggil sa Nazi leader na si Adolf Hitler. Sinabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng ika-37 taon na pagdiriwang ng Masskara Festival sa Bacolod, ang mga tao mismo ang nagsabi noon na mamamatay-tao siya at inihalintulad pa siya kay Hitler kaya’t sinabi …
Read More »Masonry Layout
Current BF ng ex ng 2 drug lords ‘nilinis’ ng PNP
CEBU CITY – Inilinaw ng pulisya, hindi sangkot sa illegal drugs ang bagong kasintahan ni Analou Llaguno na kasabay niya nang mangyari ang pananambang. Ayon kay Cebu City Police Office-City Intelligence Branch head, Chief Insp. Jude Naveda, wala sa listahan si Joseph Romarate batay sa intelligence report. Kinompirma ni Naveda, ang napatay na si Analou ay nasangkot sa illegal drug …
Read More »Gen. Bato magbibitiw (Kapag nabigo sa giyera vs droga)
HANDANG magbitiw si PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa sa kanyang puwesto kung hindi magtatagumpay ang kanilang anti-illegal drug campaign. Ginawa ni Dela Rosa ang pahayag nang bisitahin ang Ilocos Norte Police Provincial Office. Sa talumpati niya sa kanyang mga tauhan, sinabi ng PNP chief, seryoso ang PNP sa kanilang kampanya lalo sa ilegal na droga at kriminalidad. Binigyang-diin …
Read More »Sen. Miriam prinsesa ng Filipino
“She was a princess for Filipinos.” Ito ang paglalarawan ni Bishop Emeritus Ted Bacani sa namayapang senadora na si Miriam Defensor Santiago . Ayon kay Bishop Bacani, ang ibig sabihin ng “Miriam” ay princess, prinsesa. Hindi man aniya siya prinsesa ng geographic location siya ay prinsesa sa puso ng mga Filipino. “No one can deny this: That in this imperfect …
Read More »3 Indonesian pinalaya ng Abu Sayyaf
PINALAYA ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) kahapon ang bihag nilang tatlo pang Indonesians sa lalawigan ng Sulu. Si MNLF Chairman Nur Misuari ang nanguna sa pag-recover sa mga bihag. Bago magtanghali kahapon, na-turn over na kay Sulu Governor Totoh Tan ang naturang mga bihag na sina Edi Suryono, Ferry Arfin, Muhamad Mabrur Dahri. Sinabi ni Presidential Adviser on the …
Read More »Bala para sa dyowa sinalo, helper kritikal
KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 17-anyos canteen helper makaraan tamaan ng bala ng baril na ipinaputok ng isang lasing na lalaki na kaaway ng kanyang live-in partner kahapon ng madaling-araw sa Port Area, Maynila. Nilalapatan ng lunas sa Gat Andres Bonifacio Medical Center ang biktimang si Robelyn Canda, residente ng Block 1, Dubai, Baseco Compound, Port Area, tinamaan …
Read More »3 patay, 1 arestado sa drug ops sa Maynila
PATAY ang tatlo katao habang isa ang arestado sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation sa lungsod ng Maynila kamakalawa ng gabi. Sa imbestigasyon ni SPO3 Milbert Balinggan ng Manila Police District (MPD) – Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 8:10 pm nang mapatay ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Marlon Batuyong, 45, at Reagan dela Cruz, 25, …
Read More »Top 1 shabu pusher, 26 pa tiklo sa QC
NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang top 1 sa drug watchlist ng Masambong Police Station 2 at 26 pang adik sa isinagawang drug bust operation sa Brgy. Sta. Cruz, Quezon City kahapon. Sa ulat kay QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang nadakip na top 1 shabu pusher na si Monica Delasan, …
Read More »Pusher utas sa shootout, 2 nakatakas
PATAY ang isang drug pusher habang nakatakas ang dalawa niyang kasamahan makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Batasan Hills Police Station 6 kahapon ng madaling araw. Ayon sa ulat, ang suspek na si Bunot Panotes ng Phase 3, Lupang Pangako, Brgy. Payatas B ng nasabing lungsod, ay napatay makaraan makipagbarilan sa mga tauhan ng PS …
