PATAY ang apat katao makaraan tamaan ng kidlat sa Bacoor, Cavite, kahapon ng umaga. Kinilala ang mga biktimang sina Rodel Darlo Rufin, 16; Jover Polistico Boldios, 35; Chris Sabino, 31, at isang alyas Jaypee Deramos. Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng tawag na tinamaan ng kidlat ang tatlo sa mga biktima habang nasa loob ng isang kubo malapit sa dagat …
Read More »Masonry Layout
EJKs ‘bala’ sa 2019 polls (Ikakarga sa drug war) — Santiago
NAGBABALA si Dangerous Drugs Board (DDB) chairman Dionisio Santiago, tataas pa ang bilang ng extrajudicial killings hanggang sa 2019 midterm elections. Sa press briefing sa Palasyo kahapon, binigyan-diin ni Santiago na ikakarga ng mga politiko sa drug war ng administrasyong Duterte ang mga pagpapatay sa mga katunggali o kakampi upang makalusot sa pananagutan. Magagamit aniyang isyu ang EJKs na kagagawan …
Read More »Digong bumanat: ‘Piyok’ sa EJKs ‘misyon’ ni Risa
A post shared by HATAW! – Diyaryo ng Bayan (@hatawtabloid) on Sep 5, 2017 at 12:05pm PDT GINAGAMIT sa politika ni Sen. Risa Hontiveros ang isyu ng extrajudicial killings (EJK) bilang ‘misyon’ na banatan si Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, labis na nasaktan si PNP chief, Director General Ronald dela Rosa sa akusasyon ni Hontiveros na policy …
Read More »2 bagets tiklo sa damo
ARESTADO ang dalawang menor-de-edad makaraan mahulihan ng hinihinalang marijuana sa isang mall sa sa Tondo, Maynila, nitong Linggo ng gabi. Ayon sa Moriones police station, pumasok sa mall ang Grade 11 at Grade 10 na estudyante pasado 10:00 ng gabi. Nakuha sa isa sa mga suspek ang teabag at tube na pinaglagyan ng droga nang kapkapan ng security guard ng …
Read More »100 pamilya nasunugan sa Mandaluyong
UMABOT sa mahigit 100 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraan masunog ang isang residential area sa Mandaluyong City, kahapon ng madaling-araw. Ayon kay Mandaluyong City Fire Marshall C/Insp. Ro-berto Samillano, Jr., dakong 1:30 am nang magsimula ang sunog sa Block 37, Brgy. Additionhills ng nabanggit na lungsod. Napag-alaman, nagsimula ang apoy sa inuupahang bahay ng isang nagngangalang “Joy” na pag-aari …
Read More »‘Yuppie’ nireyp ninakawan ng katagay (Nakilala sa gimikan)
DALAWANG beses nang ginahasa, ninakawan pa ang isang 29-anyos young professional (yuppie) ng isang lalaking nakilala sa gimikan sa Antipolo City, kamakalawa ng madaling-araw. Tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na si Mike Guzman, 25- anyos, nakatira sa Volleygolf Subd., Brgy. Mambugan, sa nabanggit na lungsod. Sa imbestigasyon ni PO3 Jasmine Menor, unang nangyari ang panghahalay sa biktimang si “Rodora” …
Read More »2 barker binistay sa Maynila
BUMULAGTANG walang buhay ang dalawang barker ng pampasaherong jeep makaraan pagbabarilin ng ‘di kilalang riding-in-tandem sa magkahiwalay na lugar sa Maynila, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga biktimang sina Anthony Gonzales, 48, residente sa 2091 Raxabago St., Tondo, at Benjamin Dela Roma 27, residente sa 1469 Metrica corner Simoun streets., Sampaloc, kapwa barker ng pampasaherong jeep. Sa ulat ng Manila …
Read More »9 patay sa Japanese encephalitis — DoH
UMABOT na sa siyam katao ang binawian ng buhay bunsod ng Japanese encephalitis ngayong taon, pagkompirma ng Department o Health (DoH) kahapon. Apat sa mga biktima ay mula sa lalawigan ng Pampanga, dalawa mula sa Zambales, habang ang tatlo ay naitala sa Pangasinan, Laguna, at Nueva Ecija. Ang mga biktima ay kabilang sa 133 pasyenteng na-diagnose na may mosquito-borne disease …
Read More »Smoking ban paiigtingin sa Caloocan
KAUGNAY sa Executive Order 26 ni Pangulong Rodrigo Duterte, inumpisahan na ng pamahalaang lungsod ng Caloocan ang pagpapaigting sa pagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar lalo sa loob ng Caloocan City Hall. Sa flag raising ceremony, sinabi ni Mayor Oscar Malapitan, isang smoker sa loob ng mahabang panahon, maging siya ay hindi na maninigarilyo kapag nasa mga pampublikong lugar, …
Read More »Bagyong Kiko nabuo sa Baler
ISA nang tropical depression ang low pressure area na naispatan sa Baler, Aurora at tinawag na “Kiko,” ayon sa weather bureau PAGASA nitong Lunes. Sa 5:00 pm advisory, sinabi ng PAGASA, ang sentro ng tropical depression ay tinatayang 490 kilometers east ng Casiguran, Aurora. May taglay na lakas ng hangin hanggang 55 kph malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 65 …
Read More »DND naalarma sa hydrogen bomb test ng NoKor
NAGPAHAYAG ng pagkaalarma ang Department of National Defense hinggil sa isinagawang hydrogen bomb testing ng North Korea, sinabing nagpatindi ito ng tensiyon sa Asia. “The Department of National Defense is greatly concerned with the latest hydrogen bomb test conducted by the Democratic People’s Republic of Korea,” ayon sa DND. “The proliferation of this weapon increases the tension not only in …
Read More »Pari na nagdala ng 13-anyos sa motel, kinasuhan na
SINAMPAHAN ng 13-anyos dalagita ng kasong kriminal nitong Lunes ang pari na inaresto makaraan dalhin siya sa isang motel sa Marikina City noong Hulyo. Inihain ng dalagita kay Assistant State Prosecutor Romeo Galvez ang sworn statement na nag-aakusa kay Msgr. Arnel Fuentes Lagarejos ng “qualified trafficking in persons.” Kabilang din sa kinasuhan ang apat indibidwal na sinasabing nagbugaw sa dalagita …
Read More »Vice mayor ng Puerto Princesa timbog sa raid (Droga, baril nakompiska)
ARESTADO si Puerto Princesa Vice Mayor Luis Marcaida III makaraan makompiska sa kanyang bahay ang ilang armas at pakete ng hinihinalang droga, nitong Lunes. Ayon sa ulat, hinalughog ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency at pulisya ang bahay ni Marcaida sa bisa ng search warrant na inilabas ng Manila Regional Trial Court Branch 53, dahil hinihinalang may koneksiyon …
Read More »Ayon sa PAO: Dating UP student tinortyur bago pinatay ng pulis
TINORTYUR bago pinatay ang 19-anyos na si Carl Angelo Arnaiz na sinasabing nangholdap ng taxi driver sa Caloocan City, ayon sa Public Attorney’s Office forensic laboratory services. “Masasabi nating execution style ‘yung ginawa sa victim at very obvious ‘yung intent to kill. Wala kaming nakita doon sa bumaril sa kanya na gusto siyang incapacitate lang,” ani Dr. Erwin Erfe, hepe …
Read More »LP nakasawsaw sa Marawi crisis?
WALANG katotohanan na ang Liberal Party ang nagpopondo sa mga terorista sa Marawi City, ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana. “Not true according to our own inquiry on our commanders in Marawi,” ani Lorenzana sa text message sa mga mamamahayag, hinggil sa pahayag ni Greco Belgica na nakatanggap siya ng intelligence reports na ang LP ang nagpopondo sa mga terorista …
Read More »P24-M pampalaglag nakompiska sa anak ng dating senador (Sa NAIA terminal 3)
TINATAYANG P24-milyong halaga ng regulated drugs na Cytotec 200 mcg at Augmentin BID 625 ang nasakote at kinompiska ng Bureau of Customs (BoC) na itinangkang palusutin sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 mula sa Singapore ng isang lalaking sinabing anak ni dating Senador Ramon Revilla Sr., at kasamang lalaki, nitong linggo ng gabi. Kinilala nina NAIA Customs district …
Read More »Mans, Paolo dadalo sa senado (Mag-bayaw haharap)
DADALO kami sa Senate hearing. Ito ang pahayag nina presidential son at Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, at presidential son-in-law Atty. Manases Carpio. Anila, natanggap nila ang imbitasyon mula sa Senate Blue Ribbon Committee para dumalo sa pagdinig sa Huwebes, 7 Setyembre, kaugnay sa P6.4-B shabu na nakalusot sa Bureau of Customs (BoC). “We have received an invitation from …
Read More »Bahay niratrat kotse sinunog sa Valenzuela
A post shared by HATAW! – Diyaryo ng Bayan (@hatawtabloid) on Sep 4, 2017 at 1:30pm PDT PINAULANAN ng bala ng hindi kilalang mga suspek ang bahay ng isang pamilya at sinunog ang nakaparada nilang sasakyan sa Valenzuela City, kamakalawa ng madaling-araw. Ayon sa ulat, dakong 3:00 am nang magising ang mag-asawang sina Alan, 49, at Gene Gloria Tuy, 47, …
Read More »Trillanes ‘political ISIS’ — Duterte
ISANG political ISIS si Sen. Antonio Trillanes IV, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Pangulong Duterte, nakatutok sa kanyang ‘kamangmangan’ si Trillanes, isang political ISIS, walang talento at hindi alam ang pagkakaiba ng isang democrat kompara sa miyembo ng partido. Si Trillanes aniya ay kagaya ni Magdalo party-list Gary Alejano na walang alam sa batas. “‘Yan ang problema, parehas …
Read More »2 senior citizen, 2 paslit patay sa sunog
A post shared by HATAW! – Diyaryo ng Bayan (@hatawtabloid) on Sep 3, 2017 at 8:07pm PDT PATAY ang dalawang senior citizens at dalawang paslit sa magkahiwalay na insidente ng sunog sa Zamboanga City, at sa lalawigan ng Quezon. Sa Zamboanga City, binawian ng buhay ang mag-asawang senior citizen na kinilalang sina sina Polman Janaidi, 67, at Lakibul Musad, 70-anyos, …
Read More »Valenzuela may tulong pinansiyal sa drug rehab graduate
MAY tulong pinansiyal na halagang P10,000 ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela sa mga dating nagumon sa ilegal na droga at ngayon ay magtatapos sa kanilang rehabilitation program sa Magalang, Pampanga, para sa kanilang panimula. Ayon kay Mayor Rex Gatchalian, ang tulong pinansiyal ay upang makapag-umpisa ng panibagong buhay ang mga magsisipagtapos sa anim-buwan programang kanilang nilahukan makaraan sumuko sa ilalim …
Read More »Rebellion raps vs 58 suspected Maute recruits, recruiter ibinasura ng DoJ
IBINASURA ng Department of Justice (DoJ) ang kasong rebelyon laban sa 58 hinihinalang Maute recruits at ang taong sinasabing kumalap sa kanila bilang reinforcement sa jihadists rebels na nakikisagupa sa mga tropa ng gobyerno sa Marawi City. Sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II kahapon, walang nakitang probable cause ang panel ng prosecutors, sa pangunguna ni Senior Assistant State Prosecutor …
Read More »P2.5-M shabu kompiskado sa magdyowa, 6 pa arestado
ARESTADO ang mag-live-in partner at anim iba pa sa isinagawang anti-drug operations ng pulisya sa dalawang bayan, sa lalawigan ng Bulacan, kamakalawa. Unang inaresto ng Sta. Maria PNP sa pamumuno ni Supt. Raniel Valones, ang mag-live-in partner na sina Christopher Dave Colango at Janell Roldan, kapwa residente sa Brgy. San Vicente, Sta. Maria, Bulacan. Nakompiska sa kanila ang tinatayang P2.5 …
Read More »Kleriko, HR advocates ‘tahimik’ vs adik, terorista — Digong
TIKOM ang bibig ng mga pari at human rights advocates sa mga karumal-dumal na krimen na kagagawan ng mga drug addict at ng mga terorista na ang biktima’y mga inosenteng sibilyan. Ito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagbatikos ng mga pari at human rights advocates sa mga pulis na nagpapatupad ng drug war sa ilalim ng kanyang …
Read More »Kung ‘bingo’ sa smuggling si Polong, Digong magbibitiw
HINAMON ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga kritiko na maglabas ng affidavit, at video footage na may audio mula sa isang tao na nagbigay ng kuwarta kay Davao City vice mayor Paolo “Polong” Duterte para sa isang illegal transaction, agad siyang magbibitiw bilang Punong Ehekutibo ng bansa. Sinabi ng Pangulo sa anibersaryo ng Eastern Mindanao Command kahapon sa Davao …
Read More »