SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
MULING matutunghayan ang hindi matatawarang ganda at sex appeal ng OG Viva girl group, ang Viva Hotbabes.
Abangan ang espesyal na tampok ng grupo na itinututuring na pinakamaiinit na grupo noong dekada 2000, ito ay sa pamamagitan ng Muling Pagbubuka na palabas na ngayon sa VMX.
Balikan ang pinakaseksi at pinakamaiinit na sandali sa kulturang pop at pelikulang Filipino noong unang bahagi ng dekada 2000. Muling tuklasin ang mga pelikula at iconic na eksenang tampok ang mga miyembro ng Viva Hot Babes na sina Maui Taylor, Katya Santos, Gwen Garci, at Sheree sa Viva Hot Babes: Muling Pagbubuka.
Sa direksiyon ni Bobby Bonifacio Jr. at pagho-host ng mga bagong henerasyong bituin ng VMX na sina Zsara Laxamana at Queenie De Mesa, tampok sa espesyal na ito ang mga hindi malilimutang eksena mula sa mga iconic na pelikulang Sex Games, Nerisa, Sukdulan, Sex Drive, First Time, Boso, Gamitan, at Hibla.
Muling balikan at damhin kung paano pinainit ng Viva Hot Babes ang eksena at kinilig at naaliw ang mga manonood sa mundo ng Pinoy entertainment. Panoorin ang pinakahuling sexy throwback ng 2026—Viva Hot Babes: Muling Pagbubuka, streaming na eksklusibo sa VMX.
