UMABOT sa 60 barangay official na nanalo sa nakaraang halalan ang kabilang sa 207 village executives na kasama sa drug list ng gobyerno, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency nitong Huwebes. Kabilang dito ang 36 barangay chairman at 24 kagawad, ayon kay PDEA Chief Aaron Aquino. Ayon sa mga awtoridad, patuloy ang kani- lang paghahanda ng kaso laban sa 60 …
Read More »Masonry Layout
No. 1 kagawad patay sa ambush (Sa Quezon province)
BINAWIAN ng buhay ang isang re-elected barangay kagawad makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Brgy. Sta. Rosa, Mulanay, Quezon province, kahapon ng umaga. Sa ulat kay Police Regional Office IVA director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang biktimang si Kagawad Felix Moldon, residente sa Brgy. Sto. Niño, Mulanay. Ayon sa ulat, dakong 7:45 am, sakay ng motorsiklo ang biktima …
Read More »Impeachment vs 8 mahistrado ikinokonsidera ng Makabayan Bloc (Sa quo warranto petition)
PAG-AARALAN ng Makabayan bloc kung susuportahan nila ang plano ng “Magnificent Seven” na maghain ng impeachment complaint laban sa mga mahistradong bumoto para masipa sa kanyang posisyon si dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Sinabi ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, titingnan muna nila kung paano mapananagot ang walong mahistrado na bumoto pabor sa quo warranto petition laban sa …
Read More »14 senador lumagda vs ‘pagtalsik’ ni Sereno (Resolusyon kontra Korte Suprema)
PUMIRMA ang mayoridad ng mga senador sa resolusyon na komokontra sa desisyon ng Supreme Court na patalsikin si Maria Lourdes Sereno bilang chief justice. Sinabi ni Sen. Francis Pangilinan, 14 sa 23-man Senate ang pumirma sa resolusyon. Kabilang sa pumirma ay mga miyembro ng majority at minority blocs ng Senado. Kasama sa mga pumirma nitong Huwebes sina Pangilinan, Senate Minority …
Read More »Van sumabog sa kargang kuwitis sa Batangas (May-ari nagpa-massage sa spa)
BATANGAS – Sumabog ang isang van sa Brgy. District 4, Lemery, Batangas, nitong Lunes ng gabi. Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, may kargang kuwitis ang van na maaaring naging dahilan ng pagsiklab ng apoy. Naka-park ang van na may plakang UFL-165, sa tabing kalsada habang nasa loob ng isang malapit na spa ang may-ari nito. “Galing po sila sa biyahe. …
Read More »Ellen Adarna inasunto ng child abuse, cybercrime
KINASUHAN ang aktres na si Ellen Adarna nitong Martes ng ina ng 17-anyos dalagitang pinaghinalaan niyang kumuha ng video habang kumakain siya kasama ng aktor na si John Lloyd Cruz, sa isang restoran sa Makati City. Nagtungo sa Office of the City Prosecutor sa lungsod ng Pasig si Myra Abo Santos at nagsampa ng kasong child abuse at cyber crime …
Read More »2 Asecs pinagbibitiw — Roque
PINAGBIBITIW sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang assistant secretaries dahil sa umano’y pagkakasangkot sa katiwalian at korupsiyon. Inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang desisyon ng Pangulo matapos ang isinagawang rekomendasyon ng Presidential Anti-Corruption commission (PACC). Tinukoy ni Roque si Justice Assistant Secretary Moslemen T. Macarambon Sr., na dapat nang magpaalam sa posisyon dahil sa regular aniyang pagpapadrino …
Read More »Malabon chairman sa ‘narco-list’ laglag sa eleksiyon
NATALO sa muling pagtakbo sa pagka-barangay kapitan ang isang kandidato sa Malabon City na kasama sa ‘narco-list’ ng pamahalaan. Napag-alaman, nakakuha ang incumbent chairman ng Barangay Tinajeros na si Alvin Mañalac ng 2,151 boto, mas mababa kompara sa 3,216 boto na nakuha ng kalaban na si Ryan Geronimo. Pumangatlo sa pagka-barangay kapitan si Alexander Centeno na mayroong 1,696 boto. Naiproklama …
Read More »Kandidatong kapitan panalo sa ‘toss coin’ (Sa Abra)
LAGAYAN, Abra – Labis ang tuwa ng isang 33-anyos kandidato nang manalo bilang chairman ng Brgy. Collago sa pamamagitan ng ‘toss coin.’ Kalaban ni June Cardenas sa posisyon ang kababata at matalik niyang kaibigan na si Rexor Jay Molina, ang nakaupong chairman ng kanilang barangay. Sa naging halalan nitong Lunes, tabla sa 206 ang kanilang boto kaya kinailangan mag-toss coin …
Read More »Barangay, SK polls generally peaceful – Comelec
“GENERALY peaceful.” Ito ang paglalarawan ng Commission on Elections sa ginanap na Barangay and Sangguniang Kabataan elections nitong Lunes, bagama’t may ulat ng mga insidente ng dayaan, karahasan at ilang namatay. “Generally peaceful, ‘ika nga, [ang eleksiyon]. Natutuwa kami na ang botohan sa iba’t ibang mga presinto ay nairaos nang walang malaking problema, walang malaking disturbance,” pahayag ni Comelec spokesperson …
Read More »Tokhang vs panalong barangay execs sa narco-list (Tiniyak ng PNP)
MAAARING humarap sa “Oplan Tokhang” operations ang barangay officials na kabilang sa narcotics list ng pamahalaan, kahit nanalo sa barangay elections, ayon sa Philippine National Police kahapon. “It depends on the evidence. If we have strong evidence, we can always subject them to ‘Tokhang.’ We’re not being selective here,” pahayag ni Director General Oscar Albayalde sa press briefing. Magugunitang inilabas …
Read More »BSK poll winners proklamado na — Comelec
INIHAYAG ng Commission on Elections nitong Martes, proklamado na ang halos lahat ng mga nanalong kandidato sa nakaraang barangay at Sangguniang Kabataan elections. Sinabi ni Comelec spokesperson Director James Jimenez, hanggang 1:50 pm nitong Martes ay 94.01 porsiyento ng lahat ng mga nanalo ang proklamado na. Samantala, ipinaalala ni Jimenez sa mga naghain ng Certificate of Candidacy na maghain ng …
Read More »‘Kill Grab’ plot buking
IBINISTO kamakailan ng isang transport group ang sinabing isang ‘sindikato’ na nagtutulak sa planong patayin ang operasyon sa bansa ng ride-hailing app company na Grab. ‘Kill Grab’ plot ang misyon ng grupo na binubuo ng isang mambabatas, isang opisyal ng ahensiya sa ilalim ng Transport Department at mga bagong Transport Network Companies (TNCs), ayon sa transport umbrella group na Modern Basic Transport …
Read More »3 paslit na mag-uutol patay sa Pasig fire
PATAY ang tatlong bata makaraan matupok sa sunog ang kanilang bahay sa Pasig City, nitong Lunes ng umaga. Kinilala ang mga biktimang sina Princess Joy Navidas, 7; John Andrew Navidas, 4, at BJ Navidas, 2, residente sa San Isidro St., Centennial 2, Nagpayong 2, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City. Ayon sa ulat ng mga awtoridad, umalis sa kanilang bahay ang ina …
Read More »Kelot utas sa boga
PATAY ang isang lalaking namamahinga na ngunit tinawag ng mga katropa sa isang inoman makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Agad binawian ng buhay sa insidente ang biktimang si Raymar Aquino, 30-anyos, residente sa Zapote St., Brgy. 141, Bagong Barrio ng nabanggit na lungsod. Batay sa ulat ni Caloocan police chief, S/Supt. Restituto Arcanghel, …
Read More »2 sundalo patay sa sagupaan sa CamSur
RAGAY, Camarines Sur – Binawian ng buhay ang dalawang miyembro ng Philippine Army nang makasagupa ang hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Salvacion sa bayan ng Ragay sa Camarines Sur, nitong Linggo ng umaga. Ayon sa ulat, sunod-sunod na putok ang narinig ng mga residente ng barangay nang magkasagupa ang pinaniniwalaang mga miyembro ng NPA at …
Read More »Kasambahay, driver sabit sa pagpatay sa among doktora
NASA kustodiya na ng Las Piñas City Police ang kasambahay at driver na umamin sa kanilang partisipasyon sa pagpaslang sa amo nilang dean ng isang medical school nitong nakalipas na Biyernes. Kinilala ng pulisya ang dalawang suspek na ang live-in partners na sina Juvy Bandoy Acero, alyas Tata, 43, at Dindo Engcoy Legano, 39-anyos. Naunang inaresto ng pulisya si Acero …
Read More »1,000 SK bets hindi agad ipoproklama (Kapag nanalo sa eleksiyon)
KAPAG nanalo, ang proklamasyon ng 1,000 youth candidates ay isususpende ng Commission on Elections makaraan makompirmang nilabag ang anti-dynasty provision ng Sangguniang Kabataan elections o lumagpas sa age requirement para sa SK officers Sinabi ni Comelec acting chairperson Al Parreño, 4,000 hanggang 5,000 katulad na kaso ang under review bagama’t tapos na ang 2018 Barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE) …
Read More »Vote-buying beberipikahin
INILINAW ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Oscar Albayalde kahapon, hindi maikokonsiderang “massive” ang vote-buying sa barangay at SK elections hangga’t hindi ito nabeberipika ng mga awtoridad. “Kaya ‘massive’ ang reports kasi one party will report vote-buying then the other party will also report vote-buying, kaya we have to verify it,” pahayag ni Albayalde sa press conference sa …
Read More »Barangay, SK polls sa 3 lungsod payapa
NAGING mapayapa at walang iniulat na untoward incidents sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa siyam na barangay ng Muntinlupa City kahapon, ayon sa ulat ng pulisya. Kaugnay nito, may iniulat na isang inaresto makaraan ireklamo ng vote buying sa Bicutan, Taguig City. Habang sa Pasay City ay may anim katao ang dinampot ng mga awtoridad na sinasabing flying voters …
Read More »33 patay sa eleksiyon
NAKAPAGTALA ang Philippine National Police (PNP) ng 33 katao napatay sa hinihinalang election-related incidents sa buong bansa mula sa pagsisimula ng election period noong 14 Abril. Hanggang 6:00 am nitong 14 Mayo, sinabi ni PNP chief Director General Oscar Albayalde, nakapagtala sila ng kabuuang 35 suspected at pitong validated election related incidents. Sa 42 incidents, 33 ang shooting, dalawa ang …
Read More »1,100 pulis nagsilbing BEIs — PNP
INIHAYAG ni Philippine National Police Director General Oscar Albayalde nitong Lunes, 1,100 police officers ang nagsilbi bilang Board of Election Inspectors (BEIs) sa 2018 Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) elections. Sinabi ni Albayalde, 180 police officers ang nagsilbi bilang BEIs sa Sulu; 45 sa Basilan; 177 sa Maguindanao; 400 sa Lanao del Sur; 119 sa Cotabato City; at 109 sa …
Read More »Barangay, SK polls inisnab ni Digong (Unang eleksiyon sa kanyang administrasyon)
HINDI lumahok si Pangulong Rodrigo Duterte sa kauna-unahang halalan sa ilalim ng kanyang administrasyon kahapon. Tikom ang bibig ng Palasyo kung ano ang dahilan nang hindi pagboto ni Pangulong Duterte sa barangay at SK elections sa Davao City. Ilang minuto makalipas ang 3:00 ng hapon, kinompirma ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, hindi na boboto si Pangulong …
Read More »Pagbasura sa drug charges vs Taguba, 8 iba pa iniapela
INIAPELA ng Department of Justice (DOJ) ang pagbasura ng Valenzuela City court sa drug transportation and delivery charges laban kay umano’y Customs fixer Mark Ruben Taguba II at walong iba pa kaugnay sa P6.4-billion shabu shipment mula China nitong nakaraang taon. Sa motion for reconsideration na may petsang 8 Mayo, hiniling ng panel ng DOJ prosecutors kay Judge Arthur Melicor …
Read More »Relasyong PH-Kuwait plantsado na
BUMALIK na sa normal ang relasyong Filipinas-Kuwait matapos lagdaan ang memorandum of agreement hinggil proteksiyon ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Gulf state. “Normal na po ang samahan ng Philippines at Kuwait. Ang hinihintay lang po talaga ng parehong panig ay iyong paglagda ng memorandum of agreement,” ani Roque pagdating kamakalawa ng gabi mula sa Kuwait. Nakasaad sa MOA ang pagbibigay ng 12-oras na pahinga sa OFW, hindi pagkompiska sa pasaporte at cell phone, pagbuo ng 24/7 hotline na puwedeng pagsumbungan ng pang-aabuso sa OFW, at isang special unit na maaaring sumaklolo sa kanila. Matatandaan, nagkaroon ng lamat ang relasyon ng dalawang bansa nang matagpuan ang bangkay ng isang OFW na si Joana Demafelis sa loob ng freezer. Habang nagalit ang Kuwaiti government sa kumalat na video sa social media hinggil sa rescue operations sa distressed OFWs sa Gulf state na walang koordinasyon sa kanila. Naging daan ito upang pauwiin ng Kuwait ang kanilang ambassador sa Filipinas at arestohin ang mga Filipino na kasali sa rescue operations. Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, hihimukin niya si Pangulong Rodrigo na wakasan na ang deployment ban sa Gulf State. Kasamang umuwi ng bansa nina Bello at Roque ang 87 distressed OFWs. …
Read More »