Saturday , May 18 2024

Revo gov’t ibinasura ng Palasyo

ni ROSE NOVENARIO

IBINASURA ng Palasyo ang panawagang magtatag ng isang revolutionary government ng isang grupong tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, dapat manggaling sa pagnanais ng publiko na magtatag ng revolutionary government at hindi mula sa isang pangkat lamang.

Nagdaos ng pulong noong nakaraang Huwe­bes sa Pampanga ang ilang kasapi ng Mayor Rodrigo Roa Duterte – National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC) kaugnay sa paglulunsad ng people’s initiative para magtatag ng revolutionary government upang maisakatuparan ang amyenda sa Saligang Batas na pamumunuan ni Pangulong Duterte.

“It is an idea which is pregnant with repercussion, not the least whether or nor the forces of society are ready for it,” ani Panelo.

“If it is a workable concept, it may be late in the day. Moreover, the call of a revolutionary government must come from the people and not from a single organization or an individual,” dagdag niya.

Para kay Presidential Spokesman Harry Roque, malaya ang isang pribadong grupo at organizers na isapubliko ang kanilang saloobin kaugnay sa revolutionary government.

Ngunit ang atensiyon aniya ng administrasyon ay tugunan ang CoVid-19 at magsagawa ng mga hakbang upang maiba­ngon ang ekonomiya na napilayan ng pandemya.

Kasabay aniya ng unti-unting pagbubukas ng ekonomiya ay segurohin ang kaligtasan ng mga mamamayan na nagsipagbalikan sa trabaho kahit narara­nasan pa sa bansa ang pandemya.

About Rose Novenario

Check Also

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

dead gun police

Ikinumpisal bago nalagutan ng hininga
MAGKAIBIGAN ITINUMBA NG 4 KAALITAN

BINAWIAN ng buhay ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng apat na pinaniniwalaang kanilang mga kaalitan …

051724 Hataw Frontpage

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *