Saturday , November 16 2024

Masonry Layout

Solons desmayado sa absuwelto kay Napoles

DESMAYADO ang mga mambabatas sa pagpapawalang sala ng Court of Appeals kay pork barrel queen Janet Lim Napoles, sa kasong serious illegal detention. Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, dapat magbantay at sabayan ng protesta ng taong-bayan ang mga nakapanlulumong pangyayaring ito. Para kay Akbayan Party List Rep. Tom Villarin, nasasaksihan na ngayon ang pagsisimula nang pagpapawalang-sala sa …

Read More »

Gen. Bato nag-sorry sa Quiapo blasts

NAGPAHAYAG ng kalungkutan si PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay sa naganap na pagsabog sa Quiapo. “We are very sorry… Nalusutan tayo,” pahayag ni dela Rosa sa press conference makaraan ang PNP flag-raising ceremony kahapon. Naganap ang dalawang magkasunod na pagsabog sa Quiapo, Maynila nitong Sabado, ikinamatay ng dalawa katao, kinilala ang isa na si Mohamad Bainga …

Read More »

Intel officers magpaliwanag (Sa Quiapo blasts) — Pimentel

PINAGPAPALIWA-NAG ni Senate President Koko Pimentel ang intelligence community ng pamahalaan kung bakit nalampasan o nalusutan  sila ng dalawang magkasunod na pagpapasabog sa Quiapo, Maynila, na ikinamatay ng dalawa katao. Kabilang sa mga nais na magpaliwanag ni Pimentel ay Armed Forces of the Philipiines (AFP), Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), at iba pang intelligence agency ng …

Read More »

Bomb sender sa Quiapo tukoy na

INIHAYAG ng mga imbestigador, batid na nila ang pagkakakilanlan ng taong nagpadala ng bomba sa courier service para ihatid sa Quiapo, Maynila, na ikinamatay ng dalawa katao nitong Sabado. “Mayroon po tayong iniimbestigahan diyan. Of course, mayroon pong log iyan, at ‘yan ang iniimbestigahan natin,” pahayag ni Director Oscar Albayalde, hepe ng National Capital Police Regional Police Office. Ayon kay …

Read More »

Suspek sa april 28 Quiapo blast hawak na ng PNP

HAWAK na ng pulisya ang isa sa mga suspek sa pagsabog sa Quiapo, Maynila, noong 28 Abril. Iniharap sa media ng Manila Police District ang suspek na si Abel Maca-raya, sinampahan ng kasong multiple frustrated murder at illegal possession of explosives. Sa nasabing pagsabog noong 28 Abril, 13 katao ang nasugatan sa insidenteng paghihiganti ang motibo laban sa stall owner …

Read More »

Janet napoles inabsuwelto ng CA (Sa kasong illegal detention)

INABSUWELTO ng  Court of Appeals (CA) si Janet Lim Napoles sa illegal detention case na inihain ng whistleblower na si Benhur Luy. Binigyang-diin ang “reasonable doubt,” binaligtad ng CA ang desis-yon ng Makati Regional Trial Court, at iniutos ang agarang pagpapalaya kay Napoles. Gayonman, si Napoles ay nahaharap sa iba pang non-bailable cases. Ang desisyon ng CA ay makalipas ang …

Read More »

Paglahok ni De lima sa Senate hearings haharangin ng DoJ

HAHARANGIN ng Department of Justice (DoJ) ang ano mang hakbang para pahintulutan ang detinidong si Sen. Leila de Lima sa paglahok sa mga pagdinig kaugnay sa death penalty bill. Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, ang pagtutol ng DoJ ay dahil sa katotohanang si De Lima ay nakakulong. “When one is incarcerated, some of your rights and privileges are …

Read More »

Lobby money sa CA iginiit ng Palasyo (Hindi lahat, pero meron)

HINDI nilahat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mambabatas na bumubuo ng Commission on Appointments (CA), nang isiwalat niya na tumanggap ng lobby money para ilaglag ang kompirmasyon ni Gina Lopez bilang kalihim ng Department of Environment ang Natural Resources (DENR). Paliwanag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ang pahayag ni Pangulong Duterte hinggil sa lobby money ay nagpatampok sa pag-iral …

Read More »

Alvarez, Fariñas batugang tandem sa Kamara

REFILED pero hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalarga ang priority bills na sinertipikahan ng Palasyo gaya ng freedom of information, panukala para tuluyang magwakas ang political dynasties, at karagdagang pension sa mga miyembro ng SSS, itinuturing na magiging landmark at legacy ng administrasyon ni Pangulong  Rodrigo “Digong” Duterte. “Tamad kasi at batugan ang liderato nina House Speaker Pantaleon Alvarez …

Read More »

HR chief Gascon, shabu gustong gawing legal (Gaya ni Leni at matapos maging bisita si Callamard)

SUPORTADO ni Commission on Human Rights (CHR) Chairman Chito Gascon ang panukala ni Vice President Leni Robredo na gawing legal ang paggamit ng illegal drugs upang lumuwag ang mga bilangguan gaya sa mga bansa sa Europa. Kombinsido si Gascon na dapat baguhin ang pagtingin ng goyerno sa problema sa illegal drugs, hindi aniya patas na itambak sa kulungan ang drug …

Read More »

Shiite Muslim cleric na BIR officer target sa Quiapo blast

NANINIWALA ang pulisya na isang Shiite Muslim cleric ang puntirya sa pagpapasabaog na ikinamatay ng dalawa katao sa Quiapo, Maynila, nitong Sabado ng gabi, at mariing itinanggi ang pagkakasangkot ng mga terorista sa insidente. Anim katao ang nasugatan sa dalawang pagsabog sa opisina ng imam na si Nasser Abinal, sa Quiapo district. Ayon kay NCRPO director, Chief Supt. Oscar Albayalde, …

Read More »

Blast victims kilala na

KINILALA na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ilan sa mga nasugatan sa magkasunod na pagsabog sa Quiapo, Maynila, kamakalawa. Sa unang pagsabog, kabilang sa mga nasugatan sina Jaber Gulam, tubong Lanao Del Sur; Datu Sohair Adapun, tubong Marawi City; at Hajhi Ali, ng Gunao, Quiapo. Samantala, inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa pang sugatan. Sa ikalawang pagsa-bog …

Read More »

Publiko maging alerto pero kalmado (Kasunod ng Quiapo twin blasts) – Palasyo

NANAWAGAN ang Palasyo sa publiko na manatiling kalmado ngunit alerto kasunod nang magkasunod na pagsabog sa Quiapo, Maynila, kamakalawa ng gabi. Habang gumugulong ang imbestigasyon, hinimok ni Presidential Spokesman Ernesto Abella ang mga mamamayan na iulat sa mga awtoridad ang ano mang kaduda-dudang aktibidad o pagkilos sa kanilang komunidad. Labis aniyang nalungkot ang Malacañang sa pagkamatay ng mga biktima, at …

Read More »

4 barangay chairmen inasunto ng MMDA (Creek marumi na barado pa)

MMDA

SASAMPAHAN ng kaso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang apat pang barangay chairman sa Office of the Ombudsman, dahil sa pagkabigong imantina ang paglilinis sa mga creek sa kanilang nasasakupan. Pansamantalang hindi muna binanggit ng abogado ng MMDA na si Atty.  Victor Nuñez, ang pagkakakilanlan ng apat barangay chairman na sasampahan ng kasong admi-nistratibo sa Ombudsman. Inihahanda na nila …

Read More »

UH-1D helicopter sa PAF susuriin

KASABAY ng imbestigasyon ng Philippine Air Force (PAF) sa sanhi nang pagbagsak ng isa nitong helicopter sa Tanay, Rizal, susuriin din ang kondis-yon ng iba pa nilang UH-1D helicopters. Sa ngayon, mahigpit na ipinagbabawal na galawin ang crash site habang hindi pa natatapos ang imbestigasyon ng Air Force. Habang mananatiling naka-half-mast ang pambansang watawat sa mga lugar na pinagsilbihan ng …

Read More »

Martial law victims may kompensasyon (300 sa 4,000 claimants)

