Friday , March 29 2024

PECO wala nang karapatan sa Iloilo City

WALANG basehan ang apela ng Panay Electric Company (PECO) sa Energy Regulatory Commission (ERC) na maibalik ang kanilang Certificate of Convenience and Necessity (CPCN) para payagang muling makapag-operate bilang Distribution Utility (DU) sa Iloilo City dahil wala nang legal na kapangyarigan para gawin ito.

Ito ang paglilinaw ni dating Parañaque Rep. Gus Tambunting bilang reaksiyon sa inihaing supplemental motion for reconsideration ng PECO sa ERC noong 22 Mayo na humihiling na maibalik ang kanilang operational permit para muling maging power supplier sa Iloilo City.

Ikinatuwiran ng PECO na walang technical competence ang kasalukuyang DU na More Electric and Power Corp. (More Power).

Ayon kay Tambunting, dating vice chairman ng House committee on legislative franchises, kahit pa man maibalik ang operational permit ng PECO ay malinaw na wala na silang pinaghahawakang legislative franchise.

Maging ang alegasyon ng PECO na nagkaroon ng mas maraming insidente ng brownout sa Iloilo City sa ilalim ng More Power ay hindi rin maaaring gawing batayan para maibalik sa PECO ang muling pamamahala sa power supply.

Ipinaliwanag ni Tambunting, ang More Power ang may legislative franchise na iginawad ng Kongreso at inaprobahan ng Malacañang, kaya ang una lamang ang natatangging DU na papayagang makapag-operate sa Iloilo.

Aniya, ang hinihingi ng PECO sa ERC na sila muna ang mag-takeover sa Iloilo ay hindi maaaring mangyari.

“More Power is the one with the franchise. More is free to ask the help of PECO if it sees fit but that would be have to be decided by More,” paliwanag ni Tambunting kaya hindi na umano pupuwedeng ipagpilitan ng PECO ang kanilang serbisyo dahil natapos na ito.

Si Tambunting ay isa sa mga mambabatas na sumuporta na maalisan ng prankisa ang PECO kasunod ng mga natanggap na ebidensiya ng kanyang komite ukol sa kabiguan ng power firm na gampanan ang responsibilidad nito bilang power utility.

Malaking isyu rin ang kaligtasan bunsod ng pagkasunog ng mga lumang electric poles, mataas na singil sa koryente, at mahinang customer service.

Samantala, dumepensa si More Power President and CEO Roel Castro sa taktika ng PECO na ipinalalabas na walang alam ang More Power sa pagpapatakbo ng power company.

Paliwanag ni Castro, sa 142 empleyado ng More Power, 70 sa kanila ay pawang technical team mula sa PECO na kanilang ini-absorb at ngayon ay regular employees na rin ng kompanya.

“There’s no point of saying na hindi alam ng More ang pagpapatakbo ng power company, nagbago lang ng management and resources pero we have the same technical people and engineers manning the whole system,” pahayag ni Castro.

Binira rin ni Castro ang taktika na ginagawa ng PECO para siraan ang More Power, isa na rito ang pagpapalobo ng numero sa naranasang brownout simula 16 Pebrero 2020 hanggang 16 Hulyo 2020 na ginawang 412 oras gayong nasa kabuuang 182 oras lamang ang power interruption, para palabasing incompetence ng kompanya na malinaw na panlilinlang sa publiko.

“I don’t know what they’re tactics are but one should really have their ethics. More Power will not go to that extent of lying,” pahayag ni Castro.

Sinabi ni Castro, ang technical readiness ng More Power ay kitang-kita sa kanilang naging operasyon simula nang kanilang takeover noong Pebrero 2020, pangunahin na rito ang rapid response sa mga customer complaints na nasa average na isang oras at 30 minuto lamang kompara sa tugon ng PECO na inaabot nang ilang araw hanggang linggo para masolusyonan.

About hataw tabloid

Check Also

Notoryus na wanted holdaper sa NCR, todas sa enkwentro sa Batangas!

Notoryus na wanted holdaper sa NCR, todas sa enkwentro sa Batangas!

NASAWI ang isang lalaki na tinaguriang kilabot na holdaper at akyat bahay na kabilang sa …

Las Piñas Mass Wedding Kasalang Bayan

Sa ika-27 anibersaryo ng Las Piñas
102 COUPLES SABAY-SABAY NA IKINASAL

SA PAGDIRIWANG ng Buwan ng Kababaihan at ika-27 anibersaryo ng pagkakatatag bilang lungsod ang Las …

Buhain Richard Bachmann

Buhain, umayuda sa HB Bills para sa PH Sports

Pinangunahan ni Batangas 1st District Congressman Eric Buhain ang pagtalakay at pagsuri sa mga isinusulong …

Acuzar mapang-asar KALBARYO NG MARALITA ITINANGHAL SA NHA, DHSUG, PANAGHOY IWINASIWAS NG GRUPONG URBAN POOR

Acuzar mapang-asar  
KALBARYO NG MARALITA ITINANGHAL SA NHA, DHSUG, PANAGHOY IWINASIWAS NG GRUPONG URBAN POOR

MAHIGIT 300 informal settler families (ISFs) at civil society organizations (CSOs) ang nagtanghal ng Kalbaryo …

PNVF Volleyball

Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Under-18 Championship 2024

MAGSISIMULA ang Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Under-18 Championship 2024 ngayong linggo simula sa Biyernes …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *