Saturday , April 27 2024

Sa Speakership race: Beteranong solon ‘di OJT — Defensor

BILANG pagtukoy kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, tahasang sinabi ni Anakalusugan re­pre­sentative-elect Mike Defensor na hindi isang on the job training (OJT) ang pagiging House Speaker.

Ayon kay Defensor, sa umpisa pa lamang, dapat ay taglay ng kumakan­didatong Speaker ang katangian ng isang maga­ling na lider, pangunahin ang may sapat na experience at competence.

“The next Speaker should carry the needed legislative reforms of President Rodrigo Duterte from day one and that there is no room for an on-the-job training (OJT). The next Speaker should be Speaker from day one. He should know what to do the very minute he sits as the country’s fourth highest official of the land,” pahayag ni Defensor.

Para kay Defensor, dating chief of staff noong Arroyo administration, wala kay Velasco ang katangian ng pagiging House Speaker na ngayon ay iniuugnay sa suhulan sa kongreso para sa speaker­ship na umano ay pinopondohan ng isang business tycoon.

Kung si Defensor ang tatanungin, sa pagitan lamang umano nina Leyte Rep. Martin Romualdez at Taguig Rep. Alan Peter Cayetano ang angat para maging susunod na House Speaker.

“They both have the leadership depth and the capacity to navigate the House in terms of needed legislation. They have the experience, competence and caliber to lead the members of the House,” pahayag ni Defensor.

Maging ang ilang political analysts ay aminadong mahihirapan si Velasco na mahirang na House Speaker sa katu­wirang hindi pa malawak ang karanasan niya bilang mambabatas.

Kahinaan din uma­nong maituturing na hindi kilala si Velasco sa loob at labas ng House of Repre­sentatives at lalong hindi napansin ang kan­yang partisipasyon o hin­di nanguna kahit kailan sa mga diskusyon sa ilang mahahalagang isyu ng bansa.

Una nang sinabi ni UP Professor Ranjit Rye, krusyal sa Duterte admi­nistration ang nalalabing 3-taon termino kaya makatutulong nang mala­ki kung ang mahih­irang na House Speaker ay sanggang-dikit ni Pangu­long Duterte na mayroon nang magan­dang working relation­ship sa Pangulo at umpi­sa pa lamang ay alam na ang hangad at prayori­dad na legislative measures.

Sinabi ni Rye, sa tatlong pinagpipilian na maging House Speaker, si Cayetano ang pinaka­kalipikado dahil sa lawak ng karanasan bilang kongresista, senador, cabinet member at naging tandem ng pangulo noong 2016 presidential election.

Kompara umano kina Velasco at Romual­dez, tanging si Cayetano ang kilala sa loob at labas ng bansa na malaking puntos sa pagiging Speaker ng Kamara.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *