MATABIL
ni John Fontanilla

MARAMING netizens ang natuwa kay Nadine Lustre nang i-post nito sa kanyang Instagram ang isang pangyayari, na ang isang  member ng LGBTQIA+ ay gustong bilhin ang poster niya.

Tsika ng LGBTQIA+ “Me: ate magkano po itong poster ni Nadine Lustre? Saleslady: salamin po yan ma’am.”

Ang nasabing insidente ay labis-labis na ikinatuwa ng mga netizen, lalong-lalo na ‘yung mga masugid na tagahanga ng aktres.

Maging si Nadine ay natuwa sa ginawa ng nasabing LBTQIA+. Isa si Nadine sa sumusuporta at lumalaban sa karapatan ng LGBTQIA+