Read More »Ang Bud Dajo Masacre 1906
NOONG 7 Marso 1906, nasa 1000 Filipinong Muslim o Moro ang pinaslang ng mga sundalong Amerikano sa pamumuno ni Mayor-Heneral Leonard Wood. Ang mga Moro ay naninirahan sa Bud Dajo, isang volcanic crater sa Isla ng Jolo sa Katimugang Pilipinas, bilang mga refugee. Ang Unang Digmaan ng Bud Dajo, na tinatawag ding Ang Massacre sa Bud Dajo, ay isang pag-atakeng …
Read More »Paglaganap ng illegal na sugal at prostitusyon bubusisiin sa Konseho
NAIHAIN na ang resolus-yon ng isang grupo ng konsehal sa Maynila na naglalayong magsagawa ng imbestigasyon ukol sa paglaganap ng ilegal na sugal at prostitusyon sa lungsod. Sa ilalim ng titulong ‘A resolution seeking to conduct an investigation on the proliferation of illegal gambling operation (sic) and prostitution in the city of Manila,’ ang nasabing hakbang ay ginawa matapos maiulat …
Read More »3rd narco-list ni Duterte ilalabas na
INIHAYAG ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, ang pangatlong “more credible” narco-list ni President Rodrigo Duterte ay maaaring isapubliko sa linggong ito. “Hopefully magiging credible ‘yan. This week baka ilabas na ‘yan kasi meron kaming Cabinet meeting on October 3 (Monday),” pahayag ni Aguirre. Ang “narco-list” ni Pangulong Duterte ay binalot nang pagdududa makaraan aminin ang “lapses” sa pagsasangkot kay …
Read More »Drug war ni Digong suportado ng EU
SA kabila ng “verbal attack” ni Pangulong Rodrigo Duterte sa European Union (EU), patuloy na susuportahan ng politico-economic union ang kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga. Ayon kay EU Ambassador Franz Jessen, katunayan dito ang patuloy nilang pakikipag-ugnayan sa Department of Health (DoH) para pag-usapan ang paglaban sa drug abuse sa bansa. Nagbigay na rin aniya ang Union …
Read More »3 drug lords sa Bilibid riot ililipat sa gov’t hospital
PLANO ng Bureau of Corrections (BuCor) na ilipat sa government hospital ang tatlong high-profile inmates na nasugatan sa naganap na riot sa Building 14 ng New Bilibid Prison (NBP). Kasalukuyang naka-confine sa Medical Center Muntinlupa (MCM) ang mga inmate na sina Jaybee Sebastian, Peter Co at Vicente Sy. Una nang sinabi ng MCM, posibleng magtagal nang limang araw ang mga …
Read More »Surigao Norte niyanig ng 4.6 magnitude quake
BUTUAN CITY – Nakaranas ng intensity IV ang lungsod ng Surigao sa tumamang 4.6 magnitude na lindol dakong 6:22 am kahapon. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs), ang nasabing lindol ay nasa 11 kilometro ng Malimuno, Surigao Del Norte na tectonic ang origin at may lalim na 14 kilometro. Kasama sa may itinaas na Intensity IV ang …
Read More »Young Actor, nabulgar ang pagiging receptionist sa isang gay bar
LUMANTAD ang larawan ng isang guwapong young actor kasama ang manager ng isang gay bar sa social media. Nabulgar na rati palang receptionist doon ang bagets bago siya sumali sa isang reality contest. Aminin kaya ng young actor na graduate siya ng gay bar ‘pag may nagtanong bago magkaroon ng career sa showbiz? Nagsimula raw ito sa hip-hop dance group …
Read More »4 inmates sa NBP riot inilipat sa Crame
INILIPAT na sa Philippine National Police (PNP) headquarters kahapon ang apat high-profile inmates na sangkot sa pananaksak sa Building 14 ng New Bilibid Prison (NBP). Sinabi ni Bureau of Corrections chief Rolando Asuncion, ang convoy na naghatid kina dating Chief Inspector Clarence Dongail, Tomas Doniña, Edgar Cinco at Ruben Tiu, ay umalis ng NBP compound sa Muntinlupa City dakong 8:30 …
Read More »Ex ng 2 top drug lords Itinumba sa Cebu
CEBU CITY – Pinagbabaril nitong Biyernes ng tatlong hindi nakilalang suspek ang dating misis ng suspected drug lord at puganteng si Kerwin Espinosa, na naging live-in partner din ng isa pang napatay na drug lord na si Jeffrey “Jaguar” Diaz sa Las Piñas City. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, si Annalou Llaguno, 30, ay nakaangkas sa motorsiklo ng kanyang …
Read More »Tanod patay, 10 sugatan sa gumuhong pumping station
PATAY ang isang barangay tanod habang sampu ang nasugatan nang gumuho ang platform ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Balete Flood Control Pumping Station sa Ermita, Maynila kahapon ng umaga. Ayon kay Johnny Yu, hepe ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Council, ang biktimang si Alfredo Quijano, nasa hustong gulang, barangay tanod ng Brgy. 664, Zone 71, ay namatay …
Read More »Elitista hinimok lumahok sa drug war
HINIKAYAT ng Palasyo ang mga “elitista” na ibahagi ang mga biyaya ng de-kalidad nilang edukasyon sa pagtulong sa gobyerno na isalba ang mga maralitang pamayanan sa prehuwisyo ng ilegal na droga. Ito ang pahayag ni Communications Secretary Martin Andanar sa idineklarang Black Sunday ng Ateneo de Manila University (AdMU) at De La Salle University (DLSU) o ang panawagan na magsuot …
Read More »TRO pipigil sa sex video ni De Lima sa Kamara
MAY solusyon pa si Senator Leila de Lima para mapigilan ang pagpapalabas ng sinasabing sex video niya at ng dating driver/lover sa isinasagawang imbestigasyon sa paglaganap ng ilegal na droga sa loob ng New Bilibid Prison (NBP). Hinikayat ni Atty. Nelson Borja ang senadora na lumapit sa Korte Suprema at humingi ng TRO para hindi matuloy ang plano ng ilang …
Read More »Amerika BFF pa rin ng PH (Kahit binibira ni Digong)
NANANATILING malakas at importante ang relasyon ng Filipinas at Amerika sa kabila ng mga komentaryo ni Pangulong Rodrigo Duterte laban kay Uncle Sam. Ito ang tiniyak kahapon ni US Department of State Deputy Spokesperson Mark Toner sa press briefing sa Washington DC. Sa antas aniya ng government-to-government ay patuloy ang produktibo, konstruktibo, at malapit na pagtutulungan ng US at Filipinas …
Read More »Protocol itatakda sa imbestigasyon ng EJK sa ‘Pinas
SA sandaling nalinaw na ang susunod na magiging hakbang, alin man kung magpapadala ng imbitasyon ang DFA o Malacañang, kapag na-transmit na ito saka sisimulan ang consultation process, ayon kay foreign affairs assistant secretary at spokesperson Charles Jose ukol sa isasagawang imbestigasyon sa sinasabing mga extrajudicial killing (EJK) sa bansa. Wala umanong specific date kung kalian dadalaw ang mga kinatawan …
Read More »Huwag makialam sa aming drug war (Babala sa UN at EU) — Yasay
PINAALALAHANAN ni foreign affairs secretary Perfecto Yasay ang United Nations (UN) na mayroong mandato si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa sambayanang Pilipino at ang daidig ay hindi dapat na ‘makialam’ sa kampanya nito laban sa krimen. Sa taunang U.N. General Assembly, sinabi ng kalihim na ang pamahalaang Duterte ay “determinadong palayain ang bansa mula sa korapsyon at iba pang masasamang …
Read More »‘Wag makinig sa human rights sa war on drugs (Payo ni Duterte sa PNP)
PINAYUHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis na huwag makikinig sa human rights (groups) sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Sinabi ni Pangulong Duterte, ang human rights ay palagi namang kontra o anti-thesis ng gobyerno. Ayon kay Pangulong Duterte, hindi nag-iimbestiga ang Human Rights Commission (CHR) kung pulis ang namamatay kahit araw-araw pa. Kanyang tinitiyak na siya ang bahala …
Read More »