Friday , December 6 2024

SMC magpapalaki ng mud crab sa mangrove plantation sa Bulacan (Sa itatayong international airport)

NAKATAKDANG magtanim ng 190,000 puno ng bakawan ang San Miguel Corporation (SMC) malapit sa itatayong international airport sa lalawigan ng Bulacan bilang flood mitigation measure.

Ang isasagawang mangrove forest sa 10 hektaryang bahagi ng 700-bilyong proyekto ay bilang permanenteng solusyon sa perennial flooding problem sa hilaga ng Metro Manila.

Kaugnay nito, magpapalaki ang SMC ng 100,000 mud crabs kada taon sa nasabing mangrove plantation bilang proteksiyon sa mga punong itatanim.

Magsisilbing pagkuku­nan ng pangkabuhayan ang mga mud crab ng mga residenteng nakatira sa karatig lugar ng itatayong airport.

Bukod pa ito sa paglago ng komersiyo na makapagbibigay ng libong employment opportunity sa mga Bulakenyo kabilang ang bayan ng Obando.

“Hindi namin puwedeng isugal ang P700 bilyong investment kung hindi namin kayang masugpo ang pagbaha sa paligid ng proyekto,” ayon kay SMC President Ramon Ang.

Ang mangrove plantation ay rekomen­dasyon ng Japanese consulting firm na nagsagawa ng masusing pag-aaral kaugnay ng nasabing proyekto.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

San Pascual, Batangas

San Pascual, Batangas mayoralty candidate Bantugon-Magboo, Ipinadidiskalipika sa Comelec

PINASASAGOT ng Commission on Elections (COMELEC) 2nd Division si San Pascual, Batangas mayoralty candidate Arlene …

Sara Duterte 2nd impeachment Makabayan Bloc

2nd impeachment vs Sara inihain sa Kamara

ni GERRY BALDO INIHAIN sa Kamara de Representantes kahapon ang pangalawang impeachment complaint laban kay …

Sarah Discaya

Pasaring ni Mayor Vico sinagot ni Ate Sarah para sa Pasigueños
“12 DAYS OF XMAS” FREE CONCERT, AYUDANG TULOY-TULOY, 5-KILO RICE KADA PAMILYA BILANG PAMASKONG HANDOG“

“TWELVE Days of Christmas” free concert at tuloy-tuloy na ayuda sa maralitang Pasigueños ang naging …

Howlers Manila 3.0 - Cosplay and Music Festival FEAT

Maki-party with BingoPlus sa Howlers Manila 3.0!

Don’t miss the grandest Cosplay & Music Festival of Howlers Manila this Saturday, December 7, …

Puganteng vice mayor ng Marawi arestado sa NBI

Puganteng vice mayor ng Marawi arestado sa NBI

INIHAYAG ng National Bureau of Investigation (NBI) kahapon na naaresto na si Marawi Vice Mayor …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *