Saturday , June 22 2024
dead gun police

Brgy. Ex-O ng Malabon, 2 pa inambus sa Maynila driver patay (Kaanak ng Spring Oil owner)

TINAMBANGAN ng apat na hindi kilalang mga suspek ang isang barangay executive ng Malabon na aktibo sa kampanaya kontra droga, kasama ang dalawa pa habang lulan ng sasakyan sa Tondo, Maynila.

Masuwerteng nakaligtas sa tiyak na kamatayan sina Harold ”Chime” Padilla, 40, Brgy. Ex-O ng Malabon, at pamangkin ng sikat na shooter na si Tac Padilla, at kanyang asawa na si Irene Padilla, makaraang tambangan ng mga suspek.

Agad binawian ng buhay sa insidente ang kanilang driver na si Christopher Roloque, 43, residente sa San Agustin, Malabon City, bunsod ng mga tama ng bala.

Ayon sa MPD Station 7, naganap ang insidente dakong 9:55 ng umaga habang lulan ang tatlo ng isang brown Toyota Innova (WSI 371).

Pagsapit ng kanilang sasakyan sa New Antipolo at Solis streets, bigla silang pinagbabaril ng mga suspek.

Nabatid na si Ha­rold, bilang isang Brgy Ex-O, ay aktibo sa kampanya kontra droga sa kanilang barangay, na barangay chairman ang tiyuhin na si Tac Padilla.

Si Harold ay nagmula sa mampluwensiyang pamilya na nagmamay-ari ng Spring Oil sa Malabon.

Puspusan ang imbestigasyon ni Det. Bernard Cayabyab ng MPD-Homicide Section, upang mabatid ang motibo at matukoy ang mga suspek sa pamamaril. (BRIAN GEM BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Two DOST Region 02 Women Earn Certification as CagVal RPGRPs 1

Two DOST Region 02 Women Earn Certification as CagVal RPGRPs

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 is proud to announce that two …

SM Fire Volunteers 1

BFP, DILG, and SM Prime empower communities through 1st fire volunteers assembly

In a demonstration of its commitment to community safety, the Bureau of Fire Protection (BFP) …

shabu drug arrest

2 tulak, laglag sa buybust

SA SELDA bumagsak ng dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos mahuli ng pulisya …

knife saksak

Sinaksak ni Tibo
WAREHOUSE STAFF, SUGATAN

GRABENG nasugatan ang isang warehouse staff matapos saksakin ng kapitbahay na babae na kanyang nakatalo …

dead gun police

Robbery suspect patay 2 pulis grabeng sugatan

PATAY ang isang robbery suspect habang dalawang pulis ang sugatan sa isang enkuwentro sa lungsod …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *