PINALAGAN ng transport group ang balak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na gawing dalawa hanggang tatlong araw ang pagpapatupad ng number coding o tinatawag na “expanded number coding.” Kamakalawa, inihayag ni MMDA Chairman Danilo Lim sa Kongreso, pinag-aaralan nilang ipatupad ang “expanded number coding” o gawing dalawa hanggang tatlong araw ang pagpapatupad ng traffic scheme bilang isa sa mga …
Read More »Masonry Layout
Payo ni Poe sa MMDA: ‘Wag padalos-dalos sa expanded number coding scheme
PINAALALAHANAN ni Senadora Garce Poe and Metro Manila Development Authority (MMDA), na huwag magpadalos-dalos at kailangan maging mapanuri sa pagbibigay ng solusyon sa pagresolba sa suliranin sa trapiko sa kalakhang Maynila. Ayon kay Poe, naiintindihan niya ang malaking hamon na kinakaharap ng MMDA sa pagresolba sa traffic problem sa Metro Manila, ngunit kailangan ang masusing pagpaplano. Iginiit ni Poe, ang …
Read More »Fariñas reresbak sa 8 bokal ng Ilocos Norte (Kahit nasa Tate)
BUBUWELTAHAN ni House Majority Floor leader Rodolfo Fariñas ang Ilocos Norte Board Members na bomoto upang siya ay ideklarang “persona non-grata” sa sarili niyang distrito. Kakasuhan ni Fariñas nang paglabag sa kanyang constitutional rights ang walong board members, gayondin ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa “undue injury thru evident in bad faith” na idinulot sa kanya …
Read More »P15-bilyon infra project sa SBMA inilatag ni Diño
PINATUNAYAN ni Chairman Martin Diño na isinusulong ng administrasyong Duterte ang mga proyektong makatutulong sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA). Ipinahayag ito ni Diño sa news forum na Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico, sa gitna ng mainit na kampanya ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte laban sa ilegal na droga at talamak na …
Read More »‘Big 4’ magiging kakosa ni De Lima (Korupsiyon isusunod ni Digong)
TAPOS na ang isang taong pagtitimpi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nagpayaman sa panggagahasa sa kaban ng bayan. Makaraan tanggalan ng pangil ang malalaking drug syndicate at terrorist groups sa bansa, sasampolan ni Duterte ang ‘Big 4’ o apat na mandarambong sa pamahalaan. Sinabi ng isang Palace official, nakakalap ng matitibay na ebidensiya ang administrasyon laban sa apat matataas …
Read More »Multa vs sasablay sa ‘Lupang Hinirang’
PASADO sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na naglalayong pagmultahin ang mga sasablay sa pag-awit ng “Lupang Hinirang.” Ayon sa nakasaad sa House Bill 5224, dapat ay naaayon sa orihinal na areglo ni Julian Felipe, kompositor ng “Lupang Hinirang,” ang tiyempo ng pag-awit nito. Ibig sabihin, dapat 2/4 beat ang pagtugtog dito, at dapat ay nasa …
Read More »Bihag na pari ipinauubaya ng CBCP sa gov’t
INIHAYAG ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) nitong Martes, ipinauubaya nila sa gobyerno ang kapalaran ng isang pari na binihag ng mga bandidong Maute sa Marawi City. Ito ay makaraan ialok ng terror leader na si Abdullah Maute, na palalayain ang bihag na si Fr. Chito Suganob kapalit ng kalayaan ng kanyang mga magulang. “It’s a sensitive matter. …
Read More »Mahigit P5-B kita ng PCSO mula sa STL
INIHAYAG ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan nitong Martes, kumita ang expanded Small Town Lottery (STL) nang mahigit P5 bilyon sa loob ng limang buwan ngayong taon. “We’ve already earned P5,018,967,224.14 which was 173.38% higher compared to the re-venue generated in the same period last year,” pahayag ni Balutan. Mula Enero hanggang Mayo 2016, nakapagtala ang …
Read More »BNG member patay sa tandem
PATAY ang isang 36-anyos miyembro ng Bahala Na Gang (BNG) makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang riding-in-tandem sa Mindanao St., Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi. Ayon kay SPO2 Joseph Kabigting, ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, kinilala ang biktimang si Ian Anderson Fellosas, residente sa Leo St., Sampaloc, tinamaan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Napag-alaman, binawi-an ng …
Read More »US at China paligsahan sa military aid sa PH
HANGGANG sa pagbibigay ng armas, bala at sasakyang pandigma sa Filipinas ay nagpapaligsahan ang Amerika at China. Tatlong linggo matapos magkaloob ng mga baril ang US sa Philippine Marines para gamitin laban sa Maute/ ISIS terrorists, magbibigay ng mga bala at mga eroplano ang China ngayon sa Clark Airbase sa Angeles City, Pampanga. Sasaksihan ngayong hapon ni Pangulong Rodrigo Duterte …
Read More »Gov. Imee ikukulong sa kamara (‘Pag ‘di sumipot sa pagdinig)
NAKAHANDA na ang detention chamber para kay Ilocos Norte Gov. Imee Marcos sa Kamara kapag nabigo siyang dumalo sa susunod na pagdinig hinggil sa imbestigasyon kaugnay sa iregular na pagbili ng kanyang probinsiya ng P66.45 milyong halaga ng mga sasakyan, ayon sa pahayag ng isang mambabatas kahapon. Binalaan ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, chair ng House good government …
Read More »Rudy Fariñas “persona non grata” sa Ilocos Norte
INAPROBAHAN ng Ilocos Norte Provincial Board o Sangguniang Panlalawigan kahapon, ang Resolution No. 2017-06081, nagdedeklara kay 1st District Rep. Rodolfo “Rudy” C. Fariñas bilang “persona non grata.” Ang resolusyon ay i-nisponsoran nina SP Member and Lawyer Vicentito “Toto” M. Lazo at Vice Governor Angelo Marcos Barba. Technically, ang ibig sabihin ng legal term “persona non grata” ay “unwelcome person,” ipinahihiwatig …
Read More »$35-B ganansiya ng PH (sa P300-M gastos) sa 21 foreign trips ni Duterte
AABOT sa mahigit $35 bilyon ang probetso ng Filipinas sa 21 foreign trips ni Pangulong Rodrigo Duterte na ginastusan ng P300 milyon sa unang isang taon ng kanyang administrasyon. Aminado si Communications Secretary Martin Andanar sa taguri sa Pa-ngulo na “most travelled president” ngunit ang mahalaga aniya’y ang benepisyong mapapala ng bansa at sambayanang Filipino sa mga naturang biyahe. “Totoo …
Read More »Van sumalpok sa kotse, 1 sugatan (Sa Marcos Highway)
SUGATAN ang driver ng L300 van makaraan sumalpok sa isang kotse sa eastbound lane ng Marcos Highway, nitong Lunes ng madaling-araw. Ayon sa ulat, ang driver na si Val Veniega ay galing sa kanyang negosyong beerhouse at may kargang mga bote ng alak sa minamanehong L300 van. Papunta ng Marikina City si Veniega ngunit pagliko sa U-turn slot ay sumalpok …
Read More »Bebot sugatan sa saksak ng dyowa
SUGATAN ang isang 45-anyos babae makaraan pagsasaksakin ng kanyang lasing na kinakasama nang sawayin ang huli sa pag-inom ng alak sa Tondo, Maynila, kamakalawa. Isinugod sa Mary Johnston Hospital ang ang biktimang si Maritess Sabado, 45, vendor, at residente sa A. Mata St., Tondo. Habang mabilis na tumakas ang supek na si Reynald Del Carmen, 41, live-in partner ng biktima. …
Read More »Opisyal ng Senado inasunto vs rape try
NAHAHARAP sa kasong tangkang panghahalay ang isang nagngangalang Ramon R. Navea III, service chief committee-A ng Senado, nang sampahan ng reklamo ng empleyado ng mataas na kapulungan na kinilalang si Atty. Niniveh B. Lao, sa Pasay City Prosecutor’s Office. Batay sa sinum-paang salaysay ni Lao, makaraan siyang pansamantalang ma-detail sa committee department ng Senado mula sa kanyang orihinal na posis-yon …
Read More »P40-M bitbit ng 3 pasahero sa barko (Inimbitahan sa presinto)
INIMBITAHAN sa presinto ang tatlong pasahero ng barko sa Port of Cagayan de Oro makaraan makompiskahan nang aabot sa P40 milyon, nitong Lunes. Ayon kay Coast Guard spokesperson Commander Armand Balilo, nakasilid ang bulto-bultong pera sa apat sel-yadong kahon ng styropor. Iginiit ng tatlong pasahero na mga empleyado sila ng banko at nagprisenta ng kaukulang mga dokumento. Sa kabila nito, …
