MATABIL
ni John Fontanilla
PINAHAHALAGAHAN ni Alden Richards ang edukasyon kaya naman
hangad nito na mamulat ang mga Filipino sa tunay na kalagayan ng edukasyon sa bansa sa pamamagitan ng GMA Public Affairs documentary special na Rebuilding Broken Rooms.
Mahalaga ang mensaheng gustong iparating ni Alden sa pinakabagong documentary special.
Anang Asia’s Multimedia Star, “I hope with this documentary, maraming mamumulat na mata.
“Maraming mai-inspire na this is the current situation of the educational system here in the Philippines, and it’s not doing really good.”
Bumisita rin si Alden sa ilang paaralan sa Pilipinas, na mas nakita niya ang tunay na kalagayan ng mga mag-aaral sa bansa.
Mas naniniwala si Alden na dapat gawing prioridad ng gobyerno ang edukasyon.
“Education should be a priority in this country. Education must not be neglected by the people in power.”
Bukod sa documentary special mapapanood din si Alden sa upcoming GMA medical drama series na Code Grey.
At kasalukuyan din itong napapanood sa hit romantic comedy series na Love, Siargao kasama si Nadine Lustre sa Viu Philippines.
