Tuesday , July 5 2022
Leni Robredo Bongbong Marcos

Lamang sa boto, umangat pa sa recount… Kampo ni VP Robredo, nanawagang ideklarang panalo sa protesta ni Marcos

MULING nanawagan ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa Presidential Electoral Tribunal (PET) na maresolba na sa lalong madaling panahon ang electoral protest na inihain laban sa kaniya ni Bongbong Marcos.

Ito ay matapos mapa­tunayan sa resulta ng initial recount, para sa tatlong probinsiyang pinili mismo ni Marcos, na lamang talaga si Robredo sa botohan.

Nitong Huwebes, 13 Hunyo, naghain ang abogado ni VP Leni na si Atty. Romulo Maca­lintal ng isang Urgent Motion, para manawa­gan sa PET na agad resolbahin lahat ng mga nakabinbing usapin tungkol sa recount, na natapos noong Marso.

Aniya, dapat magla­bas na ng resolusyon tungkol sa muling pagbi­lang ng mga balota sa Camarines Sur, Negros Oriental, at Iloilo — na nagpapatibay sa pagka­panalo ni Robredo noong 2016.

Sa kabila ng pagga­mit ng 50-percent thres­hold sa naunang bahagi ng proseso, lumabas sa recount na matunog pa rin ang lamang ni Robre­do sa tatlong probinsiya, kung saan siya nakaku­ha ng 1,536,030 boto.

Malaki ang agwat nito sa 200,467 boto para kay Marcos.

Sa kabuuan, nagtala si VP Leni ng 14,438,750 boto, na ang lamang niya ay umabot sa 279,215 boto, mas mataas pa sa winning margin niya nang iprinoklama noong 2016.

Idiniin ng kampo ni VP Leni, sa kabila ng maigting na pagtatang­ka ng kampo ni Marcos na lokohin ang publiko, lalo sa social media, tungkol sa nangyayari sa electoral protest, ang resulta ng recount ang nagpapakita na “game over” na para kay Marcos, dahil hindi siya nakakuha ng kinaka­ilangang “substantial recovery” sa mga pro­binsiyang siya mismo ang pumili.

Ayon sa abogado ni VP Leni, inihain nila ang mosyon upang pasi­nungalingan ang paulit-ulit na pag-aakusa ng kampo ni Marcos at ng kanilang mga taga­suporta na si Robredo ang nagde-delay ng proseso.

“Gusto namin patu­nayan dito na hindi kami nagde-delay ng kaso. Kasi lumalabas na panay ang rally nila dito sa harapan ng Supreme Court na para bang kami ang nagiging cause of delay. Nais lang naming patunayan na nais din naming maresolba agad ang nasabing kaso, kasi kami ay naniniwala na wala namang nakitang ebidensiya ng panda­raya,” anang abogado ni VP Leni.

 

About hataw tabloid

Check Also

Arjo Atayde

Arjo 6 batas inihain agad pagka-upo sa Kongreso

MA at PAni Rommel Placente SA pagsisimula ng kanyang trabaho bilang Congressman ng 1st District …

Malacañan

Family affair sa Palasyo
PARTY NG FIRST FAMILY ‘DI PERA NG GOBYERNO

WALANG gagamiting pondo ng bayan sa anomang party na idaraos ng First Family sa Malacañang, …

Bongbong Marcos BBM Imee Marcos

Sa pag-veto sa HB 7575
IMEE DESMAYADO
Pinagsasabong kaming magkapatid

ITO ang reaksiyon ni Senadora Imee Marcos matapos i-veto ng ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., …

Bulacan Airport Special Economic Zone

Konstruksiyon ng airport sa Bulacan tuloy — Salceda

SA KABILA ng pag-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa House Bill 7575, tiniyak ni …

Ramon Zagala PSG Bongbong Marcos BBM

Non-PMAyer, DLSU PolSci graduate
UNANG PSG COMMANDER ITINALAGA NI MARCOS, JR

HINDI graduate ng Philippine Military Academy (PMA), sa halip ay sa De La Salle University …

Leave a Reply