Friday , June 2 2023
shabu drug arrest

4 tiklo sa anti-drug ops sa Puerto Princesa

PUERTO PRINCESA CITY – Nadakip ang apat lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Sicsican, nitong Biyernes ng madaling-araw.

Kinilala ang mga arestado na sina Anthony Demirin, 28; Emil Ferrer, 46; Pablito Vellarde, 65; at Richardo Asuncion, 54-anyos.

Ayon sa mga tauhan ng Anti-Crime Task Force, matagal na nilang tinutugis si Demirin. Ang tatlong iba pang nadakip ay umaming katatapos umanong gumamit ng droga sa bahay ni Demerin sa Purok Ranchero.

Nakabili ang poseur-buyer sa suspek ng isang sachet ng hinihinalang shabu habang dalawa pang sachet ang nakuha sa kanyang pag-iingat.

Kabilang din sa nakompiska ang marked money na ginamit sa transaksiyon at iba pang drug paraphernalia.

Ang mga suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

About hataw tabloid

Check Also

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

NAKUMPISKA ng magkasanib na mga operatiba na pinangunahan ng Bureau of Customs ang mga pinaghihinalaang …

arrest, posas, fingerprints

2 estapador tiklo sa oplan pagtugis ng CIDG

Dalawang indibiduwal na sangkot sa paglabag sa BP 22 ang naaresto sa Oplan Pagtugis na …

Cellphone sumabog, rider kritikal

Cellphone sumabog, rider kritikal

Nasa kritikal na kundisyon ngayon ang isang delivery rider sa San Jose Del Monte City, …

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *