Thursday , July 7 2022

Kahit gustong ‘umayuda’ ng US… ‘Nuke war’ tablado kay Digong (‘Hit-and-run’ sa Recto Bank maritime incident lang)

WALANG kapasidad ang Filipinas na kumasa sa isang nuclear war kaya hindi maglulunsad ng aksiyong militar sa West Philippine Sea kahit pinalubog ng Chinese fishing vessel ang Philippine fishing boat.

Ito ang unang men­sahe ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa nang­yaring ‘hit-and run’ sa Recto Bank nitong 9 Hunyo.

“We can never be ready in a nuclear war. In a nuclear war, kung bitawan lahat ‘yan, Earth will be dried up and Earth will be destroyed and that will be the end of every­thing,” anang Pangulo sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng ika-121 anibersaryo ng Philippine Navy kagabi na tumu­tukoy sa lakas militar ng China.

Tinawag ng Pangulo na maritime incident ang nangyari sa Recto Bank at hindi aniya magiging dahilan upang magpa­dala siya ng mga barkong pandigma sa West Philippine Sea.

“‘Yung nangyari riyan sa banggaan, that is a maritime incident. ‘Wag kayong maniwala sa mga politiko na bobo, gusto papuntahin ‘yung Navy, you do not send gray ships there, banggaan lang ng barko ‘yan,” pahayag ng Pangulo.

Kung siya lamang aniya ang masusunod ay gusto niya ng aksiyon pero hindi siya isip-bata at mas matimbang sa kanya ang kapakanan ng lahat.

“Alam mo, gusto ko ‘yan, kung ako lang ang papipiliin, gusto ko action, but I am not in my boyhood age anymore,” ayon kay Pangulong Duterte.

Noong Biyernes ay ipinahiwatig ni US Ambas­sador Sung Kim ang kahandaan ng Ame­ri­ka na umayuda sa Fili­pinas para ipagtanggol ang pagmamay-ari sa mga teritoryo West Philippine Sea alinsunod sa Mutual Defense Treaty.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Ops kontra sugal ikinasa 6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA Boy Palatino

Ops kontra sugal ikinasa
6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA

NASUKOL ng mga awtoridad ang anim na indibiduwal na sangkot sa ilegal na pagsusugal sa …

arrest, posas, fingerprints

Wanted sa murder
LIDER NG GUN-FOR-HIRE GROUP ARESTADO

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking wanted sa kasong murder at sinasabing lider ng …

dead gun

Convenience store nilooban
KAWATAN BULAGTA SA ENKUWENTRO, KASABWAT NAKAPUSLIT

NAPATAY ng mg aawtoridad matapos manlaban ang isang armadong lalaking pinaniniwalaang nanloob sa isang convenience …

marijuana

Nagkakalat ng marijuana sa Bulacan
TULAK AT RUNNER NA MENOR DE EDAD, TIKLO SA DRUG STING 

NAARESTO ng mga awtoridad ang dalawang personalidad na pinaniniwalaang tulak ng marijuana kabilang ang isang …

dead gun police

Sa Jaen, Nueva Ecija
CARETAKER NIRATRAT NG RIDING-IN-TANDEM 

PATAY ang isang caretaker nang barilin ng dalawang armadong lalaking magkaangkas sa motorsiklo sa bayan …

Leave a Reply