IPAMAMAHAGI na ang paunang bayad ng kom-pensasyon sa mga biktima ng martial law, sa Lunes, ayon sa Human Rights Violation Claims Board (HRVCB) Simula sa Lunes, 300 mula sa unang 4,000 claimants ang makatatanggap ng kalahati ng kanilang kompensasyon, na naaayon sa batas. Ang claimants ay makatatanggap ng mo-netary reparation at may claims na may pinal nang desisyon. “Meaning, that …

Read More »

150 bahay sa Cavite natupok

fire sunog bombero

DASMARIÑAS – Uma-bot sa 150 kabahayan ang natupok nang masunog ang isang residential area, nitong Sabado ng mada-ling araw. Umabot sa ika-apat na alarma ang sunog na sumiklab sa Sanitary Compound, Brgy. Sta. Lucia, Dasmariñas City, Cavite. Patuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection sa pinagmulan ng apoy, ngunit hinihinalang mula ito sa bahay ng isang residenteng nakaiwan nang …

Read More »

26 preso namatay sa sakit at siksikan sa kulungan

dead prison

UMABOT 26 preso sa iba’t ibang kulungan sa Metro Manila, ang namatay dahil sa sakit bunga nang siksikang mga kulungan. Ayon kay National Ca-pital Region Police Office (NCRPO) chief, Director Oscar Albayalde, simula 1 Hulyo 2016 nang magsimula silang makapagtala ng mga namamatay na preso. Dagdag ni Albayalde, biglang lumobo ang bilang ng mga nakakulong dahil sa kampanya sa ilegal …

Read More »

19 ASG member sumuko sa Basilan

ZAMBOANGA CITY – Nasa 19 aktibong kasapi ng teroristang Abu Sayyaf ang panibagong sumuko sa tropa ng pamahalaan sa lalawigan ng Basilan. Ayon kay Western Mindanao Commander (WestMinCom) Lt. Gen. Carlito Galvez Jr., kabilang sa mga nagbalik-loob sa pamahalaan ang dalawang Abu Sayyaf sub-leader, na kinilalang sina Nur Hassan Lahaman alyas Hassan, at Mudz-Ar Angkun alyas Mapad Ladjaman. Kasama nilang …

Read More »

Arestadong ASG tigbak sa parak (Nagtangkang tumakas)

dead gun

CEBU CITY – Patay ang isang miyembro ng Abu Sayyaf group (ASG) na nahuli sa Brgy. Tan-awan, Tubigon sa probinsiya ng Bohol kamakalawa, makaraan tangkang tumakas sa Bohol Provincial Police Office (BPPO), kahapon ng madaling-araw. Ayon kay Police Regional Office-7 director, Chief Supt. Noli Talino, bandang 2:00 am, habang ibinabiyahe ang Abu Sayyaf member patungo sa bayan ng Cortes para …

Read More »

Pagkamatay ng ASG member, ipinabubusisi ni Gen. Bato

INIUTOS ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa ang imbestigasyon sa pagkamatay nang naares-tong Abu Sayyaf member sa Bohol na si Saad Samad Kiram alyas Abu Saad, habang nasa kustodiya ng mga pulis. Ayon kay PRO-7 Director Chief Supt. Noli Taliño, inatasan niya ang provincial police director ng Bohol, para pangunahan ang imbestigasyon partikular ang mga pulis na kasama …

Read More »

Bumagsak na chopper iniimbestigahan

MASUSING iniimbestigahan ng AFP at PNP ang pagbagsak ng military chopper na ikinamatay ng tatlong miyembro ng Philippine Air Force at ikinasugat ng isa pa, habang nagsasagawa ng rescue operation training sa Sitio Hilltop, Brgy. Sampaloc Tanay, Rizal, kamakalawa. Ayon kay Lt. Xy-zon Me-neses, Public Affairs chief, ng 2nd Infantry Division, dakong 3:00 pm nang mangyari ang insidente habang sakay …

Read More »

Secret jail sa Tondo, bubusisiin ng Senado

NAKATAKDANG imbestigahan sa Senado sa susunod na linggo ang “secret jail” na natuklasan sa police station sa Tondo habang iniinspeksiyon ng Commission on Human Rights (CHR). Ayon kay Sen. Bam Aquino, siyang naghain ng resolusyon para imbestigahan ang isyu, nagbigay ng commitment si Sen. Panfilo Lacson, pinuno ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, hinggil dito. Tiniyak aniya …

Read More »