Read More »Bata patay sa tama ng bala ng NPA
DAVAO CITY – Patay ang isang 10-anyos batang lalaki makaraan tamaan ng bala ng baril mula sa pinaniniwalaang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Brgy. PM Sobrecarey, Caraga, Davao Oriental, kamakalawa. Ayon kay 10th Infantry Division spokesperson Rhyan Batchar, dakong 12:30 am nitong Linggo, 25 Hunyo, umabot sa 12 armadong rebelde sa ilalim ng Pulang Bagani Command 8, …
Read More »Liderato ng terorista gumuguho na — militar
GUMUGUHO na ang liderato ng mga terorista sa battle zone sa Marawi City, bunsod ng kanilang unti-unting pagkatalo sa sagupaan, ayon sa Philippine military kahapon. Sinabi ni Task Force Marawi spokesperson Lt. Col. Jo-ar Herrera sa press briefing sa nabanggit na lungsod, ang tagumpay ng mga tropa ng gobyerno ay “irreversible” dahil paubos na ang bala ng local terrorist group …
Read More »Batalyon ng pulis ipinadala sa Marawi (Mula sa Calabarzon)
MANILA – Tumulak papuntang Marawi City nitong Lunes ang mga miyembro ng Regional Public Safety Batallion ng Calabarzon Police para tulungan ang puwersa ng pamahalaan na nakikisagupa sa Maute terror group. Sinabi ni Calabarzon Police director, Chief Supt. Mao Aplasca, katumbas nang ipinadalang police contingent ang halos isang batalyon. Sila ay nakabase sa Camp Macario Sakay sa Los Baños, Laguna. …
Read More »Terorismo dapat itakwil ng LGUs — Palasyo
NANINIWALA ang Malacañang, ang pagtatakwil ng mga lokal na pamahalaan at mga mamamayan sa terorismo ang susi upang hindi ito umusbong sa Filipinas. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang komitment ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na wakasan ang terorismo ng Maute-Daesh/ISIS ay nangangailangan nang ganap na suporta ng lokal na pamahalaan at mga mamamayan. Ayon kay Abella, …
Read More »Terorismo sa bansa lumakas — Andanar (Sa mahinang pundasyon ng administrasyong PNoy)
MAHINA ang pundasyon ng liderato ng nakalipas na administrasyon kaya nakapasok at nakapagpalakas ng puwersa ang mga teroristang grupo sa Mindanao. Tiniyak ni Communications Secretary Martin Andanar, umuusad ang mga reporma, partikular ang pagpapatibay sa mga institusyon upang hindi na makaporma ang mga teroristang grupo sa ilalim ng administrasyong Duterte. “It’s common knowledge to everyone na ang mga ISIS ay …
Read More »Leftist groups hinamon ni Lorenzana sa ebidensiya (Rape sa kababaihan sa Marawi?)
MAGLABAS kayo ng ebidensya. Ito ang hamon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa ilang maka-kaliwang grupo na nag-akusa na may mga sundalo umano na nagbantang gagahasain ang mga kababaihan kapag hindi lumikas sa Marawi City. ”Alam ng taongba-yan na mapagkakatiwalaan nila ang ating Sandatahang Lakas, ang kaisa-isang sandatahang lakas ng Filipinas (AFP), at nakikita naman ito sa mga survey. Kung …
Read More »Pagkakaisa himok ni Digong sa Muslim (Sa pagwawakas ng Ramadan)
HINIMOK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kapatid na Muslim na ituon ang kanilang atensiyon sa mga pagsusumikap tungo sa pambansang pagkakaisa at ikabubuti ng sangkatauhan na pinakamainam na paraan upang maipamalas ang pagmamahal sa Diyos. “Together let us work towards building a society that is grounded on love, mutual respect and understanding. May this special day bring happiness, peace …
Read More »Muslims, Christians emosyonal sa Eid al-Fitr (Sa evacution center sa Iligan City)
NAGING emosyonal ang pagdiriwang ng Eid al Fitr sa evacuation center sa Iligan City nang mag-iyakan ang mga kababaihang Muslim at Kristiyano makaraan magpalitan ng handog na bulaklak na rosas kahapon. Sa kalatas ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP), naganap ang okasyon na tinaguraing “Roses for Peace” sa open grounds ng Iligan City National School …
Read More »