Tuesday , April 22 2025
Bureau of Customs BOC Duterte Rey Leonardo Guerrero
Bureau of Customs BOC Duterte Rey Leonardo Guerrero

Aksiyon ni Digong hiniling vs 2 BoC officials

ILANG desmayadong negosyante ukol sa sinasabing umiiral na katiwalian sa Bureau of Customs (BoC) sa kabila ng puspusang paglilinis na ipina­patupad ng pamunuan ng nasabing ahensya ang nanawagan kay Pangu­long Rodrigo Duterte.

Ayon sa grupo ng mga broker, mayroon pa rin umanong sindikato sa BoC na sadyang bina­balewala ang direktiba ni Pangulong Duterte na supilin ang korupsiyon sa loob ng ahensiya.

Isang liham kay Pangulong Duterte mula sa grupo ang nag­de­talye sa kaba­las­tugang ginagawa uma­no ng isang BoC Import and Assessment Service (IAS) director at kan­yang chief-of-staff.

Kasama umano ang ilang kasapakat sa Port of Manila (PoM) at Manila International Container Port (MICP), puwersahang nangingi­ngikil umano ang IAS official ng tinatawag na ‘tara’ mula sa  mga negosyante, at batay sa bagong sistema nagtakda ng halagang P3,000 dapat ang ibayad ng mga importer kada container na naglalaman ng general merchandise.

Ang halagang ito, paliwanag ng mga nag­rereklamong broker, ay gumagarantiya na maka­babayad ang importer ng ‘duties and taxes’ na aabot lamang sa P180,000 hanggang P200,000 bawat container kaysa tanggihan dahil papalo ang buwis sa mas malaking P250,000 hanggang P300,000.

Sa kabilang dako, yaong mga importer umano ng mga sasakyan ay kinokotongan ng P50,000 hanggang P100,000 kada unit at ang pagtanggi rito’y nanga­ngahulugan ng pagba­bayad ng maximum amount para sa duties and taxes.

Ang impormasyon ukol sa pandarambong ng IAS official ay sadyang hindi nakararating sa kaalaman ni customs commissioner Rey Leo­nardo Guerrero dahil ang grupo nila ay sinabing kabilang sa mga kasa­pakat ng isang abogado kaya protektado mula sa paninita ng pamunuan ng Bureau.

Sa ganitong paraan umano, tiyak na nama­mayagpag ang direktor ng BoC-IAS sa lubos na kapangyarihang hawak niya at proteksiyon mula sa chief of staff.

Ito rin umano ang dahilan kung bakt iba na ang hilig ng IAS director — ang mangolekta ng mamahaling relo na umaabot sa P500,000 hanggang P1.5 milyon ang halaga ng bawat isa.

Sinasabing kasabwat ng dalawa sa umiiral na katiwalian sa Customs ang ilang examiner at appraiser na takot sa banta na sapilitan silang pagbibitiwin sa puwesto o dili kaya’y susus­pendihin sa kanilang tungkulin kung hindi susunod sa kanilang kagustuhan.

Ayon sa mga broker, “ang panawagan namin sa pangulo ay seryosohin na linisin ang ating pamahalaan mula sa korupsiyon at katiwalian na kailangan masimulan sa Bureau of Customs, na alam namin kaya ng dating alkalde ng Davao City.” (BONG SON)

About Bong Son

Check Also

Bulacan Police PNP

3 Bulacan MWPs inihoyo

NASAKOTE ang tatlong indibiduwal na nakatalang pawang mga most wanted persons (MWPs), kabilang ang number …

MV Hong Hai 16 PCG

Sa tumaob na barko sa Mindoro Occidental
2 katawan natagpuan, 2 nawawala pa rin

NAREKOBER ng mga awtoridad ang dalawang karagdagang mga katawan nitong Linggo ng Pagkabuhay, 20 Abril, …

P45-M illegal diaper plaridel bulacan

Sa Plaridel, Bulacan
P45-M ilegal na diaper nasabat 

NASAMSAM ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kontra ilegal na kalakal, …

Dead Road Accident

Sa Bacolod
Disgrasya sa prusisyon ng Biyernes Santo lider ng mga Layko, 2 pa patay

IPINAGLULUKSA ng Diyosesis ng Bacolod ang pagpanaw ng isang lider ng mga layko at dalawang …

Ngayong Semana Santa
TRABAHO Partylist, kaisa ng mga manggagawa Giit, karampatang holiday pay at benepisyo

SA GITNA ng paggunita ng sambayanang Filipino sa Semana Santa, ipinahayag ng TRABAHO Partylist ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *